Chapter 6 - #WBILSaviour

1K 32 12
                                    

A/N:

Another update for you guys! Gaya ng sabi ko guys. Babawi ako on my next updates :)

****************************************************************

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW ;))

****************************************************************

*Zoe*

May nakaschedule akong outside meeting ngayon kaya aalis na ako before lunch. Importanteng client ng company yun kaya hindi dapat ako malate.

Dumaan muna ako sa labas ng office ni David para ihatid yung lunch niya. Ipapasuyo ko na lang kay Steven na siya na lang magbigay sa kanya.


"Steven, pwedeng pakibigay naman kay David." Inabot ko sa kanya yung lunch box.


"Sige po maam." 


"Careful, medyo mainit pa yan." babala ko sa kanya. Kakagaling ko lang kasi ng pantry para initin yung pagkain niya. Sana naman kainin niya.


"Pakisabi na rin sa kanya na aalis muna ako ngayong hapon. May meeting ako outside the company. If ever na may kailangan siya sa akin tawagan na lang niya ko." Inabot ko sa kanya yung papel na may number ko.


"Sige po maam. Ako na pong bahala. Mag-iingat po kayo." sagot sa akin ni Steven.



*Vince*

Naabutan ko sila David sa canteen kaya sumabay ulit ako kanila ng lunch. Sumunod na bumaba si Steven na may dala dalang lunch box.


"Sir, pinapabigay ni Maam Zoe sa inyo. Lunch niyo daw po." sabi sa kanya ni Steven.


"I don't want it. Itapon mo na lang."  sagot niya kay Steven.


"Pero sayang po Sir." Pilit ni Steven.


"Edi, kainin mo kung nasasayangan ka." 


"Akin na yan Steven kung ayaw niya kainin." sabi ko sa kanya.


Binigay naman niya sa akin yung lunch box. Gusto kong asarin si David ngayon kaya ako ang kakain ng pagkain niya.


"Pinapasabi rin po pala ni Maam Zoe na may meeting siya sa labas today. So, kung may kailangan daw po kayo sa kanya. Tawagan niyo na lang po siya. Here's her number." May inabot siyang papel kay David.


Siyempre kupal siya kaya nilukot niya yung papel at tinapon sa basurahan.


"Who cares? Sabihin mo sa kanya na huwag na siyang bumalik." sagot pa niya kay Steven.


Wala nang nagawa si Steven kundi umalis sa harapan ni David.


"Hmmmm. It smells so good." sabi ko pagbukas ko nung lunch box. Medyo mainit init pa yung pagkain niya.

Way Back Into Love (IWFIL Book 2) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon