First Love

3.6K 52 5
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

©All rights reserved 2017














"Ang dami dami ko na ngang problema dumadagdag pa kayo! Work on this! Please! I need these documents asap!"

Napahilot ako sa sentido ko at napa buntong hininga

Umagang umaga binubwisit agad ako ng tambak na problema dahil sa kapalpakan ng mga tao ko

Napapikit ako sa pagka dismaya at nakarinig nalang ng pag bukas-sara ng pintuan

Hudyat na lumabas na ng opisina ang mga empleyadong pinagalitan ko

Minulat ko ang mata ko at bumungad saakin ang isang napaka organisado at napaka linis na opisina

Maayos na mesa. Magarang laptop. Organisadong kagamitan. At tambak na papeles.

Nasa mesang iyon din ang pangalan ko

"Ms. K Padilla---COO (Chief Operations Officer)"

Napa higa ako sa mesang iyon at bumuntong hininga

Kung titignan mo perfect na ang trabaho ko, mataas na ang posisyon ko

Pero diko alam kung bakit may kulang pa, kung bakit diko magawang i-enjoy ang posisyong pinaghirapan ko all over the years

Is it because gusto ko ng mas mataas pang posisyon?

Di ko alam. All I know is that I'm not contented with this life

It's like I'm still finding my happiness

"Excuse me Ms. K"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ate Amy

Si Ate Amy ang secretary ko "What?"

"May bisita po kayo"

"Ate Amy, I told you not to----"

"Beshyyyy!!!!"

Naputol ang sasabihin ko ng bumungad saakin ang pagmumukha ng bestfriend ko

Si Liz.

"Sorry Ms. K nagpumilit kasi siya eh"

Nginitian ko lang si Ate Amy "It's Okay! Uhm... Can you leave us both muna?"

Tumango naman si Ate Amy at lumabas na ng opisina ko

At nung masigurado kong nakalabas na si Ate Amy

Tumayo ako at sabay kaming tumili ni Liz

"Waaaaaaaaaaahhhhh!!!"

"Aaaaaaahhhh!!!!"

Lumapit naman siya saakin at niyakap ako

"OMG Beshy! Its been what? 5 years! Since the last time we saw each other"sabi ni Liz sa gitna ng pagyayakapan namin

Humiwalay naman ako "Oo nga! Naging busy ka kasi sa Outerspace"

Tumawa naman siya "Gaga! Outerspace? Ginawa mo kong alien! Eh sa Paris lang naman ako"sabi niya

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon