POV ni Kulot
"May meeting tayong mag batchmates next week, catch you up there Beshy! Gotta go!"
Umiiling akong bumalik sa ulirat
It's been a week since nung last meeting namin ni Liz sa office ko
And today is the day, ang meeting naming mag batchmates
At lutang na lutang ako
Actually 1 week na akong lutang dahil sa letseng reunion na yan
Yung mga tanong kasi sa isip ko kinakain ako
Dadating kaya siya? Ano na kayang itsura niya? Tuluyan na kaya siyang nag bago? Handa na ba akong makita siya?
Ang daming tanong! At ang ingay na ng isip ko nakakainis
Bumuntong hininga ako at tumingin sa salamin sa harap ko
Simple Make up. Corporate Attire. High-heeled shoes. Perfect Kulot.
Bumuntong hininga ulit ako "K You're pretty at ang taas na ng naabot mo sa buhay, pero wala ka paring confidence na harapin siya? You said naka move on ka na kaya Panindigan mo yun" sabi ko sa sarili ko at ngumiti ako
I took one last look at kinuha ko na ang bag ko sa table at lumabas na ng Unit ko
Dumiretso ako sa parking lot at sumakay na saaking kulay pulang Telsa at minaneho ito papunta sa venue
Tumingin ako sa salamin and I smiled confidently
"Pag dating ko doon sa Venue, lalabas ako ng sasakyang ito na may confidence and I'll walk like a star"
Few minutes later....
"Lalabas ako, Hindi ako lalabas, lalabas ako, hindi ako lalabas, lalabas ako....."paulit-ulit kong sabi sabay paulit-ulit ding inuuntog ang ulo ko sa manibela
Halos tatlongpung minuto na akong ganito sa parking lot ng Venue
I guess hanggang salita lang ako
Kinakabahan ako
Kaba nga ba?
O Takot?
Takot na ano K?! Na pag nakita mo siya masasaktan ka ulit?!
Shut up stupid thoughts!
"Eto ba ang naka move on?!"
At inuntog ko ulit ang ulo ko sa manibela
At saktong tumunog ang busina ng sasakyan ko
*Beeeeeeeeeeeeeeep!*
"Anak ng Kabayo!"bulalas ko
Napatingin ako sa harap at nakita kong may lalaking napa tingin sa direksyon ko
Unti-unti siyang lumapit at kumatok sa bintana ko
Binuksan ko naman ito at nakita kong nagulat siya
"Humayghad! Kulot?"
Tinignan ko siya ng maigi
Eyeglasses. T-shirt. Shorts. High length socks. Mamahaling sapatos.
Siya nga...
"Ferdinand Hipolito?!"gulat kong tanong
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanfictionCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?