POV ni Kulot
Ang sakit ng ulo ko, feeling ko mabibiyak na ito
Hays Ayoko nang uminom. Last na yung kagabi
Masakit na nga puso ko masakit pa ang ulo ko
Bigla naman akong tumayo sa pagkakahiga ko sa kama ko
Iginala ko ang paningin ko sa paligid
Teka.....paano nga ba ako naka-uwi?
Ang naalala ko si Dingdong ang huli Kong kasama
Baka siya nga ang nag-hatid saakin
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ko ang nangyari kagabi
Today is the day.
Today is the day that I'm going to break somebody's heart
And that heart is Dingdong's. Napag-usapan na namin kagabi that we'll end this today
I feel guilty. Ayoko na kasing magsinungaling. Ayoko nang maging unfair Kay Dingdong
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nagulat ako dahil ang dami Kong missed calls mula Kay Dingdong
Agad ko naman siyang tinawagan
"Finally! Where the hell are you?!" Bungad niya
Base sa boses niya mukhang nag-aalala siya
Nag taka naman ako
"I'm at my unit"
"Sinong kasama mo?"
"Ha? Mag-isa lang ako"
"Thank goodness" I heard a sigh of relief
Mas nag taka naman ako
"Teka nga, bakit mo tinatanong? Hindi ba't ikaw ang naghatid saakin kagabi?"
Hindi siya sumagot
"Hello? Dingdong?" Tinignan ko naman ang cellphone ko at nakita ko namang nasa linya pa naman siya
"Huy Sixto!" Muli kong tawag
"Ah oo ako ang n-naghatid sayo, I'm just making sure na maayos ka" sagot niya
"Ah ganun ba, bakit mo nga pala tinanong kung mag-isa lang ako?"
"Ah yun? Eh kasi....." His voice turned serious "Diba may kailangan tayong pag-usapan? I guess now is the perfect time"
Napalunok naman ako
"N-Ngayon na? Agad-agad? Dito sa unit ko?"
He sighed "No, I think it would be better kung doon tayo sa lugar na payapa"
"Where?"
"You'll see. I'll just pick you up at around 10"
"Okay"
Nalulungkot akong isipin na kailangan kong saktan ang puso ni Dingdong
If only I could dictate my stupid heart
Nag ready na ako, naligo na at nag bihis
At kumain narin ng breakfast
Mga bandang 10 dumating na nga si Dingdong
"Love" bati niya
"Love?" Nakangiti ko namang sabi "Ang corny ah?"
Tumawa naman siya
Nabigla ako nang akapin niya ako
"I want to call you, Love for the last time"
Naramdaman Kong mas mahumigpit ang yakap niya
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanfictionCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?