A/N:
May mabait na bata bang nag skip ng chap 14? Hahaha I'm sure wala. Lahat kayo pasaway noh? Cheret!
Sige na start na ako
POV ni Kulot
Pagkalipas ng isang taon at anim na buwan....
"Ma'am K, andito na po yung pinapatrabaho niyo" sabi nang isa kong employee na kapapasok lang sa opisina ko
Nakayuko siya saakin at mukhang natatakot
Binasa ko naman ang report niya
"Honestly...." Panimula ko "I'm impressed"
Nakita ko ang relief sa mukha niya
"I like your report, good job" I said with a smile
"Thank you po ma'am!"
Ngumiti lang ako "You may now go, keep it up, malay mo ma-promote ka"
At tuluyan na siyang lumabas ng opisina ko
I looked around my room
Malinis at Organisadong opisina
Maayos na mesa. Magarang laptop. Organisadong kagamitan. At tambak na papeles.
Andito parin ang pangalan ko
"Ms. K Padilla---COO (Chief Operations Officer)"
I'm still in the same building, in the same room
Walang nagbago sa trabaho, hectic parin ang schedule pero nakakaya na.
Atleast now, I can say that I'm contented
Ang daming blessings na binigay saakin ni Lord, I should be thankful for that
Binalik ko ang tingin ko sa laptop ko at tinignan ang mga files na tinatrabaho ko
I heard a knock
"Pasok" sabi ko habang tutok parin sa laptop ko
"Miss K, may bisita ka" rinig Kong sabi ni Ate Amy
"Sino?" I'm still busy on my laptop
"Mami!"
Agad namang napa-angat ang tingin ko nang makarinig ako ng isang maliit na tinig
"Uy K, hinahanap ka ni Asha oh. Mami ng Mami. Wala nang ibang alam na salita" bungad naman ni Liz na bitbit si Baby Asha
I laughed
"Masisisi mo ba siya? Mahigit isang taong gulang palang yan eh!" Sagot ko
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at kinuha si Asha mula sa kamay ni Liz
"Baby Asha! Did you missed your Mommy K?"
Napa-irap naman si Liz
"Teka bakit ka nga pala andito?"
"Alam mo na" nahihiya niyang sabi
Ako naman ang umirap "Sige na, go!"
"Yes! Thank you Beshy!" At nagmamadali na siyang umalis nang opisina ko
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanficCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?