POV ni Bakla
Nang makarating kami sa breakfast buffet which is held sa tabing dagat ay agad Kong nakita si Kulot
Mapuntahan nga ang gaga
"Hey! San ka?" Tanong ni Anne
Oo nga pala kasama ko parin siya
"Pupuntahan ko lang si K" sabi ko
"Sama ako" sabi niya
"Ah..Sige"
Sabay kaming pumunta sa kinaroroonan ni K
Kasalukuyang naka-upo at kumakain mag-isa sa kanyang mesa si K
Umupo naman ako sa harapan niya, ganon din si Anne
Nakita Kong nagulat siya sa pagdating namin pero kitang mas nagulat siya sa presensya ni Anne
"Makiki-share kami ah?" Tanong ko
"Hi K! Ang ganda mo lalo!"sabi naman ni Anne
Saglit siyang napangiti na agad napalitan ng signature poker face niya "Tapos na akong kumain, masosolo niyo na ang mesa"
Napatingin naman ako sa pinggan niya at nakita kong may natira pang pagkain, actually ang dami pang natira
"Eh di mo naubos eh" sabi ko
"Hindi ko naubos eh, nawalan ako ng gana" at naglakad na siya palayo
Anong meron dun? Sabi niya pag first day lang niya siya nagiging moody?
"Nagkagalitan ba kayo ni K?" Nagaalalang Tanong ni Anne "I thought napatawad ka na niya?"
Yes, I told her everything from the moment I got here in the Philippines hanggang doon sa concert ng Coldplay
"Oo nga, pero mukhang dala nanaman yun ng dalaw niya, kakausapin ko nalang siya mamaya" sabi ko
"Wag muna, you should leave her alone. Let her cool down muna. Naku, ako may PMS din naman ako eh and kapag sinusumpong ako gusto Ko lang mapag-isa kaya I suggest na iwasan mo muna siya" sabi naman ni Anne
"Ganun ba yun?"
"Oo Sis ganon yun!"
"Eh di kasi ako girl kaya diko alam ang mga ganerng bagay, you know?"
"Well, now you know"
Maya-maya ay natapos narin kaming kumain
"Okay, listen up everybody" sabi naman ni Liz na kasalukuyang naka mic
Napatingin kaming lahat sa kanya
"I will announce who your teammates are" tinignan niya ang papel niya "Okay, here we go, Tessa, Deny, Fely, Jeric, Jason........"
Halos lahat na kami ay natawag pero kami ni Anne wala pa pati si K hindi parin natatawag
"Team number 12, Billy, K......"
Naku sana ka-team ko na sila
"Erika, Empoy......"
Yes! Ka-team nila ako!
"And the last one...." Pagpapatuloy ni Liz
"Sana ako" bulong ni Anne
Ngumiti naman ako kaso naalala ko ang sinabi ni Liz kanina na hindi kami magkateam ni Anne
"Alexandra" pagpapatuloy ni Liz
"Ay, di nga tayo magka-team" malungkot na sambit ni Anne
"Okay lang yan, Sis"
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanfictionCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?