Pink Bag

1.3K 39 11
                                    

POV ni Bakla



"Sa tagal ng panahong lumipas, hindi parin siya nagbabago"

"Sino po Ma'am Erika?"tanong ni Mang Ernie, ang driver ko

"Yung traffic sa sa EDSA! Meghad! Hanggang ngayon EDSA parin ang may hawak ng Record ng World's largest parking lot kaloka!"sabi ko

Male-late na ako sa meeting ng reunion eh

Ay mali, late na pala talaga ako

Makapag retouch na nga lang

Humuhulas na make up ko eh, kanina pa kasi ako nagpapawis

Naka aircon naman, hay ewan ko ba kinakabahan siguro ako

Kinakabahan akong humarap sa Ex-Girlfriend ko----Chaka! Meghad Girlfriend?! Kabokot

Pero ang totoo siya lang naman ang dahilan kung ba't ako umuwi ng Pinas

Sa wakas nagkaroon narin ako ng dahilan para kausapin siya

Salamat sa Reunion...

Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya, I hope sa pagkikita namin hindi na siya galit saakin

Pero sa tindi ng ginawa ko sa kanya? Mukhang imposibleng napatawad na niya ako... Well I just hope

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng lipstick ng biglang tumunog ang phone ko

May nag text

Fr: Bestie Billy

Hoy! Brad Erik Villavicencio, papasok na ako ng venue asan ka na?

Eww! Jusko Billy matagal ng naka baon sa hukay ang pangalang Erik

To: Bestie Billy

Correction 'erika' po with an E-R-I-K-A and don't call me brad na bestie, I'm on my way na traffic lng sa edsa

Tamang-tama dahil pag pindot ng pag pindot ko ng send button nasa labas na kami ng gate ng Venue

Maya-maya ay nakarating na kami sa entrance

"Dito na ako Mang Ernie, I'll just call you kung magpapa sundo na ako"sabi ko

"Oki Ma'am!"

Inayos ko na ang color Brunette kong wig at ang foam sa dibdib ko at tila artistang lumabas ng aking sasakyan

Yung may pa wind epek at slow mo epek

Napatawa ako

Slow mo...

"Sino po sila?"tanong nung kalbong receptionist

"I'm Erika Villavicencio"sagot ko

Tumingin naman siya sa listahan niya

"I'm sorry pero wala pong Erika Villavicencio sa listahan"

Bumuntong hininga ako

"*ehem* Erik Villavicencio, Brad"sabi ko sa panlalaki kong boses

Ew.

Nakita ko namang nagulat siya at agad tumingin sa listahan

"Wag mong sabihing wala kung ayaw mong upakan kita"banta ko sa panlalaki paring tinig

At binigyan ko siya ng maangas na tingin

Napalunok naman siya "M-meron po...y-you can go inside Sir--este M-Ma'am--este Ah Eh kayo na pong bahala"

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon