POV ni Bakla
"We've finally arrived at NAIA Air Terminal. The local time is 3:07 pm. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat belt sign. Thank you for flying with us. Mabuhay!"
*Ting!*
Nakita ko naman na pinatay na ang fasten seatbelt sign kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko
Hinintay ko lang na makalabas ang lahat ng pasahero bago ako lumabas
"Meme!" Bungad saakin nina Buern at Archi
They are my assistants, nakilala ko sila sa America. Mga OFW sila na TNT (tago ng tago) kaya tinulungan ko nalang sila at ginawang assistant para magkaroon sila ng green card
Dual citizen narin kasi ako
May dalang payong si Archi habang si Buern naman ay dala ang schedule planner ko
"What's for me this day, Buern?" Tanong ko
"May dinner meeting ka kasama si Ms. Rivera mamayang gabi sa restorant nila. Don't worry Meme napareserve ka na nila ng table"
Tumango naman ako
"Is the hotel ready?" Tanong ko
"Opo, Meme we've already arranged everything"
"Good"
Tumungo na kami sa airport at sumalubong naman saakin si Mang Ernie, ang driver ko
"Mang Ernie!" Bati ko
"Welcome Back Ma'am!" naka-ngiti niyang bati
"Na-miss po kita, kamusta kayo ni misis?"
"Staying strong parin ma'am! Tinatahak ang road to poreber"
Bahagya naman akong napatawa sa pagka-millenial ni Mang Ernie
Siya nga pala, siya lang ang pinapayagan Kong tawagin akong 'ma'am' mapilit kasi siya eh
"Siya nga pala, sina Buern at Archie po" pagpapakilala ko
Nagpakilala naman sila sa isa't isa at pagkatapos ay dumiretso na kami sa labas at sumakay sa limousine
As usual stuck in traffic nanaman kami sa EDSA
"Wala talagang pagababago ang Pilipinas" komento naman ni Archie
Napangiti ako
Ganyang ganyan din kasi ang sinabi ko nung kakadating ko palang dito mahigit isang taon na ang nakalipas
"Kamusta na kaya sina Mama?" Malungkot na tanong ni Buern
Napatingin naman ako sa kanila "Wag kayong mag-alala bibigyan ko kayo ng time na makasama ang pamilya niyo. Lalo na ngayon malapit na ang pasko" sabi ko
"Talaga Meme?" Sabay nilang Tanong
"Oo, matatagalan pa naman ako dito sa Pinas para sa Bagong project namin ni Ms. Rivera"
"Yes! Thank you Meme! Hulog ka talaga ng langit!" Sabi ni Archi
At sabay naman nila akong niyakap
"T-teka nga! N-nasasakal ako!" Sabi ko
Bumitiw naman sila at napatawa kami
Napabalik naman ang tingin ko sa bintana
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanfictionCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?