POV ni Bakla
Napatingin ako sa relo ko at nakita Kong 9:54 pm na
"Rence, I need to go. Nag-request si K na sabay kaming mag dinner eh" sabi ko
Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko sa tabi ni Rence nang pigilan niya ako
"Please....stay, I need to tell-------"
"Rence, I'm sorry to say this. I'm sorry for hurting your feelings but I can't afford to loose her again. For this time, kahit sa dinner lang....I choose her" tumayo na ako "Tinext ko na si Tita at papunta narin naman siya dito. I'll be back tomorrow"
"Okay. Promise me you'll be back tomorrow. May sabihin akong importante sayo" he said
Tumango lang ako at lumabas na ng pintuan
Andyan na naman ang guilty feeling na bumabagabag sa kalooban ko
Ang hirap. Sa tuwing may pinipili ako sa pagitan ni Rence at K binabagabag ako ng feeling na ito
Ang bigat sa pakiramdam. I don't want to hurt them because they are both important to me. But I know to myself na isa lang ang mahal ko sa kanilang dalawa... At si K iyon
Pag dating ko sa condo namin ni K, nakapatay ang ilaw
Teka----akala ko ba gusto niyang sabay kaming mag dinner?
Tinulugan na ba niya ako?
I looked at my watch and saw that it was already 10:15 pm
Hay. What do I expect? Galit saakin si kulot pagkatapos ay na-late pa ako sa dinner na hiniling niya edi mas naglit siya
Sinabunutan ko naman ang sarili ko
"Ikaw talagang bakla ka! Kahit kailan bad shot ka nalang lagi sa jowa mong merlat!" Bulong ko sa sarili ko
Papasok na sana ako sa kwarto nang mapansin Kong may umiilaw sa labas ng sala....sa balcony
Naglakad ako nang dahan-dahan palapit doon at nakita kong may isang mesa at dalawang upuan at may kandila sa gitna at may mga pagkain at wine din sa ibabaw ng mesang iyon
Napunta naman ang tingin ko sa babaeng nakatalikod at nakasandal sa railings ng balcony at nakatingalang pinagmamasdan ang city lights sa paligid
Napangiti naman ako
Aba, talagang pinaghandaan talaga ni Kulot 'to ah? Naka red backless fitting dress pa siya ngayon at naka messy bun ang buhok niya
Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kanya para Hindi niya mamalayan na andito na pala ako
Inakap ko naman siya mula sa likod niya at batid Kong nagulat siya sandali pero agad naman siyang kumalma
Narealize siguro niya na ako iyon
I planted soft kisses to her bare shoulder papunta sa leeg niya
"You look gorgeous" I whispered
Humarap naman siya saakin at nakita Kong naka poker face nanaman siya
"Akala ko di ka na dadating" sabi niya
"Sorry, Kulot eh kasi------"
"Stop explaining. I'm not asking you to" sabi niya at naupo na siya sa upuan "Kumain na tayo nagugutom na ako"
Napangiti naman ako at umupo sa tapat niya
"Wow Kulot ah! May pa candlelight dinner ka pang nalalaman, naka-off pa ang mga ilaw, brownout ba?" Biro ko
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanfictionCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?