POV ni Bakla
"Tara na Bakla!" Sigaw ni kulot mula sa labas ng kwarto ko "Tagal mo naman!"
I looked at the time
8:47am
Hays! Maglalagay pa sana ako ng false eyelashes eeeh!
"Teka lang maglalagay muna ako ng piluka!" Sabi ko
"Hoy! Beach ang pupuntahan natin hindi prom!"
Napatawa naman ako sa sinabi niya
"O Sige na!" Sabi ko
Kinuha ko na ang pink Kong maleta at pink Kong bag
Tiniganan ko muna ang kabuoan ng kwarto, I will miss living here
At lumabas na ako ng tuluyan
"Gusto mo lang akong mapalayas eh!" Sabi ko
"Matagal na kaya! Kung di mo lang binayaran ang half payment ng unit ko eh"
Naalala ko naman ang bangayan namin tungkol sa pagsi-stay ko dito sa unit niya
*Flashback*
"I will live here....until the reunion, wala kasi akong matirhan eh ayoko namang mag hotel mas gusto ko yung at home na at home talaga ang mood ko" mataray kong sabi
"Hah! At sino namang nag sabi na papayag ako aber?" Mataray ring sabi ni K
Pinipigilan ko namag matawa sa reaksiyon niya
Ang cute niyang mangigil
"Me" mataray kong sagot
Tumahimik naman siya saglit, feeling ko pinagmumura na niya ako sa isip niya eh
"After what you did to me do you think pa------" I cut her off
"You have no choice, nalaman kong kalahati palang ang nababayaran mo dito kaya binayaran ko na ang kulang so it means kalahati ng unit ay akin"sagot ko sabay pakita ng resibo na nagsisilbing katibayan ko
Yes, binayaran ko na ang half payment ng unit niya, pinlano ko na 'to para hindi talaga siya maka-hindi
Para naman siyang nabilaukan sa sinabi ko
"Wala kang magagawa share tayo dito until the reunion, then after that wala ka ng babayaran ayaw mo ba nun? This unit will totally be yours....so is it a deal?" I asked
*End of Flashback*
"Well, dahil tapos na ang deal natin, sayong-sayo na ang unit na 'to. Hindi mo na kailangang bayaran" sabi ko
She smiled "Salamat ah, nagka-utang na loob pa ako sayo" Biro niya
Napatawa naman ako at napatigil sa naisip ko "Pero diba kaya mo namang bayaran ang full payment sa unit na 'to or even this whole building but why didn't you?"
BINABASA MO ANG
EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]
FanficCould ex lovers become ex-tra ordinary friends?