Usapang Hotdog

1.2K 33 2
                                    

POV ni Kulot





*kring*kring*

Minulat ko ang aking mata at pinatay ang alarm ko

5:00 am

iginala ko ang tingin ko sa paligid

Hay ang sarap bumalik sa sarili kong kwarto

Napatingin naman ako sa glass window sa aking kanan at bumungad saakin ang isang napaka gandang sunrise at ang matataas na building

The city view...

It's so good to be back

Naka ngiti akong lumabas ng kwarto ko kaso agad naman itong nawala nung nakita ko ang taong may sanhi kung bakit di ako nakatulog sa kwarto ko ng ilang araw

Ngunit agad naman akong nagulat sa nakita ko

Maikli ang buhok niya?!

So tama nga ang hinala ko na wig lang yun? Nagdadalwang isip pa kasi ako kung wig ba talaga yun eh

Nagkibit balikat ako, baka naman di pa tumubo ang buhok niya kaya nag wig muna siya

Nakatalikod siya saakin at may niluluto kaya di niya ako napansin

Naka plain white t-shirt siya at naka hello kity na shorts

Pag harap niya agad naman akong napa pikit

"AAAAAHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ko

"KULOT?!---Aray!"

Napamulat naman ako at nakita kong nadaganan ng takip ng kaldero ang paa niya

Agad naman akong napatingin sa kanya at nagulat ako nung makita kong walang pares ng monay ang dibdib niya

"What the F--------! Akala ko dinispatsa mo na si Junjun at bakit nawawala yung dalawang monay?!"

Nakita ko naman ang pagtataka niya "Ha? Sino si Junjun? Dinispatsa? Hoy Grabeh ka Kulot alam kong makapangyarihan ang pamilya namin pero diko naman kayang pumatay ng tao! Tsaka anong monay? Wala namang pagkain dito eh naghanap nga ako pero walang ka-laman laman ang cabinet at ref mo"

Napasapo naman ako sa noo ko at bumuntong hininga "Never mind. I don't care anyway"

Sht akala ko talaga nag pa gender re-assignment na siya at nagpa breast implant

Tumalikod na ako sa kanya at akmang babalik na sa kwarto kaso bigla siyang nagsalita

"San ka pupunta, Kulot?"

Hinarap ko naman siya "Pake mo?!"

"Ay grabeh siya oh, kain ka muna dito, maaga akong nagising para bilhin tong paborito mo at para araling lutuin ito"

Sabi niya sabay hain ng kung ano mang niluluto niya kanina

Tinignan ko kung ano iyon at nakita kong may hotdog doon, hindi lang basta hotdog kundi sunog na hotdog

Naalala niya...

Napalunok ako "No thanks, sa opisina na ako kakain at maliligo"

"Pwede mo namang gawin yan dito eh"

"Ayoko"

"Bakit naman?"

"I would'nt ask that if I were you, alam ko namang alam mo kung bakit diba?"

Napa iwas naman siya ng tingin at lumungkot ang expression ng mukha niya ngunit agad naman siyang ngumiti

"Ah alam ko kung bakit ayaw mong kainin ang niluto ko, kasi ang pangit ng hitsura diba? Don't worry edible naman yan, tested and proven, gin-oogle at ni-youtube ko na nga ang procedure ng pagluluto ng hotdog kaso yan lang talaga ang keri ng powers ko eh"

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon