Friendzone

1.1K 35 15
                                    

POV ni Bakla

Pinagmasdan ko ang mga Taong dumalo sa concert ng Coldplay mula sa backstage

Ang dami nila...

Nakakakaba.

I am going to surprise K, today.

Hindi ko naman sana 'to plano eh. Bigla nalang nag pop sa isipan ko na surpresahin siya ngayon. Susunduin ko naman sana si K kahit ayaw niya pa pero na-meet ko yung organizer ng concert ng Coldplay----which is coincidently my close friend kaya bigla ko nalang naisip ang ideya ko. Buti nalang talaga kaibigan ko yung Organizer at maisisingit niya ako sa program.

Na-meet ko narin si Chris Martin, yung gwapong vocalist ng Coldplay at pinaki-usapan ko siya na kantahin niya yung "Fix You" at pumayag naman siya

Ang plano namin ay isisingit nila ako sa kanta kaya heto ako ngayon nasa backstage at hinihintay ang part ko

🎶~~Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you~~🎶

Ayan na its my turn...

Habang instrumental pa ay unti-unti na akong lumabas at naglakad paputa sa gitna

Hawak-hawak ko na ang mikropono at tumingin sa dagat ng mga tao

Ang daming tao promise, nakakalokaaaaaa!

Ngayon lang ako nag-effort ng ganito para sa isang Babae

Hinanap naman ng paningin ko si K at nakita ko naman siyang nakayuko, kahit nakayuko siya Alam na Alam Kong siya iyon dahil sa kulot niyang buhok

Teka? Umiiyak ba siya?

Narinig Kong malapit nang magsimula ang unang linyang kakantahin ko kaya bumuntong hininga ako

This is it.

🎶~~Tears stream down your face
When you lose something you cannot replace
Tears stream down your face and I~~🎶

Nakita Kong napaangat siya ng tingin. I could see her tears trained face. Umiiyak nga talaga siya.

Di kaya inakala niyang inindian ko siya?

🎶~~Tears stream down your face~~🎶

Tinignan ko naman siya ng diretso sa mata Bago kantahin ang linyang pangako ko sa kanya

🎶~~I promise you I will learn from my mistakes~~🎶


Pinapangako Kong Hindi ko na siya sasaktan, ipinapangako Kong hindi ko na ulit siya babasagin. Mamahalin ko na siya ng totoo this time bilang kaibigan

🎶~~Tears stream down your face and I

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you~~🎶

As soon as makanta ko na ang last line ay bumuntong hininga ako

Tinignan ko si K ng diretso sa mata bago magsalita

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon