K Padilla

978 43 10
                                    

POV ni Kulot

"Tsinelas?"

"Nasa bag na po"

"Lotion?"

"Check!"

"Sunglasses?"

"Check!"

"Winter coat?"

Lumaki naman ang mata ko "Ano?!"

"Charot lang! 'To naman patola!" Biglang bawi ni Erik

Kasalukuyan akong nag-eempake para sa Reunion bukas doon sa resort ni Erik at itong si bakla nagmagandang loob para tulungan ako

"Two piece?"

Para naman akong mabilaukan sa tanong niya "Anong two piece?!" Tanong ko

"Alangan namang mag gown ka pag magsu-swimming tayo?" Pilosopo niyang ganti

"Ayokong mag two piece, May rushguard na ako diyan sa bag"

"Good" busy naman siya sa pamimilo ng mga damit ko "At least hindi ka na pupuntiryahin ng tingin ng mga lalaki"

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng "kakaibang" saya nung sinabi niya iyon

"Para ako na ang pupuntiryahin nila ng tingin!" Pabakla niyang bawi

Tinapunan ko naman ng unan "Talande!"

Tumatawa naman siyang napatingin saakin at balik ulit ng tingin sa pinipilo niya "Asus! Selos ka lang, Ayaw mo lang na may ibang tumitingin saakin eh"

"Abaaaaa't ang kapal naman ng make up mong bakla ka"

"Charot! Oyyy humopiaaaa!"

I rolled my eyes

"Pero K, may Tanong ako" bigla niyang sambit

"Ano?"

"Ba't isang titik lang ang pangalan mo? Tinamad ba ang nanay mo at K nalang ang sinabi niya doon sa nurse?"

Napatawa ako "Hoy! Sinabi ko na sayo ang dahilan niyan noon, kinalimutan mo na talaga noh?"

"Eh kasi gusto niyang maging kakaiba ka katulad ng pangalan mo, 'K' for Kakaiba" sabi niya

Naalala niya pa pala

*Flashback*

"Wow ang gandaaaa!!!" Sabi ko

Andito kami sa isang resort sa Tagaytay para sa outing naming magbabarkada

Syempre andyan si Liz at ang isa pa naming kasama na si Iza tsaka ang barkada ni Erik na sina Billy at Ferdinand.....tsaka si Rence

"Tara gawa tayo ng bonfire tas laro tayo ng spin the bottle, bawat spin may dare tapos pag di nagawa ang dare iinumin 'to" sabi ni Billy at may inilabas naman siyang dalawang bote ng vodka

"Ha? Eeeh di ako umiinom" sabi ko

"Edi kailangan mong gawin lahat ng dare namin para hindi ka makainom" sagot naman ni Ferdinand

Nagdadalawang-isip parin ako

"Sige na K, wag kang Kj" sabi ni Liz

"S-Sige na nga"

Agad namang gumawa ang mga lalaki ng Bonfire samantalang kaming mga Babae ay naghanda ng makakain namin

Pagkatapos namin gawin ang lahat ng kailangang gawin ay nagsi-upo na kami sa buhangin

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon