Come Back To The Start

810 26 2
                                    

POV ni Kulot

Nagising ako dahil may mabigat sa bewang ko

Pagdilat ko mukha agad ni Erik ang bumungad saakin

Napangiti ako nang makitang nakayakap siya saakin

I missed this.

Yung ganito lang,

Ang dami na naming pinagdaanan. I didnt expect na magiging possible pala na magyayari pa 'to

In-explain na saakin ni Erik kung bakit niya ako kinailangang iwan sa pangalawang pagkakataon

After naming magkaayos sa gabing iyon nagkita ulit kami kinabukasan at nagkaroon ng open forum

And he explained everything to me at sinabi ko rin sa kanya lahat ng sama ng loob ko

Nalaman ko na may brain cancer pala si Rence kaya siya umalis.

"Kulot..." Inaantok niyang sambit sabay kusot ng mga mata niya

"Nagising ba kita?" Tanong ko

"Hindi, nagii-sleep talk lang ako" pilosopo niyang sagot

"Ah ganon ah! Magsleep talk kalang ng magsleep talk! Last sleep mo na yan!" Sabi ko

Tatayo na sana ako kaso hinila ako ni Erik palapit sa kanya at niyakap niya ako

"Bitiwan mo'ko!" Sabi ko

"Tinotopak ka na naman, Kulot" sabi niya sabay tawa

Hinalikan naman niya ako sa noo "Sorry na, first day mo na naman ba ngayon?"

Hindi ako umimik at pinipigilang matawa

"I Love you" biglang sambit niya

Kumalas na ako sa yakap niya at tumayo na ako

"Bumangon ka na diyang bakla ka, male-late tayo. Ngayon ang opening ng Infinite Malls, you don't wanna be late, do you?"

Sumimangot naman siya

"Oh anong meron sa mukhang yan?" Tanong ko

"Wala man lang, I love you too?" Nagtampo-tampuhan naman siya

"Hay naku bahala ka diyan, OA nito"

Pumunta na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay naghanda na ako at nagluto

"Bakla, luto na ang pagkain" sabi ko

Pumunta naman siya sa mesa at umupo tsaka inirapan ako

Aba nagmamaldita ang bakla

"Kain na" sabi ko

Kumain na kami. Walang umiimik saamin. Nagpapabebe parin ang gaga

Maya-maya ay tumayo na siya

"Erik" tawag ko pero di parin ako tumigil sa pagkain

Hindi naman siya nagsalita kaya tinignan ko siya

"Mahal din kita" sinsero Kong sabi

Impit naman siyang napangiti "Ene ulit yen?"

"Hugasan mo yung mga pinggan" sabi ko

"Hindi yan yung una mong sinabi"

"Ayokong inu-ulit ang sinasabi ko"

Pinigilan ko namang ngumiti

"Alelele tong si kras may tinatago ring pagnanasa saakin eh"

Maya-maya ay natapos narin kami

"Ah... Kulot, Hindi muna kita mahahatid ngayon ah?" Sabi ni Erik

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon