Epilogue

1.9K 51 18
                                    

POV ni Kulot











11 months after...









"Bonjour Madame! Où devrais-je vous emmener?" (Good day ma'am, where should I take you?)

"S'il vousplaît, emmenez-moi à la sociéte Illuminez" (Please take me to the Illuminez Corporation)

"D'accord, Madame" (Alright, Ma'am)

Sumakay na ako sa taxi at sinenyasan ang driver na paandarin na ang taxi niya

Napa sandal ako sa bintana at pinagmasdan ang paligid

Ang kabuo-an ng Paris...

Its been 11 months since I decided to stay here for good

And for a short period of time marami na akong natutunan sa kultura nila at natuto narin akong mag salita Basic French ng konti

Nahagip naman ng mata ko ang Eiffel Tower

Its very majestic...

Araw-araw Kong nadadaanan ito sa tuwing papasok at uuwi ako galing sa trabaho pero namamangha parin ako sa tuwing dumadaan dito

The aura of that place just feels so romantic

Romantic?

Nakakatawa, nasa city of love ako ngayon pero loveless parin. How ironic.

Hindi na ako nakipagdate pa pagkatapos Kong putulin ang koneksyon namin ni Erik

Even though may mga gwapong French naman na umaaligid ay wala ni isa muna akong in-entertain

I don't know.

Baka pagod na akong magka lovelife

O Baka iisang tao parin ang nasa puso ko

"Nous sommes ici, Madame" (We're here, Ma'am) sabi ng driver

Inabot ko naman sa kanya ang bayad

"Merci" (Thanks) sabi ko

Bumaba na ako ng taxi at pumasok sa isang 30 floor building

Ang building ng Illuminez Corporation

Ang Illuminez ay isa sa mga sikat na fashion line dito sa Paris

Nakakasabayan nito ang mga sikat na fashion lines such as Dior at Chanel

Ang posisyon ko naman sa kompanyang 'to ay Operations Manager

Yes, mas mataas ang posisyon ko sa Curly Tails pero sabi nga ni mama what should I pick? A head of a cat? Or a tail of a lion?

Hay na miss ko tuloy ang pamilya ko sa Pinas

"Bonjour, Manager K!" Bati ng mga empleyadong nakakasalubong ko

Nginitian ko naman sila "Bonjour!"

Dumiretso na ako sa elevator at naghintay na bumukas ito

*Ting!*

Agad naman akong pumasok nang bumukas na ito at may kaunting empleyado naman ang nasa loob

EX-tra Ordinary Friends [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon