Chapter 2

9.1K 181 0
                                    


Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko namalayan na ga-graduate na pala ako. Masaya ako dahil sa wakas ay makakaraos na rin ako, malungkot din dahil sayang, wala dito si Mama para magsabit ng medalya sa akin. Architecture kasi ang kinuha kong course, hindi ko rin inaasahan na magiging Cum Laude pa ako. Halos magtatalon na nga ako sa tuwa dahil sa ibinalita ng prof namin.

I was an orphan. Pitong taon ako nang mamatay si Mama sa mismong harapan ko. Pinatay. Matagal man ang nakalipas ngunit naaalala ko pa rin ang nangyari noon. Walang naniwala sa akin. Hindi ako pwedeng maging witness noon dahil bata pa ako, pero tandang-tanda ko ang mahabang peklat nito at ang nakakatakot na boses ng lalaki. He killed my Mom. Hindi ko alam kung paanong nangyari na suicide ang kinalabasan. Ang sabi nila masyadong na-depress si Mama sa paghihiwalay ng Papa ko kaya nangyari iyon, pero hindi ako pwedeng magkamali, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya nagmakaawa na huwag akong idamay. Na-trauma ako sa nangyari na iyon, kaya minsan kapag mag-isa ako sa dilim ay hindi ko kinakayanan. Naaalala ko kasi ang sikip ng cabinet at dilim na pinagtaguan ko nang mamatay si Mama.

But now, Leigh's here. Lagi siyang nandiyan sa tuwing natatakot ako, kakantahan niya ako ng kantang iyon at magiging kalmado na ako. Nag-alok siyang tulungan ako sa nangyari kay Mama ngunit tinanggihan ko. Hindi ko pa kayang ungkatin ang nakaraan, hindi ko pa kayang harapin ang katotohan.

Paano kung may kinalaman iyon sa Papa ko? Sabi ni Mama mayaman ang Papa ko, hindi malabo na isa iyon sa dahilan ng pagkamatay niya. Saka isa pa, kung kalaban nga iyon ng Papa ko ay malaki ang posibilidad na malaki ang babanggain namin. Nakuha nga nilang palabasin na suicide ang nangyari. Ayokong madamay si Leigh dito at ang pamilya niya.

Pagka-graduate ko ng elementarya ay umalis ako sa ampunan sa Bulacan. Doon lumaki si Mama, naging orphan din siya nang mamatay si Lola dalaga pa lamang siya. Pinalayas ako ng nagpalaki sa akin doon, hindi ko alam kung anong rason.

Napadpad ako sa Manila dahil may nag-alok sa akin ng trabaho. Taga hugas ng pinggan at taga serve ng pagkain sa isang karinderya. Pumayag ako at doon ko pinagsabay ang pag-aaral at trabaho. Kung ano-ano rin ang pinasukan kong mapagkakakitaan noon. Pagtututor sa mga bata, paggawa ng mga proyekto o kaya ay pagtitinda sa eskwelahan.

Nang magtapos ako ng senior high ay isang taon akong huminto para makapag-ipon sa kolehiyo. Pumasok din ako sa mga scholar at sa eskwelahan sa Hudson University ay nakakuha ako ng full scholarship. Tinanggap ko agad dahil pagkakataon ko na iyon para makapag-aral. Lahat kinaya upang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi ko lang kasi pangarap iyon, pati si Mama ay pangarap din iyon sa akin. Kaya sobrang saya ko dahil naabot ko na ang pangarap namin ni Mama.

Napatingin ako kay Leigh na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko. Dito na siya natutulog sa apartment ko. Tinotoo kasi ng mga magulang niya ang sinabi nila. Hindi makagamit ng kahit anong cards si Leigh, at sa tuwing mag-a-apply naman siya sa trabaho ay hindi siya tinatanggap, marahil ay hinaharangan ng mga magulang niya. Mayaman sila, at hindi ko maipagkakaila na marami silang koneksyon.

Narinig ko ang pagtilaok ng manok, senyales na umaga na. Dahan-dahan kong tinanggal ang brasong nakapulupot ni Leigh sa baywang ko at tumayo. Dumiretso ako sa banyo para maligo na rin. Saglit lamang akong naligo at nagsimula ng magluto.

Tiningnan ko si Leigh at mahimbing pa rin siyang natutulog. Siguro pagod na pagod ito sa paghahanap ng trabaho. Bakit hindi na lang kasi matanggap ng magulang niya na kami? Sana hindi na umabot sa ganito.

Buti na lang kahit papaano ay natulungan siya ng pinsan niyang si Kaiser. Konti lang kasi ang kinikita ko sa part time job ko, sakto lang sa gastusin ko noon. Thanks to his cousin, natulungan siya nito. Kung hindi ay baka kung saan kami pupulutin.

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon