Chapter 16

6K 127 11
                                    


Madilim ang mga mata nitong nakatitig sa aming dalawa ni Dionne nang makalapit sila sa amin. Na parang may ginawa kaming kasalanan sa kaniya.

“Mimi, hi!" My little Leighan greeted me with a warm hug.

Niyakap ko naman ito nang mahigpit at pinatakan ng halik sa noo. I can feel the heavy stare his Dad giving to me.

Nagtaas ako ng tingin dito at mapaglaro siyang nginitian. I even arched my brow to him. Bakas sa mukha niya ang pagkabanas.

Masakit bang makita at maranasan na may kahalikang iba ang asawa mo?

“I missed you, Leighan." saad ko, ngunit ang titig ko ay nasa tatay niya.

I saw him rolling his eyes on me at mabilis napaiwas ng tingin.

“I missed you too, Mimi." My baby answered back.

Kumalas ng pagkakayakap si Leighan sa akin at ang maliit niyang kamay ay humawak sa kamay ko.

“Come, Mimi! You need to change your clothes!" Kinunotan ko ng noo si Leighan sa sinabi at naguguluhang nagpaubaya sa paghila niya sa akin.

“Where are we going, Leighan?" I asked my son.

Huminto ito sa paghila at nakangiting hinarap ako.

“We're going on a trip! Mimi, Dada and Leighan!" Nilingon ko si Leigh na walang imik sa sinabi ng anak.

I remember him telling me Leighan planned to surprise me today, but he didn't say we will go somewhere.

“Can I go with you, Leighan?" Si Dionne na sumingit sa pinag-uusapan namin.

“Sure!"

“No."

Magkapanayam na saad ng mag-ama. Napanguso si Leighan sa sinabi ng ama at nilingon si Leigh.

“I want to spend time with Tito Dionne too, Dada. The more, the merrier!" Pagdadahilan ng anak ko.

“Sure you can, Dionne. Leighan is right. The more, the merrier. Sana sinama mo rin si Kyla, Leigh." Pang-aasar ko rito.

Hindi ito nakaimik at masamang titig lamang ang sinukli sa akin.

“She's busy, Mimi. She said she doesn't have time to play with me." 

Napataas ako ng kilay roon.

My poor Leighan. Hindi niya alam, ang babaeng pinag-aaksayahan niya ng oras ang sumira sa pamilya niya.

“It's fine, Leighan. You have me." I said then kissed his cheeks.

“You also have me, buddy." Dionne offered his fist on my son. Mabilis naman nitong pinagdikit ang kamao nila.

I can't help, but to smile at the sight. Dionne is really fond with kids. I remember him bringing me on a orphanage. Halos lahat ng bata ay kilala siya at malapit sa kaniya. I wouldn't be surprise if Leighan likes him too. He's a good person.

I heard someone faking his cough. Nang mag-angat ako ng paningin ay napansing nandito pa pala si Leigh. Dionne and Leighan continued to talk, na parang silang dalawa lamang sa mundo ang magkausap.

I smirked when I noticed Leigh's reaction.

Nilapitan ko ito at pekeng napahalakhak.

“They are like a father and son, Leigh. My Leighan likes Dionne so much." Matalim itong tumitig sa akin dahil sa sinabi ko.

“Don't start me, Angel. It's not funny." Nagkibit-balikat ako roon.

“We're like a happy family, Leigh.  Me, Dionne, and Leighan. Hindi naman nalalayo ang itsura ni Leighan at Dionne--" napahinto ako sa pagsasalita nang mabilis ako nitong nahila palapit sa kaniya.

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon