Chapter 30

5.6K 126 7
                                    

Mabilis kaming dumapa ni Leigh sa magkabilang gilid ng kama upang gisingin si Leighan.

"You should wake up, big boy." Dinig kong bulong ni Leigh dito at ninakawan ito ng halik sa pisngi.

I saw how Leighan's forehead knotted. It reminds me of Leigh everytime he's not in the mood to talk.

Kiniliti pa nito ang anak kaya tuluyan na itong naalimpungatan. Nagkusot pa ito ng mga mata bago namumungas na nagdilat. His eyes immediately darted on me.

I smiled kissed my son's forehead. "Good morning, baby."

Saglit pa itong nakatulala bago inabot ang pisngi ko at pisilin ito. "You're for real, Mimi?" Leighan asked, as if I am not real.

"Yes, baby. I'm real."

Nakita ko agad ang malawak na ngiti nito bago ako nakawan ng halik sa pisngi. "Morning, Mimi!" Masigla agad nitong bungad.

"Where's mine?" Si Leigh at tinuro ang pisngi nito.

Leighan chuckled and kissed his Dada's cheeks. "Morning, Dada!" Inalalayan nitong umupo si Leighan pagkatapos.

"Why are you here two, Mimi? Are you going to surprise me or what?"

"We will have a breakfast together, Leighan. I cooked. Like a normal day." saad ko at nilingon si Leigh na nakatitig sa amin.

"Just you, Dada and me?"

"Hmm. Just the three of us."

"Then, that's a special day, Mimi! This is our first time eating breakfast together! Only the three of us!

It should be a normal day for us, but we actually never ate breakfast together before. Kung may pagkakataon man ay baby pa noon si Leighan at hindi niya alam 'yon.

"Yeah. So, you should wash first before we go downstairs." Utos ko rito at dali-dali naman itong tumakbo papunta sa CR.

Susundan ko na dapat ito nang mapaupo ako pabalik sa kama dahil sa paghila sa akin ni Leigh.

"What are you doing?" Kunot noo kong tanong dito at babaling na dapat dito nang yakapin ako nito mula sa likuran.

"I know this is only for one week, but please... wear this again."

Nahinto ako nang kunin nito ang kamay ko at inilagay nito ang hawak niya sa daliri ko. Hindi agad ako nakaimik doon at napatitig sa bagay na iyon.

It's the ring he gave to me on our civil wedding. Alam kong kahit ilang taon na ang lumipas ay hinding-hindi ko ito makakalimutan. I remember still wearing this even after he pushed me away.

Kaya... bakit nasa kaniya ito ngayon?

"Saan mo ito nakuha, Leigh?" I asked and stared at the ring he slid on my finger. It still fits me perfectly.

"You don't remember? You gave that back after you gave Leighan to me." My heart pounded when he said that.

"I-I didn't, Leigh..." saad ko at tuluyan nang nilingon ito.

Nakita ko ang pagkunot niya ng noo na parang nagtataka sa sinabi ko. Mas lalo akong naguluhan doon dahil kailanman ay hindi ko binalik ito kay Leigh! And what did he say when I gave Leighan to him?! Hindi! Wala akong maalalang binigay ko si Leighan dito pagkatapos ang mangyari noon sa akin!

I pursed my lips and cursed myself when I forgot something so important!

Kung si Leion at Kyla ang may pakana ng pagdakip sa akin noon, sino ang nagdala kay Leighan sa kanila? He's still a baby at tanda ko na kasama ko si Leighan nang mangyari ang pagdakip sa akin noon! I was so scared that I forgot to know how did Leigh get Leighan! Ang akala ko lang, kinuha nila sa akin si Leighan no'n!

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon