Chapter 9

7.5K 156 4
                                    


Naglapat ang mga labi naming dalawa. Napangiti ako nang palihim nang makita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Oh, Leigh. Hahanap-hanapin mo ako sa halik na ito. Mark my words.

"So, I better go now, Mr. Hudson. Shut your mouth. Inaasahan kong tayo lang dalawa ang nakakaalam nito."

Pagkasabi ko n'on ay taas noo ko siyang tinalikuran. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at saka lumabas. Nakita ko sa isang mahabang sofa na naghihintay si Dionne sa akin. Nang mamataan ako ay nilapitan niya agad ako.

"How is it?" he asked.

"Ang dali lang. Akala ko pa naman ay hindi basta-basta bibigay ang lalaking 'yon." I said, still wearing my mischievous smile.

"Huwag kang papakisigurado, Angel. He will not be a Hudson after all. Tuso sila, so be careful." He's right. Hindi dapat ako magpakampante na bigla na lamang susuko si Leigh. Madiskarte ito, malamang ay may plano na iyon.

"I know, Dionne. Just let me handle this."

I gave an reassuring look bago kami umalis. Pinatunog nito ang sasakyan. He opened the door for me. Agad naman akong pumasok doon. Umikot ito at sumakay na rin.

"Angel, how about our engagement?" Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya.

Engagement.

"Anyway, you don't have to answer my question."

"About that, I will marry you after I get what I want."

Napatingin siya sa akin at nginitian ako. Ang kamay kong nasa hita ay hinawakan niya ng mahigpit. Dinala niya ito sa labi niya at hinalikan.

"Thank you, Angel."

Nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan ng hindi man lang inaalis ang kamay sa akin. Sa halip na sawayin ay hindi na lamang ako kumibo.

Isang taon na rin ang lumipas simula nang na-engage kami ni Dionne. Nang panahong iyon ay nasa bingit na ang kompanya namin. Iyon kasi 'yong mga panahon na nasa proseso pa si Dad na kalimutan si Mom. So being his daughter, hindi ko kayang pabayaan ang kompanya namin. Lalo na at mahalaga iyon kay Dad. I decided na tanggapin na lamang ang alok ng mga Martin na kasal, in exchange of merging our companies. They helped us, para makabangon muli ang kompanya namin.

"By the way, saan mo nga pala gustong kumain, Angel?" He asked, his eyes are on the road.

"Just drop me on my office. I'm not yet hungry." I heard him sighed.

"Fine, just eat when you are." he said.

--

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako na parang may tumititig sa akin. Mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga ko.

"Mimi! Finally, you're awake!" Leighan greeted me with a wide smile.

My mouth fell apart. Hindi inaasahan na nandito si Leighan ngayon at kaharap ko. I touched my son's face, para masiguradong hindi panaginip ito.

Nangiti ako nang malawak nang mapagtantong hindi ito panaginip. This is true. Leighan is here. My son is here.

"Mimi?" Leighan called.

"Uhm, yes, baby? By the way, why are you here?"

Binuhat ko ito palapit sa akin. May bitbit siyang backpack, animo'y kakagaling lang sa eskwelahan.

"Why are you asking, Mimi? Don't you want me to see you? Mimi, why don't you go home? I really want to play with you, but you never came back. So, I decided to tell Dada to go where you are! You're mansion is so big, Mimi! Actually, Tito Dionne said, this is mine too. Mimi, is it true?"

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon