Chapter 13

6.2K 135 6
                                    

Kunot ang noo ko habang nire-review ang design na sinend sa akin kanina. Some of the designs are good, but most of it needs revise. They are too simple and boring. Kung ako ang magiging customer nila ay hindi ako magche-check in dito. The total cost of the project are too high for this simple design.

Now, I am wondering if Leigh didn't have any idea about this plunder. Or maybe he's really one of it? Kaya ba wala siyang ginawa? Dahil kasama rin siya sa nagnanakaw sa kompanya niya?

Nag-angat ako ng tingin at nahuli kong nakatitig ito sa akin. Lihim akong napangisi roon, lalo na nang nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Nagnanakaw ng sulyap, ha?

"Ehem." I faked my cough to get his attention.

"What?" Nagtaas pa ito ng kilay sa akin, as if I didn't saw him staring at me earlier.

Liar. You're not a good liar, Leigh. Huling-huli ka na, itatanggi mo pa.

Sa halip na sagutin ito ay tumayo ako at mapang-akit na naglakad papunta sa table niya. I saw him gulped at bumaba ang tingin sa nakalantad kong malulusog na dibdib.

Boys. Tss.

"Gusto ko lang sabihin na..." Sinadya kong bitinin ang huling sasabihin nang makarating ako sa tapat ng mesa niya.

Mapang-akit kong nilapag ang kamay ko sa lamesa niya at humilig papalapit dito. I felt his body tensed upon my action.

That's good, Leigh. Drool over me. Babaliwin kita. Hanggang sa wala ka ng ibang maisip kung hindi ako.

"I want to visit the site tomorrow. Mas maganda kasi kung makikita ko ang mismong site ng personal. Marami rin kasing kailangang ipabago. I'm just informing you, since you're still the boss here." I traced my hands on his neck up to his chin.

Seryoso itong nakatitig sa akin, tila napipi at ayaw magsalita.

“Pwede rin namang sumama ka... ang kaso ay baka wala tayong matapos na trabaho." I sexily chuckled bago binaba ang kamay ko. “Biro lang, Leigh." Bulong ko rito.

"Sir." Mabilis akong napaayos ng tayo nang magbukas ang pintuan at pumasok ang sekretarya nito.

Istorbo.

"Ito na po pala ang mga pagkain na pinapa-order niyo." Lumapit ang secretary nito sa amin. May dala-dala itong tray laman ang iba't ibang plastic na may lamang pagkain.

Napataas agad ang kilay ko roon. May inimbitahan pa ba siyang kumain bukod sa aming dalawa?

"You may go now. Tatawagin na lang kita ulit kapag may kailangan ako." saad nito sa sekretarya.

Sumulyap ang babae sa akin, kaya agad akong napataas ng kilay roon. Hindi naman ito nagsalita at yumuko bago umalis.

I see.

Tauhan ni Kyla. Kaya pala istorbo.

Nilingon ko si Leigh na nakatayo na at mukhang aayusin na ang pagkain na dinala ng sekretarya niya. Unang bukas pa lang sa plastic ay naamoy ko na agad ang mabangot nitong amoy, sanhi para maramdaman ko ang gutom.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang pagkain na nakalagay sa styrofoam. Spaghetti!

Damn it.

“Spaghetti, Angel." Gago. Alam kong spaghetti 'yan.

Inirapan ko ito, ngunit hindi na rin nagmataas pa. Hinablot ko mula sa kaniya ang pagkain at dumiretso sa mini living room nito sa office.

Humalakhak pa ito, ngunit hindi ko na lamang pinansin at umupo sa sofa.

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon