Chapter 3

8.3K 172 1
                                    


"Are you sure you are okay?" Nag-aalalang tanong ni Leigh sa akin nang makauwi kami sa bahay. Nginitian ko siya at pinisil ang magkabilang pisngi nito.

"Okay lang ako, ano ka ba. Saka isa pa, sayang 'yong pera. Tapos sa mahal na hospital mo pa ako dinala." Nagsalubong naman ang dalawa niyang kilay dahil sa sinabi ko.

"Wala akong pakielam kung maubos ang pera ko, Angel. Kung kailangan maghanap ako ng trabaho kung kulang, gagawin ko. Ang mahalaga ligtas ka. Alam mo namang ayaw kitang napapahamak." Aniya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at mabilis na niyakap. "Thank you, Leigh. The best ka talaga." Niyakap naman niya ako pabalik.

"Basta palagi mo lang tatandaan na nandito lang ako. I love you, Angel, to the moon and back." He kissed the tip of my nose.

Napapikit na lamang ako at dinama ang init ng yakap niya. Naalala ko na naman kahapon, 'yong sinabi nang doctor sa akin.

"You're fine. It's just a cold, but you need to rest. Especially that you are pregnant, Misis."

Hindi narinig ni Leigh iyon dahil nasa labas siya. Napabuntong hininga ako at nag-isip kung paano ko sasabihin sa kaniya.

"Leigh," pagtawag ko sa pansin niya. Hawak-hawak niya kasi ang kamay ko at tinitingnan ang singsing na nilagay niya doon.

"Hmm?" Tanong nito, hindi pa rin pinuputol ang titig doon. Nakaupo si Leigh sa isang upuan habang ako ay nakakandong sa kaniya. Nakapulupot ang isang kamay niya sa baywang ko at nakasandal ang baba sa balikat ko.

"Pwedeng magtanong?" Tiningnan ko siya.

"Ano 'yon?" he asked.

"Gusto mo na bang magkapamilya? I mean, handa ka na ba?" Tumingin siya sa akin at napahinto sa paglalaro sa kamay ko.

"Kung kailan mo gusto. Handa naman ako kahit anong oras. Bakit mo natanong?" Humarap ako dito at pinulupot ang braso sa batok niya.

"I love you." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay siniil ko siya ng halik.

Hindi pa ako handa na sabihin sa kaniya. Kailangan ko lang muna sigurong makahanap ng tamang tiyempo. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nito.

--


"Morning," bati sa akin ni Leigh nang gumising ako. Napabalikwas ako ng bangon bigla. Teka, anong oras na?

"Maaga pa. Don't worry. Napagod ka siguro kagabi." Natatawang saad niya. Agad naman akong pinamulahan dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sapukin ngunit hindi ko na lamang ginawa. Mag-aaksaya lang ako ng lakas.

Nag-unat-unat muna ako ng katawan bago tumayo. Naka-apron lang siya at walang damit pang-itaas. Suot-suot ang boxer niya habang nagluluto.

"Magsuot ka ng damit pagkatapos niyan. Baka magkasakit ka." Pangaral ko.

Nakita ko ang pilyong ngiti nito. "Sus, babe, sabihin mo lang kung gusto mong makita ang abs ko. Ipapakita ko naman sa'yo, e." Nangunot ang noo ko dahil doon.

Ano bang pinagsasabi niya? Ilang beses ko naman na itong nakita na.

"Sinong may sabi sa'yo na gusto kong makita iyang tiyan mo? Sinasabihan lang kita dahil ayaw kong magkasakit ka. Mahirap kumita ng pera ngayon. Nako, Leigh. Tigil-tigilan mo ako diyan. Wala ako sa mood." Inirapan ko siya at padabog na naglakad patungo sa banyo. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kay Leigh ngayon. Masyado kasing mayabang. Ang sarap hambalusin. Sinasabi ko lang naman na magdamit siya para hindi magkasakit, ang dami-dami pang sinasabi. Kung sinunod na lang sana ang gusto ko. Dadaldal pa.

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon