Chapter 10

7.4K 121 2
                                    


He wants the game, well, I will give it to him. Kung laro ang gusto niya, pagbibigyan ko siya. Kung dati ay nanalo siya, pwes, sisiguraduhin kong ngayon ay hindi na. Dahil ang larong sinimulan niya ay ako ang magtutuloy. Papaikutin ko siya sa sarili kong kamay.

"Good morning." Bati nang hindi pamilyar na mukha sa akin.

Wala akong pakundangan na pumasok sa opisina nito. Nakita kong busy siya sa ginagawa niya, dahil ilang segundo pa bago niya akong pinagtuonan ng pansin. He checked my whole body. I am currently wearing a black body hugging dress with a bit low neckline. Na lalong nagpadepina sa katawan ko.

I saw him gulped.

"Hi." I greeted him with my seductive smile.

Taas noo akong naglakad papunta sa kaniya. Hinawi ko rin ang buhok ko sa isang gilid. Revealing my clavicle.

"Hmm, nice office. Si Kyla ang nag-ayos? Nice." Papuri ko, kahit nakita ko naman na ito nang isang araw.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay pasimple kong hinulog ang cellphone ko. "Oh, my gosh," kunwari ay nagulat. Yumukod ako para kunin iyon. Nagtama ang kamay naming dalawa kaya nagkatinginan kami. Lihim akong napangiti dahil doon. He looked down on my chest. Ramdam kong nagtagal ang titig niya roon.

Oh, Leigh. You can't deny the fact that you're still attractive to me.

"I-I'm sorry," I said, faking my stammer.

"It's okay. J-Just be careful next time."

I avoided his gaze and compose myself. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa swivel chair. Umupo ako sa upuan sa harap niya lalo pang pinakita ang leeg ko.

"Hmm, so this will be my office, too. Right? Katulad ng napag-usapan." He massages his temples.

"Yeah, magpapalagay na lang ako ng table at dagdag na upuan doon."

Tinuro niya ang kabila noong table niya. Sinusigurado talaga nitong malayo ako sa kaniya. Why, Leigh? Scared of me? Hmm...

"Fine. Sa ngayon, pwede bang dito muna ako? Susunduin kasi ako ni Dionne, dito ang napag-usapan na lugar. By the way, pwede bang pakibigay ito sa anak ko? Pinabibigay ni Dionne." Inabot ko sa kaniya ang isang paper bag. May laman iyong request ni Leighan sa akin na pancakes. Actually, ako talaga ang nagluto noon. Gusto ko lang asarin ang lalaking ito.

Nagdilim ang paningin niya at umubo nang mahina. "What is this?" Tanong nito.

“Pancakes." I answered.

"Mamaya pa ako uuwi. Masisira lang ito. At saka isa pa, he don't have to waste his time on this. Mukhang hindi masarap." I mentally rolled my eyes because of that. Nilalait niya ba ang gawa ko?

"Actually, I'm the one who cooked that. Sorry kung hindi pala mukhang masarap. I didn't mean to disappoint you." Kunwari ay nasasaktan kong kinuha ang paper bag sa mesa niya at mabilis na tumalikod.

"T-Teka, Angel..." Pagpigil niya.

Lihim akong napangiti dahil doon. You can't ignore me, Leigh, at sisiguraduhin kong hindi lang ngayon ito.

"Why?" I said, turning my face to him.

He licked his lips and comb his hair using his hand.

"I'm sorry, okay? I didn't intend to say that." He explained himself.

Napangiti ako dahil doon. Hindi ko talaga maiwasan na matuwa sa mga gagawin ko. Lalo na ngayon pa lang ay bumibigay na siya sa patibong na nilalagay ko.

"Okay. Apology accepted..." lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang dalawa kong kamay sa table niya. Nakita ko ang sunod-sunod nitong paglunok.

Isa sa natutunan ko nang mga panahon na nasaktan ako ay ang mga kahinaan ng mga lalaki. Tukso. Natutukso sila sa mga babaeng alam nilang may dating sa kanila. At hindi na ako magtataka kung bakit may mga naghihiwalay na mag-asawa o magkasintahan. Dahil sa mga lintang walang alam gawin kung hindi ang akitin ang mga lalaking alam nilang may nagmamay-ari na. May mga lalaki rin naman na hindi na makuntento sa isa, gusto nila, buy one, take one or eat all you can. Mga manloloko, pare-parehas lang.

His Wife, His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon