Chapter 1: Destined

815 25 4
                                    

Blaire's POV

Maaga akong nagising ngayon kumpara sa usual time na nagigising ako. Well, I'm not really an early bird to add on.

Alas-siyete palang ng umaga ay papunta na ako sa Titanium Corporation--ang building kung saan na ako magtatrabaho as a secretary--hopefully. And I'm so excited!

Mag-aabroad na kasi ang former secretary who happens to be my bestfriend, si Aileen Reyes. At ako ang napili niyang ipalit sa posisyon niya na ia-agree mamaya ng boss niya--kung pasok ba o hindi. Like recommendation or somethin'?

Pasakay na ako sa elevator nang maalala ko na wala pala akong idea o miski kahit isang kaalaman kung ano o sino ang boss niya. Kung babae ba o lalaki. Nasa mid 40s naba o late 60s. It made me curious. Ano kayang itsura ng magiging boss ko? I hope he or she will be good to me.

***

"Ready ka na bang mameet ang boss mo?" tanong ni Aileen sa akin.

"Ready'ng ready!" I answered.

"Tara, pasok na tayo sa opisina n'ya." And then she winked.

Pumasok na kami sa room and I can say nothing except the word 'wow'. Ang ganda!

The room is simple yet elegant. Manly na manly ang dating.

The room's dominant color is black accompanied by brown and white.

Marami ring paintings na nakasabit sa wall which I can say ay mamahalin talaga.

Marami ring furnitures sa paligid, mostly big vases and animal sculptures.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid at 'di ko napigilang mamangha. Amazing!

Napaharap ako sa unahan nang may narinig akong tumikhim. The boss!

Nakatalikod sa amin ang sinasabi niyang boss niya, nakatingin sa malaking glass case kung saan nakikita ang buong syudad. Excited na akong makita ang mukha niya. Lumingon ka na, lumingon ka na.

"Good morning Sir. Narito na po 'yung sinasabi ko sa inyong kaibigan ko na nirerecommend kong pumalit sa akin," Aileen said.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at ngumiti. I should give him or her a good impression.

Umikot ang swivel chair at ngayon ay kaharap ko na ang boss ko.

Nang magtama ang aming mga mata ay kapwa kami nagulat. Tell me this is a joke.

"Keith..." I absentmindedly utter. My ex.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko and I felt a knot in my tummy.

Destiny naman! Sa dinami-rami ng tao sa mundo na pwedeng maging boss ko, bakit siya pa?

Muli kong naramdam ang sakit at kirot sa puso ko na tinago ko sa loob ng mahabang panahon. Five years huh?

Akala ko nakamoved on na ako, akala ko na hindi na ako nasasaktan. But seeing him again for the first time after a very long while, all the mixed feelings resurfaced in my heart.

"Rejected. You may leave."

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang sinabi niya.

"But sir--" Aileen protested pero pinutol siya ni Keith.

"Rejected. Please escort her outside," aniya.

"N-no! Keith--I mean, Sir. Huwag naman pong ganyan. Please let me prove to you myself po bago niyo ko i-reject. An interview would do. Please. I badly need a job."

I saw him grit his teeth. Binalingan niya si Aileen at sinabihan ng "You can take it from here Aileen, ako nang bahala. Thank you."

Aileen took my hands and squeezed it before leaving the room. Kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Take a seat Ms.?"

Aba? Ginagago ba ako ng lalaking ito? Alam na naman niya ang pangalan ko ah? Tch.

"Marquez po. Blaire Marquez."

"Kindly seat down Ms. Marquez."

"Thank you Keith."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Call me Mr. Aragon. "

I grimaced. Harsh.

Ang professional naman ng lalaking ito, parang wala kaming pinagdaanan ah?

Oh! May kasalanan pala sa'kin ang lalaking 'to.

One week after he left to Singapore ay 'di na siya nagparamdam. Bigla nalang niyang pinutol ang connection naming dalawa--na para bang sa paraang 'yun ay nakipagbreak siya sa akin.

Nasaktan ako, siyempre. Pinatunayan niya talaga sa akin na "the hardest goodbye are the ones that are left unsaid." Tangina!

He could've bid his farewell properly, matatanggap ko naman eh.

"So, why would I hire you as my secretary?"

"You should hire me as your secretary because I am a responsible and an industrious woman who values time and follow orders properly. And also, I am a woman, a beautiful woman, with a heart," I proudly said with my head held high.

"Tss."

"More questions sir?"

"Would you act professional if I hire you?"

I frowned in his question and secretly gritted my teeth. Ambad!

I smiled widely--na tila hindi apektado sa sinabi niya. "Yes of course sir. Why not?"

"Okay then." Humikab siya. "You're hired."

"Talaga pooooo?! Thank you Keith-- I mean, sir. Hehe."

"Tss."

"Kailan po ako magsisimula?"

"Ngayon na. Give me a cup of coffee."

"Yes sir. Coming up!"

Pagkalabas ko ay nakita kong nag-aantay si Aileen sa labas, tila kinakabahan. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay napatingin siya agad dito.

"Kamusta? Pasado ba? Ano?" sunod-sunod niyang tanong.

I beamed and nodded.

"Kyaaaah congrats!" she shouted and we both silently squealed while holding each other's hands.

"Thanks a lot Ai, I owe this to you."

"Sus ano ka ba, wala yun. What are friends for?"

Aileen was my best friend na nakilala ko just a year ago. It may sound very short but we already treated each other "bestfriends" because why not? We click big time!

***

"Eto na ang kape niyo sir." 'Di siya sumagot. Wala talagang thank you? Tch.

"Uh, may I ask you something personal?"

"What is it?"

"Uh, about what happened a week after you left, why d--"

"Please Ms. Marquez. Leave. The. Past. Behind." puno ng diin na sabi niya.

I felt a lump in my throat. Naiiyak ako syet!

"Y-yeah sure. I-I'm sorry. Sige po." At umalis ako sa harap niya.

I miss us, Keith. Ano ba kasing nangyari?

And I felt a tear flow from my eye.

Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin pala talaga ako.

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon