Chapter 18: Potchi-potchi

406 17 1
                                    

Blaire's POV

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bar, sumalubong sa amin ang nakakabinging ingay at ang nakakaduling na ilaw.

Nanindig ang balahibo ko, hanggang ngayon kasi, 'di pa rin ako sanay na pumapasok dito.

Habang naglalakad kami papasok, 'di ko mapigilang hindi mapangiwi sa aking nakikita. May mga babaeng halos hubo't hubad na na nagsasayaw sa mini stage. May mga nage-emo sa paligid, may umiinom ng mag-isa, may naninigarilyo, may lasing na knockout na, at siyempre 'di mawawala ang mga nagme-makeout. Gosh my innocent eyes!

"Ah Clint, ba't mo nga pala ako dinala dito?" Pasigaw ko iyong sinabi dahil hindi na kami masyadong nagkakarinigan dahil sa ingay ng lugar.

"Ah eh hehe, masama ba?" Nahihiya niyang tanong. "Wala pa kasi akong masyadong alam tungkol sa panliligaw eh." Kinamot niya ang batok niya. Napapailing nalang ako. Ang cute niya kasi!

Umorder kami ng beer, nagkwentuhan, err, nagbubulungan, nagtatawanan at minsan din, 'pag natripan ang music na pinapatugtog eh sumasayaw rin kami sa dance floor. 

Nagtagal kami sa bar, at 'di na namin namamalayan na napaparami na pala ang nainom namin.

"Ang ingay naman dito Clint. Ay heyt noish!" lasing na aniya ko. "Pero okey lang yen. As long as kasama kita, komportable na ako. Sorry ah? Ang daldal ko talaga 'pag nalalasing." I said in between my hiccuos that made him laugh.

"Psh wag mo nga akong tawanan d'yan! Pashalamash ka chalaga gwaposh ka!" At dinuduro-duro ko na siya.

"Waaaaahh ang init-init naman ditoooo!

Clint's POV

"Hoy! Hala." Pinigilan ko siya nang akma niya sanang iunzipper ang dress niya. Grabeng babaeng 'to, oo!

May plano pa talagang maghubad sa harapan ko. Abugh!

Kung ano-ano pang sinasabi niya na kesho mainit raw, na ayaw niya na raw uminom ng beer at bumalik sa bar.

Nakonsensya tuloy ako sa kinahihinatnan ng babaeng 'to. I, I just thought na mahilig rin siya sa mga bar tulad nung mga babaeng kadalasan na nae-encounter ko.

Napakamot ako sa batok ko at napangiwi ng nakatulog si Blaire. I'm sorry Blaire! Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam. Aaah! Napasabunot tuloy ako sa buhok ko.

Promise hindi ko na talaga uulitin.

Binayaran ko na ang bill at binuhat siya papunta sa kotse ko. Pagkalapag na pagkalapag ko sa kanya sa passenger's seat ay bigla siyang nagsalita. Akala ko nga nagising ko siya eh, 'yun pala ay nagsi-sleeptalk.

"I love Potchi yieee! But I love potchi-potchi more," she sniffed. "I love you Potchi-potchi." 

At sa tulong ng ilaw ng poste, nakita ko. Nakita ko ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa kanyang nakapikit na mata.

She looked so broken. She is in pain in that very moment. And I'm here, doing nothing but to stare at her tears that's slowly flowing down her pretty face.

Who the heck is potchi-potchi?!

Ihahatid ko na sana siya sa boarding house niya pero hindi ko alam saan ang susi nun kaya no choice, inuwi ko siya sa condo unit ko.

Matapos ko siyang ilapag sa kama sa guest room ay kinuha ko ang cellphone ko.

It's already 11:56pm at alam kong 'di pa tulog ngayon si Keith kaya tinawagan ko siya.

Ilang rings lang at sinagot niya naman agad. Thank God!

"Oh Clint, napatawag ka?"

"Si Blaire--"

"WHAT?! BAKIT? ANONG NANGYARI SA KANYA?!"

Automatic kong nailayo ang cellphone sa tenga ko. "Chill, okay? Ang OA mo dude! Kung makasigaw ka, parang wala ng bukas ah?"

"Tss. So ano na?! Anong si Blaire?"

"Nah. She's drunk."

"What?!"

"Napatawag lang ako para sana ipaalam sa'yo na 'di siya makakapasok bukas. "

"Where is she?"

"Sa condo ko. Why?"

"Wait for me. Pupunta ako d'yan." Then he hunged up.

Eh? Ano bang nangyayari sa lalaking 'yun? Ba't ang OA naman ata makareact? At ano raw? Pupunta siya rito? Since when did he cared so much in his secretary?

After minutes of waiting ay dumating na rin ang gago. He is earlier than I expected. He looked so worried that it made me curious.

Something's not right here.

So ayun, kahit alam ko na hindi na naman niya kailangang malaman ang mga bagay na ito ay kinuwento ko pa rin sa kanya ang nangyari.

"Tss," aniya.

"And you know what's weird?"

"What?"

"Habang natutulog siya kanina sa kotse ko, nag-sleeptalk siya."

"What did she say this time?"

Eer, this time?

Keith's POV

"She said, 'I love potchi. But I love potchi-potchi more. I love you potchi-potchi' err. Not really like that, but somewhat alike."

And then I was dumbfounded. P-potchi-potchi?

No. Baka nabibingi lang ako.

"What did she say again?"

"That she loves potchi but she loves potchi-potchi more. Yeah it sounded childish blah blah blah." 

Hindi ko na maintindihan 'yung mga pinagsasabi niya kasi nakafocus na ako sa salitang 'yun.

POTCHI-POTCHI

"And you know what? After she said those, she cried." Nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya. She what?!

I put my gaze at her. Potchi-potchi... It was me. Ako si potchi-potchi...

Gulong-gulo siya sa nangyayari kay Blaire, and me, I am the one who could put an end in his curiosity.

"Clint..." Lumingon siya sa akin. "I want to tell you something..."

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon