Chapter 24: Orders II

437 17 0
                                    

Blaire's POV

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago pinihit ang seradura. At ang taong bumungad sa akin, walang iba kundi si Keith, ay muli na namang pinatibok ang aking puso na tila kagagaling lang mula sa isang marathon.

He smiled at me, and so I did. 'Di pa rin ako makaget over sa tinext niya sa akin kani-kanina lang.

"Good morning," he greeted.

"Good morning," ani ko at dumiretso na sa aking pwesto.

Sinimulan ko ng gawin ang mga nakatambak kong trabaho. Sobrang tahimik ng paligid, tila wala itong buhay na taong kahit pagtibok ng puso ay wala kang maririnig.

I have always loved silence... But this is just so fucking much that it's deafening. Torture!

Minutes had passed, pero wala pa ring kumikibo sa aming dalawa. I sighed in relief nang may biglang kumatok sa pinto.

"Come in," anang boses ni Keith.

"Yow dude!" Bumungad sa ngayong nakabukas na pinto ang masigla at gwapong mukha ni Clint. And then i realized, namiss ko ang lalaking 'to!

"Get out."

Nagulat ako sa sinabi ni Keith. Lah?

"Dude naman! Hanggang ngayon pa rin ba ipagdadamot mo si miss B?"

Ah... Huh? OP.

"Tss."

"Ayannnn! Ayan tayo eh! Susungit-sungitan mo. Tapos 'pag may ibang handang magpakabayani sa kanya, itataboy mo palayo sa kanya. Haharangan mo dahil gusto mo, ikaw lang!" tila detective na nakalutas ng isang kasong tugon ni Clint. Err?

Sumeryoso ang mukha ni Clint. "Ano ba talaga Keith? 'Pag 'di siya napasaiyo sa loob ng tatlong buwan," lumapit si Clint kay Keith at bumulong, "kukunin ko siya sa'yo at sa pagkakataong 'yun, hinding-hindi na ako magpaparaya pa."

Ow.kay?

Sinamaan ni Keith ng tingin si Clint. "Get lost man."

"Okay. I will, the moment she's already mine."

Inambahan ni Keith si Clint ng suntok at dun ko lang naisipang pumasok sa ahem, 'scene'.

"Hep hep hep! Okay cut! Tama na. Okay na. Hehe," parang baliw kong saad.

At dun lang nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. Err? Kanina pa ako dito, hello?

"Uy Miss B!" bati ni Clint sabay yakap sa akin. Eh? "Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay," and he pouted.

Wow (mark the sarcasm) Ang galing niya. Idol ko na siya. Facepalm agad. Tch.

"Kamusta na?" smile na smile niyang tanong.

"I'm fine." I smiled, too.

"Waaah miss B, namiss kitaaaa!" At niyakap niya ako ulit. Ang childish pala ng lalaking 'to.

"I missed you, too." At niyakap ko siya ulit.

Kumalas kaming dalawa sa yakap. I don't know why pero biglang nawala 'yung awkwardness na nararamdaman ko sa kanya. I stared at him. Singkit ang kanyang mata, matangos na ilang, makapal na labi na pink na pink, at ang kanyang buhok ay nakawax pataas. Ang gwapo hihi.

"Yes of course miss B. Ang gwapo ko, sobraaaa! Mas gwapo pa ako sa kolokoy na Keith na 'yan eh." And he winks.

"Kapal." He pouted.

Nabaling ang atensyon naming dalawa nang tumikhim si Keith. Lah? Ang sama makatingin.

"Go. Out. Now. Clint." maawtoridad na utos ni Keith na may diin sa bawat salita.

"Ah hehe. Eto na nga eh." Bumaling siya sa akin, "Goodbye miss B." Sabay flying kiss at tumakbo papunta sa pinto habang takip-takip ang ulo. Baliw.

Naglaho ang ngiti ko nang mabaling kay Keith ang aking tingin.

"Sir?" Ang sama ng tingin niya! Huhuhu.

"Come here," madilim ang mukhang aniya.

I swallowed the lump in my throat nang makaramdam ng bad vibes sa kanya.

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya.

Pero ako'y napatili nang bigla niya akong hilahin. My hands were on his shoulders and his were on my waist.

"Uh sir--"

"Shh." He put his index finger in my lips. "Haven't you remembered my orders?"

Kumunot ang noo ko. "Uh, you mean, 'yung i-cancel 'yung appointment niyo kay Mr. T--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko when i felt his lips touched mine. It's just a smack, tinanggal lang rin naman niya agad, but HOLY MOTHER OF COW! It was a kiss. And he freakin' kissed me.

Nakatulala ako sa harap niya, dilat na dilat ang mga mata. WTF?

"Orders. The other one."

Napakunot muli ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"I guess that looks on you meant nothing but one. You forgot it darling." And he smirked. "Mind if i tell you what was it, again?"

I nodded, still dumbfounded.

"First rule. Bawal kang tumingin sa ibang lalaki."

Nanlaki ang mga mata ko. I remembered now, that's what he said yesterday.

"Second rule. Bawal kang kumausap ng mga lalaki."

'Di na ako nagreact sa mga pinagsasabi niya.

"Third rule. Bawal kang lumapit sa mga lalaki."

"Fourth rule--the last and the most important one. AKIN KA LANG!"

Tumibok muli ang puso ko, sobrang lakas na tila dinaig ang may heart attack. I remained silent.

"And since nakalimutan mo ata 'yun potchibabes, may parusa ka."

"P-po?"

"Kiss me in the lips."

"HA?!"

"Or I'll kiss you."

And then i felt my jaw dropped.

"Go on. I'm waiting."

L-lumunok a-ako n-ng l-laway--aish aish. Pati sa isip ba naman, inuutal ako? Tss.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Do i really have to do this?

Madiin kong ipinikit ang mata ko at mabilis siyang hinalikan. Smack lang 'yun.

Hinihingal akong nagmulat ng mga mata. Gosh, that was... I don't know.

Nakita ko siyang natulala. Eh? Hihingin-hingin niya 'yun pero siya pa 'yung maaano. Tsk tsk.

"Good." aniya nang mahimasmasan sa ginawa ko. Geez, kung alam niyo lang kung gaano ako kapula ngayon. Niyuko ko ang ulo ko. Nakakahiya.

Nagulat ako nang inangat niya ang mukha ko mula sa pagkakayuko.

"At dahil nakalimutan mo 'yun, may idadagdag ako." Eh? Na naman?

"As my secretary, kabilang na ngayon sa trabaho mo ang--sumubo sa akin ng pagkain 'pag tinatamad ako, pumili ng boxers na susuotin ko, magsipilyo sa ngipin ko, mag-buttones ng damit ko, mag-ayos sa necktie ko, at! Ang paliguan ako."

"HUWAAAT?! Edi sana ginawa mo nalang akong asawa kung ganun!" angal ko.

"Bakit? Gusto mo ba?" And then he smirked.

Ugh!

"Nabalitaan ko kay Clint na nagb-boarding house ka raw." I nodded. "So as your boss, I'm ordering you..."

"Ano na naman?"

"Live with me."

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon