Chapter 17: Date

392 11 0
                                    

Blaire's POV

Alam niyo 'yung weird? Si Keith 'yun eh! Matapos ang tawag, tinanong niya ako kung saan ang punta ko sa Sunday at sino ang kasama ko.

I asked him back, sarcastically. "Bakit na naman po SIR? Pati free day ko papakialaman mo pa. Well, I'm going to the mall kasama si Joenell. Okay na?"

Kilala niya si Joenell dahil minsan silang nagkita sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko noon. At naipakilala ko silang dalawa sa isa't isa. 

I thought 'di matutuloy ang lakad namin ni Joenell kasi pipigilan niya na naman ako, pero nashock ako nung bigla siyang ngumiti. "Okay then. Just kindly send my regards to him--err her. Aish!"

I giggled with what he said. "Yes sir."

Time passed by so quickly. Sunday na.

Tuloy ang plano namin ni Joenell. Inubos namin ang buong araw sa pamamasyal sa mall. Nagpa-spa kami at nagkaroon ng kaunting make over sa salon.

Pinakulayan ko ng burgundy red ang aking black na buhok. Pinarebond na rin namin ni bakla para daw mas maging straight, aniya. Nagpa-nail polish na rin matapos ang full body massage.

Binilhan niya rin ako ng tatlong pares damit. Ang isa ay isang fitted black tube na above the knee. Meron itong silver belt sa bewang para mas maemphasize ang curves. Ang ikalawa ay isang highwaist denim skirt at loose sweatshirt. At ang ikatatlo ay isang plain white tshirt, croptop denim jacket at black leather pants.

Masyadong mamahalin ang binili niya para sa'kin. 'Di hamak na sobrang yaman neto. Si Joenell ay isang freelance model sa Rainbow Lovers Corporation--isa itong publishing company na nagfefeature sa mga LGBTQ community members o Lesbian Gay Bisexual Transgender Queer/Questioning. Their advocate is to promote equal rights to LGBTQ as well as to show off qualities of these individuals. He's also the make up artist of a very famous celebrity kaya dagdag sweldo 'yun.

"Thank you so much bibi haaa? I owe you a lot. Babawi ako next time, promise." I said to her while he's driving his car on my way to my boarding house.

"Ano ka ba naman bibi, wala 'yun. Wala 'to sa lahat ng nagawa mo sa akin. Nung mga panahong down na down ako at sobrang depressed dahil sa lahat ng mga panlalait ng mga tao sa akin dahil sa bakla ako, ikaw yung palaging nandiyan para icomfort at palakasin ako. I owe my achievement to you kaya thank you talaga, 'di ko alak kung paano makakabawi sa iyo." mahabang aniya pa.

"Ay ano ka ba naman bibi! Nagdadrama ka na naman. Nakalimutan mo atang model ka at hindi artista."

At napuno ng halakhakan ang sasakyan.

"Thank you bibi, ingat ka." paalam ko nung ibinaba niya ako sa aking boarding house. "Ay nga pala, ano, uhm..."

"Welcome bibi. Ano 'yun?"

"Pinapaabot ni Keith 'yung pangungumusta niya sa'yo. Bye!" Agad akong tumakbo matapos kong sabihin 'yon. Nakita ko kung paanong nanlaki 'yung mga mata niya. Tinatawag niya ako pero tuluyan na akong dumiretso sa loob.

Shet talaga, may nagka-idea na tuloy na nagkakasama ulit kami ngayon. Hays. Walang sawang panunukso na naman 'to.

***

Sabado na ulit ngayon, bukas ay Linggo na naman. Ang bilis talaga lumipas ng oras.

Naglilipigpit na ako ng gamit at handa nang umuwi nang magvibrate ang cellphone ko, may nagtext.

Kinuha ko ito at binasa ang kararating lang na mensahe

From: Clint

Hi! Tuloy na tayo bukas, ah? 7pm sharp. Susunduin kita sa bh mo :)

Ay oo nga pala! Inaya niya pala akong magbar. Kaya pala kanina pa ako 'di makapakali kasi bukas na ang err... date namin.

Tumingin ako sa wristwatch ko. It's 5:53 pm.

7 more minutes...

"Blaire." Napatigil ako sa ginagawa ko nang tawagin ako ni Keith.

"Yes sir?"

"May pupuntahan ka ba bukas?"

"Ah yes sir. "

"Where to?"

"Sa bar sir."

"Sa bar?!"

"Yes sir."

"Sino kasama mo?"

"Si Clint sir."

"Tss kainis! Pasalamat talaga 'yung kolokoy na 'yun at may pupuntahan ako bukas. Kainis naman kasi, bakit ngayon pa nagkaproblema dun." inis na inis niyang bulong sa sarili.

Ano raw? Wala akong nagets.

"Ano 'yun sir?"

"Ah wala wala. Sabi ko, mag-ingat ka dun."

Nayigilan ako sa sinabi niya pero 'di ko nalang pinahalata. I felt a knot in my tummy. Since when did he cared? 

"Okay po SIR. Salamat sa paalala SIR." Diniinan ko talaga 'yung salitang sir. Why? I just want to remind him na boss ko lang siya, na boss ko na siya at hindi na kami tulad ng dati.

Ang harsh ba? Eh ang weird niya kasi! Yeah, he's my EX! Pero boss ko na siya ngayon at 'yung ganung pakikitungo niya sa akin, ay mali na. Hindi na tama.

Kinabukasan...

6:45 pm na at nakahanda na akong umalis. Suot ko ang black tube na binili ni Joenell sa akin at pinaresan ito ng black boots. Tinali ko rin sa high ponytail ang buhok ko. Naglagay rin ako ng smokey make up sa inosente kong mukha at nagpabango gamit ang afficionado perfume na regalo ni mama sa akin noon.

Before I left my room, I looked at myself in the mirror.

Ghad this is so not me! Since when did I become a girly-girl? Or a sexy woman?

I'm not used to this kind of look. I looked... awesome.

I smiled as I stare at my full-body reflection.

I've improved.

Matapos ang ilang minutong paghihintay sa labas ay dumating na si Clint.

"Thank you," I said matapos niya akong buksan ng pinto sa sasakyan. Gentleman!

"My pleasure gorgeous," and he winked. I giggled.

"Ang ganda natin ah?" 

"Sus nambola pa."

"Hindi ah. Ikaw ha, nagpaganda ka talaga para mas magustuhan kita, sus 'di na naman na kailangan 'yan eh.

"Aba ang feeler."

At nagtuksuhan kami sa buong byahe.

'Di nagtagal ay pinark niya na ang sasakyan. "We're here."

I smiled. Geez, this will be my 5th time to enter a bar.

The last time I went to such place was that time Keith tagged me along nung inimbita siya ng err, "girlfriend" niya. 'Yung sa opening ng flower shop nung babaeng tumatawag sa kanya ng "babes" last month. It's not really a bar, but still, I consider it one.

I blushed at that reminiscing. Nakakahiya 'yun!

"Hey." Tinapik ako ni Clint. 

"Ow, I'm sorry."

And then we entered the bar... I hope nothing ridiculous and embarrassing happen to me in here.

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon