Chapter 6: Sleep Talk

481 20 0
                                    

Keith's POV

Pagkapark na pagkapark ko sa sasakyan, binuhat ko na siya agad in a bridal way papunta sa condo unit ko.

Hey hey! Huwag kung ano-ano pinag-iisip niyo ah? Wala akong gagawing ano. Ang green niyo!

Kahit na sinaktan ako ng babaeng 'to, nirerespeto ko pa rin siya. 'Di ko masisisi ang sarili ko, karespe-respeto rin naman siya eh.

And hey! Malay ko ba kung nasaan na siya nakatira? We lost communication for 5 years so definitely, wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay niya.

Maingat at dahan-dahan ko siyang binaba sa kama ko, na tila isang napakamamahaling bagay na dapat ingatan at pahalagahan--kasi 'pag nawasak at nasira, 'di ka na makakahanap ng katulad niya.

I stared at her. I know I'm taking advantage of her situation right now, pero anong magagawa ko? I can no longer fight this feeling. The urge of staring at her, as long as I can--as long as I am given the chance to.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang laki na ng pinagbago niya. She's no longer the immature lady I used to know. 'Di na rin siya kasing childish tulad ng dati. I don't know if she still loves potchi, but nah. I think it's still her favorite.

Simple pa rin siya manamit, pero nag-improve na ito. Well, kunti lang naman.

'Yung straight niyang buhok noon na hanggang bewang ay hanggang balikat nalang--which made her more mature.

I smiled bitterly. Bakit mo ako iniwan Blaire? Nagkulang ba ako? May ginawa ba akong ikinasama mo? 

Bakit nawala na 'yung pag-ibig mo sa akin? May iba na ba? Mas napapasaya ka ba niya? Mas mahal mo ba siya?

Ganyan ba ako kabilis iwan? Ganyan ba ako kabilis makalimutan?

Thousands of questions pass through me. Mga katanungang noon ko pa nabuo, na ni minsan ay 'di nabigyan ng kasagutan. Mga kasagutang tanging ang babaeng payapang natutulog sa aking harapan lang ang makakasagot.

Blaire, bakit?

I stared at her, again. I mean, 'di ko naman siya tinantanan sa pagtitig ko. Ibinalik ko lang ang full attention ko sa kanya.

Hanggang ngayon, apektado pa rin ako sa babaeng 'to. Ni minsan, 'di siya nagawang burahin ng puso ko kahit na sobrang sakit na ang idinulot niya rito.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. And I kissed her...

A kiss full of yearning and longing, sadness, pain, hidden words. Strong emotions and, love.

I know this is harassment, pero bilang isang taong nagmamahal, sinusulit ko lang ang pagkakataong binigay ng tadhana para kahit nakaw na sandali lang, muli ko siyang maramdaman, na muli kong maalala na noon, minsan akong pinaibig at pinasaya ng babaeng ito.

"I still love you Blaire..." I whispered after I kiss her. At sa limang-salitang katagang iyon, feel ko, nawala na 'yung bigat sa puso ko. 

"I don't love you..." Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Pero ang gulat na iyon ay bigla ring napalitan ng sakit. Ganun ba?

"I hate you."

Agad akong umalis sa lugar na iyon. Nasaktan na naman ako ng babaeng 'yun.

Akala ko magiging okay pa. Stupid!

I should have known better. I shouldn't have let my guards down.

"Tristan..."

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon