Chapter 32: Words

380 10 1
                                    

Blaire's POV

Agad kong kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone nang maramdaman ko itong magvibrate.

Tristan calling...

"Hello?" bungad ko sa kabilang linya.

"Kamusta na ang aking matalik na kaibigan?" tanong niya.

Napangiti ako bago siya sinagot. "Okay lang po. Maganda pa rin. Ikaw ba?"

"Ay ang lakas ng hangin dito oh, nililipad ang buhok ko."

"Ano po? May angal ka? Suntukan nalang oh."

"Ha? Sabi ko po, ang ganda ganda mo. 'Di ako aangal, ano ba? Takot ko nalang sayo." At nagtawanan kami.

"Kamusta ka na?" tanong ko.

"Eto, gwapo pa rin."

"Okay shut up nalang ako."

"'Yan gusto ko sa'yo eh." At muli kaming nagtawanan. Namiss ko ang lalaking 'to.

"Btw, nasaan ka na ngayon? Nakauwi ka na ba?"

"Yup, kahapon lang."

Napa-ah siya sa sinabi ko. Kinuwentuhan ko siya sa mga naging karanasan ko sa nagdaang mga araw doon sa Titanium Resort. Sinabi ko rin sa kanya 'yung tungkol sa huli naming napag-usapan ni Keith, 'yung tungkol sa pag-amin niya sa nararamdaman niya sa akin.

Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa buhay ko ngayon, na nagtatrabaho ako bilang sekretarya sa aking ex na si Keith. Kinamusta niya ako tungkol sa nararamdaman ko tungkol doon, sinagot ko naman siya ng matapat.

Naputol 'yung pag-uusap namin nun kasi may tumawag sa kanya, 'yung head ng department na namamahala sa mga yate. Sinabihan si Keith na may problema sa yate na ginamit namin, 'di dapat 'yun gamitin kasi hindi pa naaayos pero 'di 'yun nalaman ng empleyado. Tinuruan ng head si Keith kung anong dapat gawin kaya naging busy siya. Madilim na rin nung makauwi kami kaya pagkarating sa room namin sa hotel ay 'di na kami nakapag-usap.

Namadali rin ang stay namin na dapat ay isang linggo ay naging tatlong araw kaya kinabukasan nun ay bumalik agad kami. Naaalala ko pa na masyadong awkward naming dalawa matapos nun pero wala miski isa sa amin ang nagsalita tungkol doon.

"Masakit, Tristan. Ang sakit, sakit. Iniwan niya ako sa ere limang taon na ang nakalilipas. Iniwan niya ako ng walang ni isang salita. Bigla siyang naglaho na parang bula. At ako, ayun, parang tanga na umaasa na isang araw babalik siya. Na magpaparamdam siyang muli. Pero hindi, wala. Tapos... Matapos niya akong iwan, may gana pa siyang sabihin sa akin na mahal niya pa rin ako? May lakas ng loob pa siyang muling pumasok sa puso ko na parang hindi niya sinira ito?" Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Mahal ko pa rin siya Tristan. Mahal na mahal. Pero ayoko na. Takot na akong masaktan ulit dahil sa kanya." Sinabi ko lahat ng hinanaing ko kay Tristan. He intently listen, at that moment he became my emotional outlet. He always was my emotional outlet. Siya 'yung nandun nung nasasaktan at nawawasak ako dahil kay Keith, and no words could ever define how grateful I am to him.

Natulala ako ulit matapos kong sabihin 'yun. I still love him, but I don't ever wanna let him kill me again. Kasi 'di madali makipagdeal sa heartbreak eh. Sobrang sakit, nakakamatay.

"Blaire? Hoy Blaire! Nandiyan ka pa ba?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ni Tristan mula sa telepono.

"Ay sorry, may naisip lang ako. Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?"

"Birthday ko na bukas."

"Ay oo nga pala. June 13, tama?" Ngayon ko lang naalala, kaya pala wala akong trabaho ngayon kasi Independence Day. Buti nalang mabait si sir Keith at may kinikilala pa rin siyang holiday sa kabila ng pagiging workaholic niya.

"Oo."

"Advance happy birthday!" bati ko. Inabot niya sa akin ang kanyang pasasalamat at inimbita akong magbar bukas ng gabi bilang simpleng selebrasyon sa kanyang kaarawan.

"Ba't naman sa bar?" Ngumingiwi kong tugon kahit na 'di niya naman ito makikita.

"Perks of being an adult, Blaire."

"Hays okay okay fine. I'll be there."

"At nga pala Blaire, isama mo na rin 'yung boss mo."

"What?! Ba't ko naman gagawin 'yun? Aish."

"Kasi sinabi ko."

"Eeeh Tristan naman! Huwag nalang kaya? Pleaseee. Hindi naman kayo close eh."

"Birthday ko 'to Blaire, ako ang masusunod." I pouted.

Hindi ko nalang sasabihin kay Keith na iniimbita siya ni Tristan. Wahahaha, problem solved!

"At pakiusap Blaire, iparating mo sa kanya ang imbitasyon ko. Baka 'di mo siya sabihan para 'di siya makapunta, naku lagot ka talaga sa'kin babae ka."

Hinabaan ko lalo ang pagkakanguso ko. Mind reader ba ang lalaking 'to? Kainis naman eh!

"Yes boss," napipilitan kong tugon.

Matapos naming klaruhin ang mga detalye para sa birthday niya bukas ay nagpaalam na ako sa kanya. Nang ibababa ko na sana ang tawag, pinigilan niya ako. "Blaire..."

"Yes, Tristan? May nakalimutan kang sabihin?" I heard him sigh over the phone na ikinakunot ng noo ko. "May problema ba?"

"I... I just want to say sorry for causing you pain. For being the reason why you're hurting. I'm so sorry. I really regret what I did."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Malalaman mo rin kung anong ibig kong sabihin, Blaire. But for now, gusto kong malaman mo na ginawa ko 'yun dahil mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako sa oras na malaman mo ang totoo." Matapos niyang sabihin 'yun ay ibinaba na niya ang tawag, leaving me with too much curiosity. Anong nangyari dun? Anong pinagsasabi niya? Ang gulo naman hays.

Kinabukasan, sabay kaming nagtungo ni Keith sa bar na sinasabi ni Tristan. Opo, magkasama po kami ngayon ng dakila kong amo. Matapos kasi ng tawag ni Tristan ay pumasok sa kwarto si Keith. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kaarawan ni Tristan at agad naman siyang tumugon sa imbitasyon nito. Mayroon pa rin namang ilangan sa pagitan namin pero pilit ko itong binabalewala.

Bumungad sa amin ang maingay na tugtugin at nakakaduling na liwanag pagkapasok namin sa loob. Agad na hinanap ko ang kinaroroonan ni Tristan at buti naman ay agad ko siyang nakita. Sabay kaming nagtungo ni Keith sa lamesang okupado ng birthday celebrant.

"Hi Tristan, happy birthday," bati ko at nakipagbeso-beso sa aking kaibigan.

"Thank you. Thanks for coming, too."

"Ay oo nga pala," hinila ko si Keith palapit sa aming dalawa, "meet my boss, Keith Yohann Aragon. Uh s-sir, this is my bestfriend na nagbibirthday ngayon, Tristan Santiago."

Nagtama ang kanilang mga mata. Nagkatinginan sila saglit bago nanginginig na inabot ni Tristan ang kanyang kamay kay Keith. Poker face naman itong tinanggap ni Keith. "Happy birthday Tristan Santiago," bati niya.

"T-thank you. Nice to finally meet you, Keith Yohann Aragon"

***

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon