Chapter 19: Truth

428 16 0
                                    

Keith's POV

"Clint..." Lumingon siya sa akin. "I want to tell you something..."

Lumingon siya sa akin. "What is it?"

I heaved a sigh. Siguro ngayon na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat... Ang lahat ng tungkol sa amin ni Blaire.

"Me... And Blaire... We--She..." Ugh! I don't even know how to start this bullshit!

"What?"

"She's my ex." And there I said it.

"WHAT?!"

"Do you remember that girl I keep on telling you before?"

"You mean, the girl in the coffee shop?"

"Yeah." I nodded while slightly smiling.

--Flashback--

"Hahaha ang kulit nga niya eh. Alam mo ba, 'yung ilang chocolates na pinadala mo sa akin galing d'yan sa Dubai eh binigay ko sa kanya? Ang weird nga bro eh, 'di man lang tinanggap."

"Oh eh baka 'di mahilig sa matatamis?"

"Nope. Puno nga ng mga candies and lollipop 'yung bag niya eh."

"Eh baka 'di mahilig sa chocolates?"

"Kinda. But you know what's weirder? Lahat ng binibigay ko sa kanyang mga mamahaling pagkain ay tinatanggihan niya. Akala ko nga ayaw sa akin eh. Pero nung isang araw, habang papunta ako sa coffee shop para magpa-pogi points ulit, nakalimutan kong 'di ko pala nadala 'yung cupcake na binake ni mama. Naiwan ko rin 'yung wallet ko. Ang tanging nasa bulsa ko lang ay sampung piso. Ensakto namang napadaan ako sa gilid ng kalsada." I smiled kahit alam kong 'di ako nakikita ni Clint na ngayon ay kausap ko sa telepono. "May nagbebenta doon ng mga chichirya at candies. Nakuha ng atensyon ko ang potchi kung kaya't 'yun ang binili ko at ibinigay sa kanya. Then the next thing that happened was, magical..."

Simula nung binigyan ko siya ng potchi, nabawasan ng kalahating porsyento ang kasungitan niya sa akin. Lagi na siyang nakangiti everytime binibigyan ko siya ng paborito niya--ang potchi.

"Hoy anong magical-magical d'yan? Ikaw ah, nagpapaniwala ka na tuloy sa fantasy dahil sa babaeng 'yan-- hala!" I heard him gasped. "Don't tell me ano 'yun, you know, something green? Hoy Keith! Anong magical?"

"Wala. Ang ibig kong sabihin, dahil dun sa potchi, nakuha ko 'yung loob niya. Ayun, pumayag siyang ligawan ko siya."

"Ah."

"Bakit? Ano bang iniisip mo?" I facepalmed. "Ang utak mo ah, kadiri ka! Mahal ko 'yung babaeng 'yun kaya nirerespeto ko 'yun. 'Di ako tulad mo na fvckboy!"

"Hoy anong fvckboy?! 'Di ah. Nagka-one night stand lang ako ng isang beses dulot ng kalasingan sa isang estranghera, maka-fvckboy ka diyan."

At nagtawanan kami. Kinuwentuhan ko siya ng tungkol sa kay Blaire. Sa bawat pag-uusap namin sa telepono, si Blaire lagi ang bukambibig ko.

"Oh ano? Sinagot ka na ba ni Miss B?" tanong ni Clint.

Yeah, Miss B ang pangalang sinabi ko sa kanya. I want him to know Blaire's real name and identity in person. Kaya lang sa ngayon ay nasa Dubai pa siya.

"Hindi pa eh." Napakamot ako sa batok ko. "Pero alam ko, nararamdaman ko na malapit na. Hihi." I smiled at the thought.

"Aba aba, maka-hihi 'tong gagong 'to ah? Nabakla ka na ano? Umayos ka nga!"

"Gago ka rin! Kinilig lang 'yung tao eh."

"Putcha! At ba't ka kinikilig ha?"

"Aba siyempre, mahal ko eh. Tanga lang?"

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon