Chapter 9: Punishment 1

492 20 0
                                    

Blaire's POV

"Kain tayo, sir." Nahihiyang imbita ko. Siyempre invite-invite lang, para naman mabait tingnan hehe. Alam ko namang tatanggi 'yan eh. Tsk tsk.

"Sure." HA?! Nanlaki ang mga mata ko. "What's with your reaction?"

"Ha? Ay wala ito sir. Acting lang. You know."

Akala ko pa naman tatanggi siya! Edi sana 'di ko na inimbita pa huhu.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naupo sa harap. Lumunok ako ng laway. Geez!

Sinimulan na niyang kainin 'yung pagkain niya. Dalawa kasi ang ipinadeliver niya dito. At oo, kanya nga galing ang pagkain na kinakain ko ngayon.

"Hey what are you staring at?"

"Ah hehe wala po. Sabi ko na nga eh kakain na ako."

Matapos namin kumain--which i find embarrassing--ay lumabas na agad sa opisina si sir. Ako naman ay niligpit ang mga pinagkainan namin.

Matapos ang limang minuto ay 'di pa rin bumabalik si Keith sa office. Saan ba nagpunta 'yun?

Umupo ako sa upuan at nag-facebook tutal wala pa naman akong ginagawa. 

"Kumain ka na?" anang message ni Titanium na sinend niya 6 minutes ago.

"Yeah. Katatapos lang."

Kachat ko ngayon ay isang roleplay account na si Titanium Bluexoir Zanth. Nagsimula kaming maging chatmate two months ago.

At hep! Siya ang naunang nagchat, huwag kayo. So ayun, since sa roleplay account ko siya nagchat ay nireplyan ko nalang rin. Para naman 'di boring.

"Ikaw, tapos ka na?"

Ilang minuto rin akong naghintay sa reply niya pero umabot na ng 5 minutes ay wala pa rin.

Nang nicheck ko ay active 2 minutes ago na pala. Nagbilin nalang ako ng mensahe.

"Ingat ka lagi diyan ha. Byeee"

Maka-logout na nga lang ulit.

After 10 minutes ay bumalik na si sir Keith

"Here," sabay lahad niya ng paperbag na agad kong tinanggap.

"Ah para saan po ito sir?"

"Wear it."

"Ayaw!" Agad kong tinulak ang paperbag sa kanya. Nooo! Baka anong ka-sexy-han na naman 'yan eh. Nakakatrauma na! Ayoko naaa!

"Psh." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papuntang cr. Hawak ng kaliwa niyang kamay ang paperbag.

"It's either you wear this or I'll wear this to you," aniya na may pataas-taas pa ng kilay at evil smirk.

"Ay sabi ko nga isusuot ko 'yan hehe." Akmang aabutin ko na sana ang paperbag ng itinaas niya ito.

"Eeeh!" Inabot ko ito ng inabot. Ano ba naman ang tangkad kasi! Tumalon-talon na ako para makuha iyon pero wala, walang effect.

'Di ko napansin na habang busy pala ako sa kakatalon eh busy rin siya sa pag-abante. Kaya ayun, naramdaman ko ang likod ko na tumama sa pinto ng cr. Napatigil ako sa paggalaw. No, not again.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Papalapit ng papalapit.

10 inches

8 inches

5 inches

10 centimeters

5 centimeters

And then he closed his eyes.

Luh? Hahalikan niya ba ako? Should I close my eyes, too?

So ayun, pinikit ko ang aking mga mata. 

But then a knock in the door distracted us, or maybe only me?

Napamulat ako agad at nakita siyang nakasmirk sa akin.

Kinindatan niya ako, binigay sa akin ang paperbag at nagtungo sa may pinto.

Asdfghjkl! 

Pinagtitripan lang pala ako ng gagong 'yun. Psh. 

Pumasok na ako sa cr. Binuksan ang paperbag. Howli mader of pig!

Kung gaano ka-revealing ang suot ko ngayon ay ganun din naman ka-conservative ang damit na ibinigay niya ngayon.

Isang turtle neck na long sleeve na kulay black. At isang... Watdapak?! Jogging pants?

Saan ang fashion ng lalaking 'to?! Huhuhu.

Sinuot ko na iyon ng nakanguso. Ang higpit pa ng damit ko at ang luwag ng jogging pants. Buti nalang may garter at tali. Hays.

Lumabas na ako at nakitang tambak ng halos 10 bundle ng mga papel ang table ko. Nilingon ko si sir. Nakasmirk siya.

"Mamaya mo na galawin ang mga papel na iyan 'pag natapos mo na ang mga iuutos ko."

Tumango ako, with gritted teeth.

"Pumunta ka sa cr ng floor na ito."

"Ano pong gagawin ko dun sir?"

"Lilinisan mo iyon," chill na chill niyang sabi.

"WHUUUT?!" Parte ba 'yon ng trabaho ko.

"May angal?"

Oo meron! Grr!

"Wala po." Lumabas na ako sa office niya, kumuha ng mga gamit panglinis sa stock room at sinimulang linisin ang cr.

Parte ba 'to ng trabaho ko bilang secretary? Eh pang-janitor 'to eh. HUHUHU!

Habang naglilinis ay ang ingay ng utak ko. Punong-puno ng reklamo sa kung gaano kabaho ng banyo, gaano karumi, gaano ka blah blah at blah blah.

Meron ding manyakis kanina dun sa male's cr na wagas kung i-head to foot ako. Tadyakan ko siya diyan eh.

"Tapos na po, sir." Uupo na sana ako sa upuan kasi kanina pa akong pagod nang pigilan niya ako.

"Oops! Huwag ka muna uupo."

"Eeeh bakit ba?!"

"May angal?"

"W-wala po."

"I-mop mo ang buong floor."

"Whaaat?!"

Tinaasan niya ako ng kilay, "May angal?"

"W-wala po."

At kumuha na naman ako ng mga panglinis sa stock room.

Mop here, mop there, mop everywhere.

Waaaah kapagod! Gusto ko nang umupo! Huhuhu.

"Tapos na po." Uupo na sana ako sa upuan nang pigilan na naman niya ako. 

"Ano na naman ba?!"

"Kunin mo ang mga basura sa bawat department."

"Sa floor na ito?"

"Nope. Sa 10th to 15th floor."

"WHAAAT?!"

"May angal?"

"Wala po." He smirked.

Demonyo ka!

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon