Chapter 8: Hiding Her

459 22 0
                                    

Keith's POV

Gusto ko siyang parusahan dahil nasaktan ako sa sinabi niya sa akin kagabi. And I know that I have all the power and authority to do so, not as her ex who's still into her, but as her boss.

Kayang-kaya ko siyang utusan ng mga gawaing alam kong mahihirapan siya--mga bagay na ikakasakit ng damdamin niya-- kahit na hindi ito kabilang sa trabaho niya bilang secretary ko. I am her boss.

Ang dami ko na sanang ipapagawa sa kanya eh, pero tangna naman kasi! Ba't ko siya pinasuot ng ganun ka-revealing na mga damit?!

Gusto ko siyang pagmop-in sa buong building, ipalinis sa kanya ang mga comfort room, utusan siya na magdeliver ng mga papers sa iba't ibang departments sa lahat ng floors gamit lang ang hagdan at iba pa. Pero naisip ko lang, huwag muna ngayon. That can wait.

Because what i want her to do right now is to stay in my--our office and hide her body.

"Sir, pwede na po ba akong umuna sa inyong kumain? Alas-dose y media na rin kasi eh," sabi ni Blaire.

Tatango na sana ako nang maalala ang isang bagay. "No!"

"P-po?"

"I mean, you stay here. Magpapadala nalang ako ng pagkain dito."

"Ha? Eh huwag na sir. I can handle myself." 

Akmang bubuksan na sana niya ang pinto para lumabas nang agad ko siyang hinablot.

"Aw!" Nasara ang pinto at kami ay napasandal doon. Geez! Nararamdaman ko ang kanyang harapan sa aking dibdib. Tadhana, ba't ka ganito? Pinaparusahan mo ako.

Natulala kaming dalawa sa nangyari. Nakayakap na pala siya sa balikat ko at ang aking kamay ay nasa bewang niya. I swallowed hard.

Blaire's POV

Agad kong tinulak si Keith. No no no!

Please naman lupa sana nilamon mo nalang ako kanina. That was embarrassing! Kahit noong mag-bf gf pa kami, we never had that distance. Ang lapit lapit ng mga katawan namin and I don't know why but it felt so wrong yet right at the same time.

Wrong dahil hindi na kami tulad ng dati na may 101% karapatan para ipakita sa isa't isa ang aming damdamin. We are an employee-employer here, hello?! Boss ko siya, secretary niya ako. Kaya walang ganun. Di 'yun dapat.

Yet a part of me says it's right. Right, because at that very moment, it feels like my heart is safe and my feelings were protected.

Pero NOOOO! I mentally slapped my face. Still, hindi na pwede.

"Sorry," sabay naming sabi.

Iniwasan ko ang tingin niya at humakbang patungong kanan. Pero tadhana nga naman, humakbang siya pakaliwa. Kaya ayun! Nagmukha tuloy kaming nagpapatintero.

Humakbang naman ako pakaliwa, at siya ay pakanan. Kasi nga magkaharap kami, kung anong direksyon ang puntahan ko at kabila ang sa kanya, nagkakasalubong kami.

Tumigil siya kaya nilampasan ko siya. Pero langya! Pinigilan niya ako sa braso ko.

"Saan ka pupunta?"

"Kakain," maikling tugon ko.

"Don't go out. Stay here."

"Eh? Bakit nga po kasi?"

"Ayaw kong may ibang nakakakita sa'yo na ganyan ang itsura."

Ha? Ano daw? May kausap ba siyang iba? Eh ba't binubulong niya ang sinabi niya? Hindi pa nakaharap sa akin. Ang bilis pang bigkasin.

"Po?"

"Wala. Ang sabi ko, 'kapag sinabi ko, sinabi ko'. Kaya 'pag sinabi kong bawal kang lumabas sa silid na ito, hindi ka lalabas. O baka naman gusto mong sisantehin kita?" masungit niyang sabi.

"Ah hehe. Hindi nga po ako lalabas eh. Sino ba nagsabi na lalabas ako at kakain? Susundin ko boss ko ano. Joke lang 'yung kanina. Hehe," sabay peace sign. Taray!

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon