Chapter 16: She's Busy

404 18 1
                                    

Blaire's POV

Tulala akong nagtungo sa mesa ko bitbit ang stapler. Tanginamoshooo! Kasalanan lahat ng stapler na 'to eh!

Kung 'di dahil sa kanya, 'di sana ako nautal sa harap ni Keith. Tahimik sana akong nakaupo ngayon sa mesa ko.

Kung 'di dahil sa stapler na ito na nakalagay sa drawer, edi sana 'di ako lumapit sa lalaking iyon. At kung hindi ako lumapit sa kanya, 'di sana ako naupo sa lap niya. At kung 'di ako naupo sa lap niya, at 'di dumating si Clint, 'di sana niya ako tinulak. At kung 'di niya ako tinulak, 'di sana nasaktan ang labi ko. At kung 'di nasaktan ang labi ko, 'di sana ako nalapatan ng kisspirin ni Keith--I mean, WHAT?!

Aish aish, ano ba naman 'to huhuhu.

Nasa 30 classified papers ang nakakalat sa lamesa ko ngayon. I heaved a sigh bago ito sinimulang i-staple.

*Tok tok*

"Come in," anang boses ni Keith. Iniluwa ng pinto si Clint. Meghad!

May dala siyang dalawang frappe, i bet para sa aming dalawa 'yun.

"Sabi ni Keith busy ka raw kaya 'di kita pwedeng ilabas. Kaya dito nalang kita liligawan."

"P-pero Clint--"

"Naahh. Best friend ko naman 'yan eh, 'di 'yan. Akong bahala." And he gave me an assuring smile.

"Eto nga pal--" Akmang ibibigay na niya sa akin ang isang frappe na hawak niya ng kunin ito ni Keith mula sa kanya. "Wuy Frappe! Sarap nito ah. Akin na ah? Thanks dude!" At tila isang uhaw na uhaw na leon niya itong ininom. Gosh. Why is he so h---Wala wala.

"Oh," binigay niya ulit kay Clint--na ngayon ay nakatunganga sa kanya-- ang empty cup ng frappe.

Err?

"A-ah hehe." Kinamot niya ang batok niya tsaka nag-aalangan itong inabot. Tinapon niya 'yun sa basurahan at muling lumingon sa akin. "Sa'yo nalang 'to." Akmang ibibigay na naman sana niya ang frappe na para sana sa kanya sa akin nang hablutin ito ni Keith. "Uy kulang pa talaga 'yung kanina eh. Pwedeng akin nalang ulit 'yan."

"Dude nam--"

"Thanks!"

"Aish," ginulo ni Clint ang buhok niya at lumapit sa tenga ko. "since when did he started to like frappe? He used to hate that before."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. I just shrug my shoulders. Noon, isa 'yan sa madalas niyang orderin sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko. But i think i have a logical reason why ganyan ang nakikita ni Clint sa kanya noon.

Maybe because every time he saw it, he remembered me. And it gives him either anger or pain. And i don't know why.

And also, hindi niya gusto ang frappe noon. Not until we met. Nasabi ko na favorite ko ang frappe, kaya rin siguro naging paborito niya 'yun. Hays.

"Okay, wala na kayong kape. So Clint, pwede ka nang umalis."

"What the?! Dude!"

"Busy siya ngayon, see that?" Sabay turo sa table kong puno ng papers.

"Nah. I'm willing to help."

"Nope! You won't because I won't allow you. Marami pa kaming gagawin so please, you can now leave bro. Leave my secretary alone. Oras ko ngayon kasi ako ang boss niya." Tinutulak niya si Clint palabas habang sinesermonan ito. "Huwag kang mang-agaw," pabulong na sabi niya na 'di ko halos maintindihan kasi nakafocus ang tingin ko sa pinto na nakasarado na. Clint's outside.

"Walangyang lalaki 'yun. Psh."

Ba't ba ang weird niya ngayon?

Keith's POV

Badtrip! Bakit ba kasi 'di ko naipakilala sa kanya noon si Blaire? Edi sana walang ganito. Shit naman!

Pati 'yung babaeng 'yun! May M.U-M.U pa siyang nalalaman. Pati 'yung best friend kong pangit, pinatulan pa tss.

Nang mag-alas 12 na ay 'di ko pinalabas si Blaire. Binilhan ko lang siya ng pagkain tulad noong isang araw. Sus baka mamaya, tagpuin niya si Clint eh. Psh.

Malapit na ang off ni Blaire. 5:46pm na nang may tumawag sa kanya. Syempre dahil hindi ako busy nung time na 'yun at bored ako, nakinig ako sa kanya.

"Oh Clint, napatawag ka?"

Clint na naman?!

"Ah yeah. Mamayang 6. "

"Huh? Date?"

I gritted my teeth and acted like I'm not listening. Kinuha ko ang notebook ko sa gilid at binuklat-buklat ito.

"Sur--"

"Blaire, mag-overtime ka ngayon ah? Marami kang gagawin." I interrupted.

Tinakpan niya ang cellphone niya. "Pero Sir, tapos ko na naman 'yung pinagagawa niyo ah?"

I glared at her. "So ganun? Ikaw na ang masusunod ngayon? Ikaw ba ang boss? Oh sige, pumili ka, uunahin mo ang pakikipagdate o ang masesante sa trabaho?" cold na ani ko habang patuloy pa rin sa pagbubuklat-buklat sa notebook.

"Pakyu!" galit na bulong niya. Narinig ko 'yun ah!

Pokerface ko siyang binalingan ng tingin. "What is it?"

"A-i mean, syempre uunahin ko ang trabaho sir." Tinapat niya ang cellphone sa tenga niya. "I'm sorry Clint pero busy talaga ako ngayon eh. Pinag-oovertime rin ako ni boss."

"Sa sunday ang free ko."

"Oh, I'm sorry may iba akong kasama sa time na 'yan eh."

Whaaat?! 'Tong babaeng 'to! Nireject niya nga si Clint, pero may iba naman?! Amputa! Ang sarap niyang i-handcuff sa kamay ko at igapos sa upuan ko nang 'di na umalis ng iba ang kasama. Tch.

"Okay then. Next sunday. I will reserve it for ya. Hahaha."

Psh. You know what's your mistake Blaire? You let me hear your conversation. Sorry gagawin kitang busy sa Sunday at next Sunday. And i mentally laughed, an evil one. Bwahahaha.

I'm sorry dude, but she's busy.

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon