Chapter 33: The Reason Behind Their Pain

284 10 3
                                    

Blaire's POV

Maingay ang paligid. Nakakaduling ang naggagandahang ilaw na mas lalong nagbibigay aliw sa kapaligiran. Kalahati ng tao na nasa bar ay kasalukuyang nagpaparty sa gitna ng dancefloor at sinasabayan ang indak ng nakakabinging musika.

Tatlo nalang kami ni Tristan at Keith na nakaupo dito sa lamesa kasi ang mga kasamahan namin ay nakikisabay na sa kasiyahan ng paligid. Tahimik kong iniinom ang aking beer habang nagwa-one on one naman ng tagay sina Keith at Tristan. Magkaharap silang dalawa sa mesa habang nasa gitna naman ako.

Lasing na si Tristan habang tipsy naman si Keith. Sinusulyapan ko lang silang dalawa sa tuwing nagsasawa ako kapapanood sa mga tao. Nasa madilim at tagong bahagi kami kung kaya't kahit na maingay ay naririnig ko pa rin ang usapan nilang dalawa.

Sinasaulo ko ang pattern ng liwanag nang biglang makuha ng tanong ni Tristan ang atensyon ko.

"Keith Aragon... Ikaw ang ex ni Blaire, diba?"

Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya kay Keith. Shet naman ba't kailangan iopen up pa ang topic na 'yan?

"Ako nga."

"'Yung lalaking nagtungo sa ibang bansa at iniwan si Blaire ditong nag-iisa?"

Keith gritted his teeth. Hindi siya sumagot bagkus ay hinayaan lang niyang patuloy na magsalita si Tristan.

"Alam mo ba? Mahal na mahal ka niyang kaibigan kong si Blaire. Nakakainis nga eh, ang daya. Ako ang unang pumasok sa buhay niya, ako ang unang nagmahal sa kanya. Pero ba't ikaw pa ang minahal niya?"

"Tristan," pagtitigil ko sa mga pinagsasabi niya. Tunay ngang nagiging madaldal ang isang tao 'pag nalalasing.

"Shh shh. Hayaan mo munang ipalabas ko ang lahat ng hinanaing na matagal ko nang itinago sa puso ko sa loob ng mahigit anim na taon, Blaire."

Napayuko ako sa sinabi niya at sinulyapan si Keith. I then give him an apologetic look. Ngumiti lang siya ng pilit bilang tugon.

"Mahal na mahal ko 'yan si Blaire. Isang araw nga pinagtangkaan ko pa siyang gahasain dahil sa---"

Hindi natuloy ni Tristan ang sasabihin niya kasi bigla siyang hinila ni Keith sa kwelyo. "Anong sinabi mo?!" galit na galit na sigaw niya.

Agad ko silang inawat. Inilayo ko si Keith kay Tristan at hinawakan siya sa braso. "Okay na. Matagal na 'yun, pinatawad ko na siya."

"Kailan pa 'yun nangyari?" tiim-bagang ani niya.

"A week bago kita sinagot," nakayuko kong sagot.

"Wow. And you didn't even bother to tell me about it?"

"Hindi naman kasi 'yun big deal eh. At kinabukasan no'n humingi na rin naman siya ng tawad kaya hindi ko na sinabi sa'yo para 'di na lumaki 'yung gulo."

"Kahit na!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "Everything about you is a big deal, Blaire! Kahit gaano pa kalaki o kaliit na bagay iyan, basta tungkol sa'yo ay mahalaga na sa akin. Naiintindihan mo ba 'yun?"

Imbis na mainis sa sinabi niya ay uminit ang mukha ko at nagsimula muling magparamdam ang mga paru-paru sa aking tiyan.

"I'm sorry."

Magsasalita pa sana siya pero biglang sumulpot ang waiter at tinanong kami kung okay lang ba kami. Doon ko lang rin napansin na nakatayo kaming tatlo at ang ilang kalapit namin ng lamesa ay pinagtitinginan na kami. Pinaupo ko silang dalawa at mabuti naman ay sumunod agad sa akin.

"Again Blaire, gusto kong magsorry sa ginawa kong 'yon--" hinging-paumanhin ni Tristan.

"Tristan, napatawad na kita. Matagal nang binaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya kalimutan nalang natin, okay?" sabi ko habang tinatapik ko siya sa pisngi.

"Ehem." Agad naman akong napabitiw at napaayos ng upo nang tumikhim si Keith. Tinignan ko siya at ang sama ng tingin niya sa'kin. Shet!

Matapos ng eksenang iyon ay tumahimik muli ang aming mesa. Tila nagkaroon ng ilangan sa aming tatlo.

"Cheers," pagbasag ni Tristan sa katahimikan at itinaas niya ang kanyang basong may laman ng beer.

Nag-inuman kaming tatlo hanggang sa muli na namang nagdadaldal si Tristan.

"Alam mo, Keith? Mahal na mahal ko 'yang si Blaire. Sobrang mahalllll."

Nagkatinginan kami ni Keith. Tila kaming dalawa ay nagkaintindihan nung mga sandaling iyon na maghanap ng paraan upang takasan ang sandaling ito.

"Pero wala eh. Hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ikaw kasi 'yung mahal niya. Ikaw 'yung mahal niya kaya ako? hindi niya ako kayang mahalin.

"Kaibigan. 'Yan lang ang kayang ibigay sa akin ng taong mahal na mahal ko. At wala akong nagawa kundi tanggapin ito. Sabi ko pa sa sarili ko na mas mabuti nang ganun kesa naman tuluyan na niya akong layuan. Kaya kahit na masakit, nakontento nalang ako do'n.

"Isang taon ang lumipas. Isang araw, habang naglalakad ako mag-isa sa mall, nakakita ako ng magshota. Ang sweet nila, sobra. Doon, nakaramdam ako ng inggit. Hiniling ko na sana ganun din kaming dalawa ni Claire. Oo, sa isang taon na 'yun 'di ko pa rin nagawang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya kung kaya't nagtungo ako sa bahay nila at hinanap siya. Aayain ko sana siyang manood ng sine total day off niya nung mga oras na 'yun. Sinadya ko siya sa kanilang bahay pero nalaman ko na nagtungo pala siya sa simbahan. Pumunta ako sa kanilang kusina upang makiinom ng tubig nang makita kong naiwan pala ni Blaire ang cellphone niya sa mesa," kuwento niya.

Naalala ko ang panahong 'to. Nung nagtungo ako sa simbahan at naiwan ko ang cellphone ko sa bahay. 'Di ko na nagawang balikan ito kasi eksaktong nagsimula na ang misa.

"Ewan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinakialaman ko ang phone niya. May password ang cp niya pero buti nalang at minsan niyang nasabi sa akin ang password kung kaya't nabuksan ko ito. Nagtungo ako sa facebook app niya at nakalog-in dun ang account niya. Sa hindi ko malamang kadahilanan, pinakialaman ko din 'yun. And I did the greatest betrayal to the both of you, Keith."

Pilit kong inalala 'yung nangyari sa mismong araw na nagtungo ako sa simbahan at naiwan ko ang cellphone ko. Pag-uwi ko ay sinabi ni mama na bumisita raw si Tristan sa bahay pero umalis rin makalipas ang ilang oras na parang natatae--namumutla at namamawis.

'Yun din ang mismong araw kung kailan bigla akong ni-block ni Keith sa lahat ng social media accounts niya at simula ng araw na hindi na siya muling nagparamdam.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinakialaman ko ang phone niya.

Nagtungo ako sa facebook app niya at nakalog-in dun ang account niya. Sa hindi ko malamang kadahilanan, pinakialaman ko din 'yun. And I did the greatest betrayal to the both of you, Keith.

Parang may ideyang pumasok sa isip ko pero hindi ko 'yun matanggap. No, it can't be...

"April 8, 2012." Sa simpleng pagbanggit niya ng date na iyon ay naglakihan ang mga mata namin ni Keith at nagkatinginan kami sa isa't isa. Iyan ang eksaktong araw kung kailan natapos ang aming relasyon.

"Keith, Blaire, ako 'yung dahilan ng paghihiwalay ninyo."

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon