Chapter 21: Nurse And Naked

469 18 1
                                    

Blaire's POV

Hindi na ako umuwi kagabi. Magdamag kong binantayan si Keith. I know that this is no longer part of my job as his secretary. Kung naging estudyante pa ako at si Keith ang guro, siguro nasabihan na ako ng mga kaklase ko na 'sipsip'. This is a li'l bit wrong, I know.

Pero mas mali kung hahayaan ko nalang siya sa isang tabi na naghihirap, nag-iisang nilalabanan ang kanyang lagnat.

Ay teka Blaire? Ang lalim naman ata nun. Para namang nagdudurusa siya ngayon sa lung cancer stage 18. Hays.

Alas-7 na ng umaga. Kinapa ko si Keith and thanks God okay na siya.

Nagtungo ako sa kusina at kinalkal ang mga kagamitan niya ro'n. Yeah right, feel at home na feel at home, I don't care. Isipin nalang natin na asawa niya ak--I mean, yaya.

Nagluto ako ng chicken hotdog, sausage at noodles. Nagluto rin ako ng kanin, obviously.

Matapos kong lutuin ang mga iyon ay tinignan ko ang orasan. 7:56 am.

Mamaya ko nalang siguro 'yun gigisingin.

Pumunta akong sala at pinaandar ang tv. At dahil mabait akong bata, nag-online ako sa dummy account ko sa facebook at chinat si Titanium.

"Hi Tit! Pashare ah? Ang weird bang tingnan kung ang dating boyfriend mo, ngayon ay boss mo na? And you know what's even weirder? May sakit siya ngayon at heto ako sa tabi niya, inaalagaan siya. Yet the weirdest thing there is, kahit na minsan na akong sinaktan ng gagong 'yun, 'di ko pa rin siya magawang kamuhian. Mahal ko pa eh." Then I hit the 'send' button.

'Active on Sunday' siya at Tuesday na ngayon. Well, we are the same. Hindi kami ganoong kaactive sa facebook. Maybe he's also busy like me.

Nanonood ako ngayon ng Oggie And The Cockroaches at hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumisi sa tuwing may nakakatawang nangyayari. Yeah, just a grin.

Noon, naaalala ko pa, every time I watch that cartoon, I always laugh out loud, I always laugh my ass off. But hays, things are no longer the same now. I'm no longer the jolly Blaire I used to know.

Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang tumunog ang messenger.

"I don't know why, but your story is so like mine. Ganyan din ang nangyayari sa buhay ko ngayon. But, in the other way around. And that, I know, is the weirdest among all."

I just shrug my shoulders. "Maybe we share the same fate? Haha kidding!"

"Yes babe. I think we are destined."

I laughed. Nagpaalam na ako sa kanya. At habang tinatype ko ang mga farewell words ko para sa kanya, naglalakad rin ako papuntang banyo kasi promise! Ihing-ihi na ako.

Matapos kong magpaalam sa kanya ay nilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ang pinto ng banyo at HOWLI MADER OF KAW!

Natulala ako saglit sa harap ng asdfghjkl lalaking 'to na nakahubad ngayon sa harap ko. Yes, NAKAHUBAD!

Gets? Or do you want me to reiterate what I just said?

I swallowed hard. Omg this feels like... WAAAHHHH!!!

NA-KA-HU-BAD SI KEITH SA HARAP KO! And when I say hubad, it means 'walang saplot' for goodness sake!

"Sorry," sabay naming sabi. Agad akong tumalikod at lumabas sa banyo. I badly wanted to slap my self right now for being frozen in there.

Pero... WAAAAH! Manyak ba akong matatawag kung hanggang ngayon hindi pa rin naaalis sa isip ko ang larawan niya? In that state? Geez!

***

I am now face to face with my own reflection. Kaharap ko ang salamin habang sinusuklay ang basa kong buhok.

*Flashback*

Matapos ang nakakahiyang pangyayaring 'yun ay sabay kaming kumain ni Keith. We both can't look at each other's eyes because of embarrassment.

"Here." Napatingin ako kay Keith nang may nilahad siyang isang paper bag. No not again!

Nat-trauma na ako every time na binibigyan niya ako ng paper bag and you all know why.

"I-im sorry. This is the only clothes i have here." And then he stood up para tapusin ang pag-aayos.

Dahan-dahan ko itong binuksan. Well, it's not that bad at all--I mean, this is way better than the first two.

It's a peach off shoulder na may kasamang short shorts na 'di naman kalayuan sa tuhod--tho it's above the knee.

Naligo na ako sa banyo at 'di ko maiwasang hindi mamula nang maalala ko ulit ang nangyari kanina.

*End of Flashback*

"Let's go?" ani Keith pagkatapos naming dalawang mag-ayos.

I just nodded.

Akmang pipihitin ko na sana ang seradura nang pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nasa doorknob.

I look at him. "Thank you," he sincerely said.

I smiled, a genuine one. And off we go.

Habang nakasakay kami sa elevator ay may nakasabayan kaming isang matanda, isang estudyante, at waaaah! Isang gwapong nilalang na kasing edad ko lang ata.

Sinulyapan ko siya. Sulyap. Sulyap. Sulyap. Ong gwopo!

*Ting*

Bumukas ang elevator at sa kasamaang palad, lumabas ang lalaki. I frowned.

Waaaah! I will miss you pogi! Huehue. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Huhuhu! Hindi man lang ako tinignan hmmp!

"Tss." Napatingin ako kay Keith na ngayon ay err? Bad mood? Tsk 'yaan na nga 'yan.

Lumabas na kami sa condominium at sabay na nagtungo sa nakapark na kotse ni Keith.

"Uh miss?" Nilingon ko ang lalaking ako yata ang tinatawag. Tinuro ko ang sarili ko at tumango naman siya.

Aww ang cute niya! Nakasuot siya ng spectacle pero hindi siya geek tignan, sa katunayan nga mas nakapagpagwapo sa kanya 'yun.

"What is it?" I smiled.

"Ito po ba 'yung Titanium Condominium?" tanong niya.

"Ah oo, eto nga."

"Ah sige salamat."

"You're welcome."

"Ay! Ako nga pala si Hairo." At nilahad niya sa akin ang kamay niya.

"I'm Blaire." And we shook hands.

"Sige bye."

"Bye."

Pumasok na ako sa sasakyan ni Keith. Tinignan ko si Keith na ngayon ay bad mood na bad mood na. Err?

"Tss," aniya.

Hala, baka nagalit kasi pinaghintay ko?

***

Pagkarating namin sa building na pinagtatrabauhan ko, kung saan si Keith ang aking amo, ay nakayuko akong lumabas ng kotse niya. Mamaya ano pang isipin ng mga makakita sa amin.

"Blaire!" Nagpanting ang tenga ko sa boses na tumawag sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid and i saw him there, waving at me!

"TRISTAN!"

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon