Chapter 11: Pity

459 20 0
                                    

Blaire's POV

Umupo muna ako sa sahig at sumandal sa pintuan. I'm so tired.

Umupo muna ako doon ng tatlong minuto. Nang mahagip ng aking peripheral vision ang elevator at nakitang may lumabas na lalaki doon ay agad akong tumayo.

Pinagpag ko ang dumi sa pwet ko at nakayukong pinunasan ang aking luha.

Shet nakalimutan ko pa talagang magkakasalubong kami ng lalaking kalalabas lang sa elevator.

Nasa kanan kasi ang office ni sir, nasa gitna ang elevator at nasa kaliwa naman ang hagdan.

Yumuko ako para itago ang aking mukha. Nakakahiya! Isipin niya pang badjao ako eh.

Inayos ko ang mga librong hawak ko pagkadating ko sa may hagdan. I sighed and silently murmured. "Hays. Here we go again, Blaire."

Keith's POV

Pakanta-kanta akong nagtitipa sa keyboard ng laptop ko. Syet lang!

Natatawa talaga ako sa mukha niya kanina. Pfft!

May kumatok sa pinto.

"Come in."

Nakita kong binuksan ni Clint ang pinto na nakakunot-noo. Nilingon niya pa 'yung kaliwang direksyon sa labas.

"Dude!" Nilapitan ko si Clint Chua, my childhood bestfriend saka nakipag-bro hug sa kanya. Namiss ko ang kolokoy na 'to, ah?

Ilang buwan din simula nung umalis sya at ngayon lang kami nagkita ulit. Pero nawala 'yung excitement ko dahil sa kaweirduhan niya.

"Anyare dun?" sabay turo niya sa labas, sa kaliwang direksyon.

"Hmm?" Napakunot-noo nalang rin ako.

"Pagkalabas ko kasi kanina ng elevator, may nakita akong babaeng nakaupo sa sahig. Nakasandal sa pintuan mo."

"Babae?"

"Oo. Nakaturtle neck na long sleeve tapos may pasan na marami at makakapal na libro. Nakakaawa bro! Ang bigat kaya nun!"

Si Blaire...

Nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko.

"Weird nga eh, sa hagdan pa dumaan."

Awts.

"At feel ko may problema sa buhay 'yun."

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh umiiyak eh!"

WHAT?! Shet ka Keith, you're a certified dickhead!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext siya. Yes I saved her number.

"Ano... Naayos na pala 'yung elevator. Pwede mo nang gamitin 'yun." Hehe.

"Hindi naman talaga nasira ang elevator eh. Sige."

Sheteeeeee!!

Nasaktan ko siya, shit talaga!q

Pero teka, ito naman talaga ang plano, diba?

To hurt her, to make her suffer.

"Hoy."

"Uy." Nabalik ako sa ulirat nang kinalabit ako ni Clint.

"Sorry. Oh nga pala, kailan ka pa nakarating? Napadalaw ka?"

"Wala lang. Bawal? Kararating ko lang galing Korea eh. Ay ito," may kinuha siya sa bag niya. "Chocolates. Pampawala ng stress."

I smiled and gladly accept it. "Salamat."

Pwede na kaya 'tong pang-peace offering kay Blaire? I mentally slapped myself.

Aba gago ka rin Keith, eh 'no? Ang regalo mula sa iba ay ireregalo mo rin sa iba?

"'Di na muna ako magtatagal ah? Aalis na ako. See you soon, man."

"Kararating mo pa nga lang eh, aalis ka na agad? Ano ba naman 'yan."

"You know I'm a very busy person. Marami pa akong kikitain atsaka para makapagpahinga na rin. Pupuntahan kita dito bukas o sa makalawa para magkamustahan. Huwag mo nga ako masyadong mamiss hahahahaha."

Napailing lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Sige na nga. Umalis ka na, nabwibwiset ako sa pagmumukha mo."

At nagbro hug ulit kami. 

"Ingat ka."

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nakalabas siya ng pinto.

Nilagay ko ang mga chocolates sa lamesa ni Blaire. I hope these will take away her grief.

Lumabas ako sa office at sumakay ng elevator. Thank God 'di ko siya nakasalubong.

Nagtungo ako sa may parking lot at mabilis na nagdrive papunta sa grocery store.

Blaire's POV

Pagkarating ko sa 10th floor gamit ang hagdan ay pagod na pagod na talaga ako.

'Yan kasi, pride at dignity pinapairal! Ayoko na!

Sumakay na ako sa elevator at matapos gawin 'yung utos ng demonyong Keith na 'yun ay nag-CR muna ako sa may lobby. Dzuh! Ayaw ko dun sa impyernong office na 'yun. Tsk.

But I have no choice kundi bumalik dun kasi doon ang lungga ko. 

Pagkapasok ko sa loob ng office ay napahinga ako ng maluwag dahil wala si Keith. I can rest, at last!

Nagtungo ako sa table ko at omg! This cannot be real!

"Potchi!"

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon