Chapter 12: Oh M.U!

468 20 1
                                    

Keith's POV

Napangiti ako nang marinig ang kanyang sigaw mula sa labas. Nasa labas ako ngayon kasi matapos kong ilagay sa mesa niya ang potchi ay may inasikaso ako saglit. Pagkapasok ko ay dinig na dinig ko ang sigaw niya.

Sound proof naman ang office ko, 'yun nga lang, nakabukas ng konti 'yung pinto kaya tumagos 'yung ingay.

"Potchi!"

'Di pa rin pala siya nagbabago. Potchi pa rin paborito niya. Haha.

Pumasok ako at nakita siya doon na masaya. Nakangiti ng sobrang lapad. Kung cartoon character nga lang siya ngayon eh, baka naging heart na 'yung bilog niyang mata.

In that certain view, I realized one thing.

Na mas masaya sa pakiramdam 'pag nakikita ko siyang masaya. 'Yung tipong magaan sa loob at walang nangongonsensyang konsensya. 

Ngumisi ako nang nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"Uh sir," 'di niya ako matingnan ng diretso. "Thank you sa potchi."

"Ha? 'Di ako ang nagbigay niyan 'no. Malay ko diyan." Todo deny naman ako.

Hah! I don't want her to think that I'm being good again to her. Baka abusuhin niya iyon at saktan na naman ako.

"Ay." Nakita ko siyang sumimangot pero ngumiti rin naman nang makita ang potchi. "Kung sino ka man, salamat." I secretly smiled sa sinabi niya. Pero napawi iyon sa kasunod na mga kataga.

"You took away the pain he caused me."

At nakonsensya ako ulit. Leche!

Tinignan ko ang wristwatch at malapit na pala mag-6 pm.

"Umuwi ka na," wika ko.

"Po?"

"Go home now."

"Eh? 'Di ko pa off ah?"

"Uuwi ka o ipapa-overtime kita."

Magiliw at mabilis ang kilos niyang kinuha ang bag niya at nagtungo sa pinto. "Siyempre uuwi na ako. Ano ka ba naman sir. Byeee!" At lumabas na siya.

"Sir huwag mo bawasan sweldo ko dahil dito ah?"

Ay butiki! Babaeng 'to. Manggulat ba naman, bigla nalang babalik.

Tulad ng biglaan niyang paglisan...

Aish aish! Erase mo 'yan Keith!

Tumango lang ako sa kanya. Nang masigurado kong 'di na siya babalik ay tinignan ko ang table niya.

Nandoon pa rin ang chocolates, nasa eksaktong lugar kung saan ko nilagay. Pambihirang babae, iniwan ang mamahaling chocolates para lang sa mumurahing potchi. Tsk tsk.

Blaire's POV

Kinabukasan...

I'm so thankful kasi 'di na ako pinapahirapan ni Keith. I mean, HINDI PA. Hays.

Wala na akong ginagawa ngayon kasi tapos ko na ang lahat ng gagawin kaya napagdesisyunan kong magbasa ng mga magazine tungkol sa kumpanya na nakita ko sa bookshelf ng office.

Sa gitna ng pagbabasa ko, I heard a knock in the door. Bubuksan ko na sana nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang nilalang.

It's a guy. A handsome one. Shet ang gwapooo!

Tinakip ko ang aklat sa mukha ko na tanging mata lang ang nakikita. Tinitigan ko ang lalaking 'yun at narecognize siya.

Holy. Mother. Of. Cow! SI CLINT!

Nabulunan ako sa sarili kong laway nang makita siyang ngumiti--este magsmirk-- sa kay Keith.

Nahagip ng peripheral vision ko na lumingon siya sa akin. Mabilis kong itinakip ang librong hawak ko sa aking buong mukha at agad na pumunta sa CR ng office.

This can't be happening!

Madapa-dapa ako at ang dami kong nabunggo bago nakarating sa CR. Bahala nang magmukha akong baliw basta lang huwag niya akong makita. Huhuhu lupa, tulong!

"Napadaan ka na naman?"

"Dalaw bro, dalaw!"

"Sus. 'Di hamak naman na mas gwapo ako sa'yo tangina mo."

"Hahaha ang kapal ng mukha ng gago oo! Mas matangkad ka lang sa akin ng 1 inch, Keith! 'Di hamak naman na lamang ako ng sandaang paligo kesa sa'yo."

"Haha gago ka talaga! Kapal."

"Mana sa'yo, ULOL!"

Ganyan ba talaga sila mag-usap? May galit sa isa't isa? O baka normal lang 'yun sa kanila?

Aish aish! Ba't ko ba pinoproblema 'yun? Eh may iba pa akong problema eh, MALAKI!

"Buti at nakabalik ka agad."

"Siyempre namiss kita eh, my BESTFRIEND. Payakap nga ako."

B-B-BESTFRIEND???

"Yuck mandiri ka nga, 'di tayo talo." At nagtawanan silang dalawa.

HOW COULD THIS WORLD BE SO SMALL?!

"So kamustang Korea? Pitong taon ka din dun ano?"

"'Yun nga eh. Pitong taon ako dun, 'di mo man lang ako namiss."

At nagdaldalan silang dalawa ulit. Ang daldal.

Nagstay ako sa CR nang halos 15 minutes. Nang tumahimik na ang paligid at 'di ko na narinig ang mga boses nila ay lumabas na ako. Baka umalis na 'yun. Sana nga umalis na.

"Ay butiki aso pusa kanding kalabaw kabayo ka!" sigaw ko. My precious expression 'pag sobrang nagugulat.

Ba't nandito pa rin siya?!

"Uy dude! Pakilala mo naman ako sa secretary m---wait. BLAIRE MARQUEZ?!"

PAKTAY!

"Ah eh hehe. H-hi!"

"Magkakilala kayo?" tanong ni Keith.

"Oo. Siya 'yung sinasabi ko sa'yong babae noon. 'Yung ka-M.U ko dati."

Oh my gosh, eat me now. 

My Ex And Our Second StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon