"Sorry, I had to hang up. Dumating si Ezekiel eh." Bulong ko sa cellphone, nasa home office pa rin ako habang si Ezekiel naman ay nasa living room nanunuod ng paborito nyang tv series na The Big Bang Theory.
"Uh-huh.." he trailed off, I knew he wanted more explanation why I suddenly had to cut off our call, but rather than explaining it to him, I just got quiet in the midst of our conversation. "Av? Andyan ka pa?" Nagulat ako, nawala ako sa sarili kakaisip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi, "Ay! Oo sorry. Madami akong iniisip, I'm so loaded. I have to go." Imbis na maging warm ako sa kanya, mas lalo lang akong naging cold dahil naalala ko na naman kung paano sya naging maiwas sa tanong ko kanina. I didn't wait for his answer, I ended the call immediately.
Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip ng concept ng new office namin, I've finished my degree in Architecture pero hindi ko yun sinasabi kahit kanino, Kaya lagi ko nalang sinasabi na Fine Arts ang natapos ko, at kaya nag tatanga-tangahan din ako pagdating sa architecture. Si Cara lang ang nakaka-alam na I finished my degree in Architecture, sya lang. Ayaw ko na itong ipaalam kahit kanino, dahil ayaw kong mag-expect sila sa akin. I've had enough of that in the past.
I tried to design the building, adjustments here and there. It's giving me more headache honestly, pero kahit anong sakit ng ulo tinapos ko pa rin, gusto ko nalang matapos etong project na ito, para wala ng connection kay Levi.
Hindi naman dahil sa ayaw ko kay Levi, I mean he's okay. I haven't met him personally pero I would still feel so embarrassed pag naiisip ko kung anong nangyari sa bar at kung paano ko sya hinalikan. Nakakahiya, Aviana!
I turned off my laptop and put my head down hindi ko na kaya, my head is throbbing. "Ababa! On the way na si Tristan dito." I lifted my head and got up, lumabas ako ng home office at nakita syang nakahiga sa sofa habang kumakain ng nachos. "Hindi kasama si Cara?" Umiling sya habang kumakain pa rin, tumabi ako sa kanya at sinandal ang ulo sa sofa. Okay lang naman siguro kung iidlip ako.
"Man, just stop with the crush thing. It's not good" narinig kong bulong ni Ezekiel, I didn't open my eyes yet, I listened instead, I'm curious. Very curious. "You think hindi ko naisip yan? Sobrang mali." At dahil hindi ko na mapigilan ang pag papanggap na natutulog pa rin ako "Who has a crush on who?" Kita ko yung gulat sa mukha ng dalawang asungot. Kumunot ang noo ko, are they just gonna stare at me? Wait lang, baka naman may tuyong laway ako sa muka kaya ganon?
"W-wala, chismosa ka talaga Aviana. Kahit kailan!" Patuksong sabi ni Tristan sa akin, sinuntok ko sya at hinayaang tumawa lang sa kawalan. Gago talaga. Ako pa itong naging chismosa, sila nga tong nag bubulungan na parang mga babae sa tabi ko.
Tumayo at sa sofa at lilipat na sa kwarto ko "Are you sleeping over, Tristan? Kasi kung oo, aayusin ko yung isa pang guest room." Tinignan nya lang ako ng mabuti, napa kunot tuloy ako "Oo, pero ako na ang mag aayos. Matulog kana."
YOU ARE READING
Chance to fall or walk
Teen FictionCan Aviana still recover from the pain she has endured for the past years, can the past still destroy her, or will she find the will to walk away from the things that can kill her and walk towards that things and people that won't.