Chapter 7

80 3 0
                                    

Nag kwekwentuhan kaming kumakain ng biglang bumukas ang pinto "Mas sasaya na kayo, andito na ako" grand entrance na naman si mokong. Pumasok si Tristan at niyakap kami isa isa at hinalikan sa ulo.

"Baho nyo, maligo kayo, malaki bathroom ni Ezekiel. Pina re-decorate nya yan." Nag hugis-o ang bibig namin ni Cara at tumakbo papuntang toilet nya, at yung nga sobrang ganda, I think I should consider redecorating too.

"Grabe Kiel, ang ganda!" Sabi ni Cara with matching talon pa. Parang bata rin talaga tong isang to. Nag daldalan kami si Cara ang unang naligo, buti nalang at may gamit na kami dito kela Ezekiel. Parang sa bahay naming mag babarkada lahat kami ay may mga gamit sa bahay ng isa't isa. Habang naliligo si Cara, lumapit sakin si Tristan at niyakap ako "Ababa, I've missed you and your baho smell." Kumalas ako sa yakap nya at kinutusan ko sya "Elias. Tigilan mo nga ako, miss ka dyan eh halos mag tatalong buwan ka namin hindi nakita o narinig." He frowned and said "Hindi nyo naman ako hinanap during those times. etong si Ezekiel lang yun nag paparamdam sa akin."

I looked at Ezekiel and he was half smiling, that idiot. "Excuse me, Tristan. Hinanap ka namin kay Kiel pero his response was always "hayaan nyo na yun" "sabay irap ko sa kanya, tumawa yung dalawang gunggong at nag-apir pa. Aba mga abnormal talaga, maisipan talaga "I was practicing my doctorate Ms. Englishera" I nodded and went to Ezekiel's walk in closet to get some clothes.

"Tara bar hopping? Maaga pa naman.." sabi ni Ezekiel

"Let's go. Namiss ko. Puro medicines nalang nasa utak ko dahil sa practise."

"Hep hep hep, walang mag babar hopping. Dito lang tayo sa bahay, maraming sakit na kumakalat ngayon" sabi ni Cara ng padabog na binabagsak ang mga toothbrush sa lamesa ni Ezekiel. Alam ko kung bakit ayaw nyang lumabas, tinatago pa rin nila ako sa ex ko. I didn't need that though, okay na ako, alam kong okay na ako "Wag kang buzzkill Cara. I've missed bar hopping as well, puro rin ako projects sa Mega Magazine. It's tiring. I need to blowoff some steam" sabi ko with my puppy dog eyes and pouted lips.

"Enako, sinasabi ko na sainyo na that's a bad idea." Even if this was the last words she uttered, you can still see her changing from her pj's to her glam dress. That's my best friend over there, go best friend. Madali akong naligo at nag make up, pag labas ko ng banyo, lahat sila ay nakatingin sa akin "Ang tagaaaaaaaaaaaal" reklamo ni Ezekiel, inirapan ko lang sya at nag madaling mag bihis.

Sinuot ko ay cocktail dress, kulay maroon, accessorised with some jewellery pero hindi pa rin complete ang look ko, kaya kinuha ko yung hikaw na bigay sa akin ni Ian na nakatago lang sa aking bag, sinuot ko ito at tumingin sa salamin

"It's been a while.." bulong ko sa sarili ko.

Chance to fall or walkWhere stories live. Discover now