Chapter 1

64 3 2
                                    

   Ako si Bella Alexandria France, 16 years old. 4th year highschool sa Sacred Heart Montessori, Hindi kagandahan pero may mukhang ipagmamalaki. Hindi kami mayaman ng sobra sobra, tama lang. Lagi ako kasama sa honor roll pag dating sa mga academics may pagka pilya lang talaga ko masyado kasi akong curious sa mga bagay ahead me, gusto ko lahat subukan.

Daddy's Girl ako I really love my dad,Honestly! I love my mom also kasi lagi silang nandyan para sakin. hindi ko naranasan kahit saglit na wala akong kakampi o kasama dahil lagi silang andyan para imparamdam sakin kung gaano nila ko kamahal pati na din sa maga kapatid ko. I have two beautiful sisters at mas maganda sila sakin, tanggap ko yun. Hindi pa ko nag kakaron ng boyfriend dahil para sakin love is not real and unfair! Tanging pagmamahal lang ng family mo ang totoo. Nasubukan ko na magmahal pero nabigo ako kaya siguro mas lalo akong di naniwala sa love. Kung sino pa kasi ang mahal mo yun ang di ka mahal pero kung sino pa ang di mo mahal yun naman ang nagmamahal sayo ng sobra. Ang daya diba? kanino ka sasama? Ang hirap diba? maraming nagpapakatanga ng dahil sa apat na letra na yan! 

At hindi inaasahang pagkakataon napabilang nanaman ako sa mga taong yan. Naranasan ko nanaman ang magpakatanaga at masaktan. Maraming tao ang nagbigay ng advice sakin pero ni-isa wala akong pinakinggan. Ganun naman talaga diba? pag nagmahal ka tanga ka? at sarado ang tenga mo para pakinggan sila. Tapos isang araw magigising ka na lang na maling tao pala yung minahal mo dahil hindi ka niya talaga kaya mahalin dahil may mahal siyang iba. Masakit pero kailangan tanggapin.

FIRST DAY OF SCHOOL

First day of school wala pa kong kilala ni-isa dito exept sa mga classmate ko dati na lumipat din dito. Hinatid ako ni Mommy kaya medyo nahihiya pa ko. Sino ba namang highschool ang hinahatid pa ng mommy nila diba? Dumiretso na ko sa gym. Hindi ko mahanap yung line ng section namin, Sa paghahanap ko na hagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo at mukhang hinahanap din ang section niya. Badboy look ang dating at ang gwapo. sobra. Tinitingnan ko lang siya ng narinig ko yung mga teacher na nagsasabi kung saang line ang dapat kabilangan namin. Andaming students na nagka gulo kaya di ko na nakita yung boy na tinitingnan ko. Nakita ko na yung line namin kaya agad akong pumila na. Nakita kong papasok na si Erica, ang classmate ko dati. Close kami pero di kami ganun talaga nagsasama dati.

"Oy Erica! bakit ngayon ka lang?"

"Antagal kasi nung service ko eh!'

"Service? bakit naka service ka?"

"Eh si Mommy eh, wala ng tiwala sakin baka san pa daw ako mag punta at baka alam muna di ko makita ang daan." malabo kasi yung mata niya as in super labo yung tipong kung di mo ilalapit talaga sakanya mahihirapan siyang makita. Nag nod na lang ako bilang sagot ko. Nilibot ko ang mata ko para makita yung mga magiging classmate ko. And 0_o?!!!  nasa line namin yung boy kanina?!! so it means?!! mag classmate kami. Yehey!

"Alex, may ka-close ka na ba?" tanong ni Erica.

"Wala pa nga eh." 

"ok lang yan! first day pa lang naman eh."

"hmmmm. Sabagay!" Di na siya sumagot dahil nag umpisa na magsalita ang vice principal ng school. Unti-unti na din nag papasukan yung iba pang nga students sa gym gahil maguumpisa na daw yung ceremony kaya lahat ay tumayo na ng tuwid at pumila na ng maayos.

Nang matapos na yung ceremony tinatawag lahat ng new students para paakyatin sa stage kaya medyo kabado ko. Andami kayang tao dito. Tatakas sana ko at pupunta na lang sa Cr pero huli na pala ang lahat.

"Bella Alexandria France!" tawag sa pangalan ko, kaya wala na kong nagawa kundi umakyat sa stage.

Pagka akyat ko kinamayan ako ng vice principal at binati ako.

"Welcome to Sacred Heart Montessori." I just smile and join the other student sa may gilid ng stage. Nag patuloy ulit yung vice principal na tumawag pa ulit ng ibang students.

"Francis James Alvarez" Nice name. Ang ganda ng pangalan sana naman ok din ang mukha. May nakita akong lalaki na paakyat ng stage. Tama ba tong nakikita ko?! Siya si Francis James?! Tamang tama sakanya ang name niya dahil ang gwapo niya.

Pagkatapos siya kamayan ng v-principal lumapit siya samin. Napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya nginitian niya ko. OMG! makalaglag panga yung smile niya. Natapos nang tawagin ang section namin kaya bumaba na kami sa stage at bumalik sa pila namin.

  Nang matapos tawagin ang mga new students, pinaliwanag naman yung mga rules at regulations school. Matapos nun pumunta na kami sa classroom namin. Maganda naman, may dalawang aircon and 4 electicfans and isang LCD. Nag pakilala lang yung advicer namin at nag pa break na agad. Kasama ko si Erica pumunta sa canteen para bumili ng foods.

  Matapos namin bumili nakahanap na din kami ng table kaya dun na kami kumain. Habang kumakain na agaw yung atensyon ko yung isang grupo na masayang nag kakainan at nag kukwentuhan. Napa ngiti na lang ako habang tinitignan sila.

"Hi. Ikaw si Alexandria diba?" tanong ng isang girl sakin na kasama sa grupong tinitignan ko kanina.

"Oo. Alex na lang po." 

"Ah. Shaznae nga pala."

"Ah. Nice to meet you"

"Same here."  sagot niya. Humarap na ulit siya sa mga kaibigan niya at nag patuloy sa pagkain. Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa classroom at nagpatuloy sa pagpapakilala ng mga teachers na magiging subject teacher namin.

  Saktong 4 o'clock ng mag pauwi na yung teacher namin. Sabay kami bumaba ni Erica at pumunta sa locker para mailagay yung ibang libro na kinuha ko kanina, nag iwan ako ng ibang libro na pwede ko basahin sa bahay. Pagkatapos ko maglagay sa locker ng gamit nag paalam na ko kay Erica para maka uwi. Pagtingin ko sa labas naghihintay na pala si Manong Dante na sundo ko. Kaya lumabas na ko ng campus at pumunta sa sasakyan. Papunta na ko ng sasakyan ng bigla akong matamaan na nakapagpatapon ng mga libro kong dala at iba pang gamit na bitbit ko. Agad kong pinulot to.

"Alam mo MIss, dapat kasi matuto kang tumingin sa nilalakadan mo!" sigaw sakin at sa boses pa lang nito alam kong lalaki na to. Walangyang to! Siya na nga ang namangga ako pa ang sinisi! kaya pagkatapos ko pulutin yung mga libro kong tumilapon agad ko siyang sinigawan.

"Hoy lalaki! Ikaw na nga tong naka tama tapos ako pa sinisisi mo!" tinitigan ko siya. May itsura to pero sobra namang sama ng ugali! ano akala niya kaya niya ko! pwes nagkakamali siya!

"Miss, hindi naman sa sinisisi kita. peroo...." di ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Anong hindi?! sa pagsasalita mo pa lang eh!" ni hindi man lang niya nga ako tinulungan eh. Hay na ko bastos talaga! Saktong lumapit samin si Manong Dante at tinulungan akong dalhin yung mga gamit ko.

"Miss, pasensya na."

"Sa susunod kasi titingnan mo yung babanggain mo." sagot ko sakanya saka umalis. 

---

-

-

-

-

--

Hi Readers :)))  Sana po mag enjoy kayong basahin tong story ko :)) open po ako for suggestions :)) comment lang po kayo :)) please share and vote <3

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon