Alex POV
Lumabas na kami ni Aj ng bahay nila para ihatid ako. Nakakahiya kay Aj pero wala na kong nagawa nung inutusan siya ni Tita, na-abala pa tuloy siya.
"Aj, pasensya na ah! na abala pa tuloy kita."
"Okay lang yun! ano ka ba! tsaka tama si Mommy baka anu pang mangyari sayo."
"Wow naman! concern ka sakin?"
"Hindi sayo! sa mga masasamang loob na mangre-rape sayo o kaya mang hohold-up sayo! kawawa naman sila!"
"Gago ka nuh! umuwi ka na nga!" naglakad ako ng mabilis para ma una na! ang ayos ayos ng pag te-thankyou ko tapos mam'babadtrip pa! haysss!
"Eto naman joke lang! wag ka na mapikon!" inirapan ko lang siya at patuloy naglkad.
"Uy! sorry na please?" tumakbo siya at hinawakan yung siko ko pero agad kong iniwas yun.
"sige! bahala ka na dyan!" sabi niya at agad naglakad papuntang ibang direksyon. Nagulat ako ng may humarang sakin na aso, di ako makagalaw. Tinahulan ako bigla kaya napa sigaw ako, bigla naman lumapit si Aj at pina alis yung aso.
"Yan na! pwede ka na umuwi!"
"Salamat ah."
"Geh!" paalis na ulit siya ng tinawag ko siya at lumapit sakanya.
"Sorry kanina. Bati na tayo?"
"Para kang bata! hahaha!"
"Wag mo na ko tawanan! tara na!"
"Hahahah! San tayo pupunta?"
"Hatid mo na ko!"
"Ngayon papahatid ka? dami kasi arte eh!"
"Oo na! tara na dali!" naglakad na kami papuntang bahay. Anong oras na kaya paniguradong mapapagalitan ako nito. Wag naman sana.
Tahimik kaming naglalakad ng bigla siya nagsalita at humarap sakin.
"Alex? Pwede magtanong?"
"Oo naman! Ano ba yun?"
"Nagka boyfriend ka na ba?" nabigla ako sa tanong niya kaya tinignan ko siya para makita kung seryoso siya.
"Anong klaseng tanong yan?" ngumiti siya pero makikita mo pa rin sa mukha niya na gusto niya talaga malaman yung sagot sa tanong niya.
"Sagutin mo na lang."
"Ok. Nagkaron na."
"Oh? hanggang ngayon?"
"Wala na. Nakakatamad kasi eh."
"Hahahah! Nakakatamad? ano bang nangyari?"
"Oo nakakatamad! Wala di nag work. Puro kasi siya salita kulang naman sa gawa! walang effort! nakakatamad! kaya pagkatapos nun sinabi ko na di na muna ko makikipag relasyon ulet."
"I understand. Marami ngang ganyang lalaki pero di lahat."
"Sus! pare-parehas lang sila! isa lang talaga ang hindi, yung daddy kong tapat magmahal sa mommy ko."
"Di lahat! meron pa ring lalaking tapat at kuntento. So, meron ka bang natitipuan ngayon?"
"Meron."
"Pwede ba malaman kung sino?"
"Hindi eh! hahaha! osige na nandito na tayo! salamat sa paghatid ah! ingat ka!"
"Sige. salamat sa pagpunta sa bahay."
"Sige." pumasok na ko sa bahay pagka-alis ni Aj. Masaya siyang kasama lalo na ng mommy niya.
Pagka pasok ko nakita ko si Daddy na nag aayos ng damit, kaya nilapitan ko siya.
"Hi Dad."
"Hello. Bakit ngayon ka lang?"
"Eh kasi po napa sarap yung kwentuhan namin ng classmate ko eh."
"Ah. Wag ka masyado nag papagabi ha? marami ng masamang loob dyan!"
"Opo. Sorry."
"It's okay. by the way, may tumawag kanina. Ikaw ang hinahanap."
"Ako po? sino daw?"
"Oo ikaw daw. Francis daw ang pangalan eh. Who is he?" tumawag si Francis? bakit di na lang sa phone ko? ano kayang kailangan niya? papasok na kaya yun bukas? hmmm.
"Really? ano sabi daddy? tatawag daw ba ulit?"
"I don't know. Your not answering my question, sino yun?"
"classmate ko po."
"Classmate? eh bakit ka ganon mag react?"
"Antagal na po kasi niyang absent eh."
"Sus. Sige na, go to bed! anong oras na."
"Sige po. Good night po. Ay oo nga pala! san ka po pala pupunta?"
"May ta-trabahuhin lang si Daddy out of town kasama si Mommy. kaya be good ha?"
"Yes. I will. I love you dad."
"I love you too my princess." kiniss niya ko sa may forehead ko. Naglakad na ko papunta sa room ko at nagshower sandali at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??