Chapter 20

16 0 0
                                    

Alex POV

  Pagka aalis ni Francis pumunta ko sa may sala para manuod ng TV. Pinatong ko yung paa ko sa may center table dahil ang sakit ng paa ko, siguro nabigla sa pag takbo ko kanina. Matagal na din nung huling nag training ako kaya siguro ang dali kong mapagod. Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si ate. Tahimik lang ako at di ko siya tinitignan, nakaka bingi ang katihimikan pero di pa din ako nagsasalita at tutok pa din ang mga mata ko sa pinanunuod ko.

"Boyfriend mo ba siya?" pambabasag niya ng katahimikan.

"Baket mo tinatanong?" sabi ko na di pa din tumitingin sakanya.

"Wala lang. so, boyfriend mo siya?"

"Bakit? Aagawin mo din?" sarcastic kong tanong tsaka tumayo at naglakad papuntang kwarto ko. Padabog kong sinara yung pintuan ko sa kwarto at umupo sa kama tsaka binato yung unan ko at mga gamit na nakikita ko! Naalala ko nanaman yung ginawa niya! siya lahat ng dahilan kung bakit malayo yung loob ko sakanya! bwiset siya!

Nabalik ako sa realidad ng marinig kong nag riring yung phone ko. Agad ko tong sinagot ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

[Hello?!]

"Oh Shaz, bakit napatawag ka?"

[Tambay daw lahat ng TP bukas! sumama ka ha! Tangina mo! hindi pwedeng hindi sasama!] Kailangan may mura pa? lakas talaga ng tama nito. Parang sira ulo.

"Ah oo sige. Pag iisipan ko."

[Taena mo! bakit pag iisipan pa?! may date nanaman kayo ni Francis ano?]

"Lul! Date ka dyan!"

[Wag nga ako Bezt! Sige na! basta bukas ha?! walang mawawala! sa SC tayo!]

"Oo na!"

[Ok. Bye.]

"Bye." binaba ko na yung phone ko. Paano naman niya nalaman na lalabas kami ni Francis bukas? Alam kaya ng barkada to?! sinasabi kaya ni Francis to sakanila? Parang alam ko na mangyayari bukas ah! hay na ko! itetext ko na nga lang siya.

To: SHM'Francis<3

       Nag yaya si Shaz bukas, kasama daw ang barkada. Sasama ka ba?

Pagkatapos ko siyang itext pumunta na ko ng Cr para mag shower.

Pagkalabas ko ng banyo tiningnan ko agad yung cellphone ko at nakita kong nagtext na si Francis.

From: SHM'Francis

      Yup. I'll pick you up tom, ok? next time na lang yung dapat na pupuntahan naten bukas.

Hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong nag init ang mukha ko at kinilig bigla.

To: SHM'Francis

     Ok. What time mo ko susunduin?

wala pang isang minuto ng magreply ulit siya.

From: SHM'Francis

     Mga 2 pm. Be ready ha? sige na matulog ka na ;)) Good night ;** Salamat ulit kanina.

Matapos kong mabasa yung text niya nahuli ko na lang ang sarili kong nakangiti. Hindi na ko nagreply ulit. Natulog na lang ako para ready ako bukas.

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon