Francis POV
Pagkahatid ko kay Alex sa bahay nila naka hinga na ko ng maluwag dahil sa pag amin ko kanina. Kinabahan talaga ko ng sobra buti na lang pumayag siyang pumunta ko sa bahay nila bukas.
Nakarating agad ako sa bahay. Nag doorbell ako at pinapasok naman agad ako. Pagkapasok ko wala pa rin ang mga magulang ko di na ata uuwi ang mga yon! Di na nila naisip na may anak silang naiwan dito! puro sila negosyo! Nakaka bwiset talaga!
Dumiretso ko sa banyo para mag shower. Buti na lang nakilala ko si Alex, siya ang nagpapasaya saakin ngayon. Di ko makalimutan ang mga ngiti niya habang naglalakad kami kanina sa Mall yung mga ngiting yung nagpapangiti din sakin. Di ko maiwasang mapangiti habang nagbibihis. Sana lagi kaming ganito.
Nagising ako ng maaga dahil sa ingay na naririnig ko sa baba ng kwarto ko kaya bumangon na ko at naligo. Bumaba ako para makakain na dahil mag aayos pa ko para makapunta sa bahay nila Alex.
Pagkababa ko sa sala nakita ko ang dalawang malalaking maleta na nakalagay sa tabi ng center table. Sino na naman kaya ang dumating?
"Good morning Francis. I miss you son, Andaming ko dala para sa-" di ko na pinatapos si mommy dahil inis ko! pumunta agad ako sa kusina at kumain.
"Anak, andaming binili ng daddy mong sapatos sayo! kamusta ka na ba? lalo kang gumagwapo anak ko ah! may girlfriend ka na ba?" nakakarindi talaga ang boses niya! Ansakit na ng ulo ko!
"Kelan ba ulit kayo aalis?" walang ganang tanong ko.
"kakadating palang namin hijo, bakit yan agad ang tinatanong mo?" tanong ni dad na kakapasok lang dito sa kusina. Di ko siya sinagot at diretso lang sa pagkain. Umupo na din silang dalawa at sinabayan ako. Puro sila kwentuhan tungkol sa mga negosyo nila! parang ngayon lang sila nagkita kung makapag usap! andami nilang tanong sakin pero ni isa wala akong sinagot. Pagkatapos kong kumain tumayo ako at naglakad pa puntang kwarto ko ng tawagin ako ni mommy.
"Anak, andyan lahat ng mga damit, sapatos at mga pabangong gusto mo. Binili ko lahat yan para sayo."
"Marami akong damit! di ko kailangan niyan!" dumiretso ako sa kwarto at umupo sa kama. Naiinis talaga ko! bakit ba kailangan pa nilang umuwi dito?! eh mas kailangan naman sila ng mahal nilang negosyo!! Di na ko masi-sise kung ganito ko sakanila! malayo ang loob dahil sila mismo ang nagturo sakin nun! Lumaki ako na puro maids lang ang kasama dahil lagi silang nangingibang bansa para sa lintek na negosyo yan! Sa tuwing may family day sa school laging ako lang ang walang magulang! kaya galit na galit ako sakanila at sa mga negosyo nila! dahil kundi dahil sa lintik na negosyo yan! Edi sana may masayang pamilya ako ngayon! inagawan nila ko ng magulang! kaya tinatak ko sa isip ko na magkakaron ako ng masayang pamilya at kahit wala pa kaming makain basta sama sama kami at masaya ding di ko sila iiwan at ipag papalit sa pera!
Nang dahil sa inis nabato ko yung alarm clock na nasa side table ko. Gusto ko na pumunta kila Alex para mabawasan tong inis at badtrip ko! Nagpalit ako ng damit at bumababa na ng kwarto, tinatanong ako ni Mommy kung san ako pupunta pero di ko siya pinansin at sumakay ng kotse ko.
Mabilis akong nakarating sa bahay nila Alex. Bumaba na ko at nag doorbell at wala pang isang minuto binuksan na niya yung gate nila. Natulala ako sa nakita ko dahil sa sobra niyang ganda nagising ako sa realidad ng napansin kong natulala din siya sakin. Kiniss ko siya sa pisngi bigla naman siyang nabigla na para bang nagising natawa ako sa itsura niya kaya inasar ko siya.
"Miss me?" pangaasar kn habang naka ngiti ng nakaka loko.
"Kapal mo!" pumasok na kami at dumiretso sa may garden. Dumating yung Yaya niya para magbigay ng meryenda samin ni Alex.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??