Kumatok siya sa may main door at agad ko naman tong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto sumalubong ang isang magandang mukha sakin ng isang babae na dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon ng sobra.
"Pano mo nalaman na nandito ko?"
"Alam kong pag may problema ka dito ka nag stay." pagka sabi niya nun agad akong umiwas ng tingin dahil nasasaktan pa din ako ng sobra sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kahapon.
"Anong kailangan mo?" sabi ko habang nakatingin pa din sa ibang direksyon.
"I'm here to say sorry. Sorry kung nasaktan kita, I just don't love you anymore pero ayokong masaktan ka pagsinabi ko sayo na meron na kong iba."
"Ayaw mo ko masaktan?!! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ngayon yung nararamdaman ko dahil sa nakita ko yung pinaka mamahal kong babae na nakikipag halikan sa ibang lalaki!!! tangina! ang sakit sakit! Gusto ko siyang patayin!!!!"
"Tama na Aj please?! I'm so sorry! Mahal ko si Kris, masaya ko sakanya. Ikaw din sana mahanap mo yung babaeng para sayo. Sorry."
"Hindi mo na ba talaga ko kamahal? ganito mo na lang ba ko iiwan?! mahal na mahal kita Rhica!" hindi ko na mapigilang hindi umiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko lahat ibuhos lahat ng galit at sakin!
"Sorry. Kung talagang mahal mn ko papalayain mo ko. Hahayaan mo kong maging masaya kasama ng lalaking minamahal ko."
"Hindi ko kaya ng wala ka! Mahal kita ng sobra para palayain ka! please, I'm begging you. Please don't go."
"I'm sorry Aj." naglakad na siya palabas ng resthouse ng bigla ko siyang hawakan sa kamay at napa luhod.
"Rhica, Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na!!!!" dun ko binuhos lahat ng iyak ko at sakit na nararamdaman ko. Iniyak na din niya yung kanina pa niya pinipigilang luha niya.
Bumitiw siya sa hawak ko at nag madaling sumakay sa kotse habang ako, iniwanan niyang nakaluhod at umiiyak.
Matapos nang nangyari di na naging magkaibigan si Ate at Rhica dahil sa ginawa ni Rhica sakin. Ilang buwan akong di lumalabas ng kwarto nun at inom lang ng inom ng isang araw nagising ako at sinabi ko sa sarili ko na 'It's time to move on and it's time to open a new chapter of my life.'
End Of Flash Back.
Bumalik ako sa realidad ng marinig kong tumunog ang phone ko. Nang makita ko nagtext si Francis.
To: TP'Aj
Pre, papasok na ko bukas laro tayo ah.
Buti naman at na-isipan niyang pumasok ulit. Di na ko nagreply dahil sa pagod ko kaya tinabi ko na lang sa side table yung phone ko at natulog na.
Nagising ako ng maaga dahil sa maingay na alarm clock ko. Bumangon na ko at nag ayos para maka pasok na.
Nang naka bihis na ko kinuha ko yung bag at bola ko dahil mag lalaro daw kami ni Francis. Tsaka ako lumabas ng kwarto. Tinext ko si Alex baka di pa kasi gising yun.
To: SHM'Alex
Good Morning ;))) Bangon na!
Pagkatapos ko siyang itext sumakay na ko sa motor ko at pumunta sa school.
Alex POV
Nagising ako sa phone ko dahil may nagtext, ang haba pa naman ng tunog nun. Tingnan ko to, at nakita kong nagtext si Aj.
From: SHM'Aj ;))
Good Morning ;))) Bangon na!
Ano kayang trip nito at ang aga mambulabog. Di ko na replyan at bumangon na. Dumiretso ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo at magbihis lumabas na ko ng kwarto para makita kung naka alis na ba sila Daddy. Nakita ko si yaya kaya agad kong tinanong.
"GoodMorning Yah. Naka alis na po ba sila Daddy?"
"Good Morning din Hija. Oo kanina pa, nagiwan siya ng pera sa account niyo para daw extra."
"Ah salamat po." naglakad na ko papuntang kitchen ng magsalita ulit si yaya.
"Hija, umalis na yung dalawang kapatid mo ha? may aasikasuhin daw kasi yung ate mo."
"Ah sige po." kumain na ko ng breakfast ko. Pagkatapos ko kumain sumakay agad ako sa kotse para ihatid ako dahil late na ko.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??