AJ POV
Kanina pa ko hindi mapakali dahil sa kakaisip ko kay Alex kaya naisipan kong tawagan na lang siya. "Pero anong idadahilan ko? itatanong ko kung may assignment?! hindi alam niyang di ako gumagawa nun! Pwede tambayan? oo tama! kung san pwede tumambay dahil wala ako magawa dito sa bahay. Ang galing ko talaga! " ano ba to! para kong baliw kinukausap ko na yung sarili ko! Ngayon alam niyo na kung anong nagagawa sakin pag iniisip ko si Alex. Kinuha ko ang phone ko at i-denial ko na ang number ni Alex. Matapos ng 5 rings sinagot na din niya.
[Hello?]
"Hello? Alex?"
[Oh? Napatawag ka?]
"Ahm.Tatanong ko lang kung busy ka? gusto ko kasi tumambay eh. Baka pwede pa tambay?"
[Ay Aj! Wrong timing ka. Asa ATC ako eh. Kasama ko si Francis. Sorry.]
"Ah ganun ba? ok lang. Anong ginagawa niyo dyan?"
[Nanuod lang ng movie.]
"Ah sige. Enjoy na lang."
[Sige. Next time na lang?]
"Sige. Bye."
[Bye] magkasama sila ni Francis? Bakit nakakaramdam ako ng inis? Ano ba to?! Gusto ko na ba siya?! Tangina naman! nababaliw na ata ako! Pinatong ko yung phone ko sa may center table at pumunta sa may garden. Pinikit ko ang mata ko para makapag relax sandali sa dami ng iniisip ko.
"Thinking of her?" minulat ko ang mata ko at nakita ko si ateng nakaupo sa may upuan sa harap ko.
"Sinong her?" nagkunwari akong di na ko alam yung tinutukoy niya.
"Alex. Are you thinking of her?"
"Yes. She's driving me crazy! and I don't know why."
"Because you like her but you keep on denying."
"Paano ko ba masasabing I like her na?"
"Tulad niyan. Siya ang laman ng isip mo. Kanina kinakausap mo na ang sarili mo dahil sa pagiisip kung anong idadahilan mo para makausap siya." nakita pa niya yung kabaliwan kong ginagawa ko kanina. Nakakahiya!
"Enough na ba yun para mapatunayan kong I like her na?"
"No. Basta you'll feel it by your heart." napa isip ako sa sinabi ni ate. Tama siya ako lang makaka alam ng nararamdaman ko para kay Alex. Tumayo si ate tsaka ginulo ang buhok ko at umalis. Naiwan ako sa sala na nagiisip.
Na-isip kong pumunta sa bahay nila bukas at yayain siyang gumala tutal sabado naman bukas siguradong walang gagawin yun. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto naisipan kong mag open sa facebook. Matagal tagal na din di ako nakakapag open dahil sa sobrang busy. Na open ko na ang FB ko andaming requests pero di na ko nag abalang tignan pa ito. Ilang minuto pa at dinapuan na ko ng antok kakatingin sa mga pictures ni Alex. Ang ganda talaga niya. Bago ako mag offline nag post muna ko.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??