Alex POV
5 o'clock ng magingay ang alarm clock sa kwarto ko padamog ko itong pintay at natulog ulit pero kasunod nun ang pagkatok ni yaya.
"Alex? Iha, bumangon ka na at baka tanghaliin ka!"
"Opo babangon na!" pinikit ko ulit ang mata ko at natulog. Sobrang inaantok pa ko pwede bang wag muna ko pumasok. kumatok ulit si yaya pero di ko na siya sinagot, kinuha ko yung unan ko at tinakip sa mukha ko at natulog ulet.
"Alex! Di ka pa ba tatayo dyan? kanina ka pa tinatawag ni yaya! pag ako pumasok dyan kukuhanin ko lahat ng gadgets mo!" agad akong bumangon at pumunta sa banyo ng kwarto ko para maligo. Pagkatapos ko maligo nagbihis agad ako ng uniform at lumabas ng kwarto ko without combing my hair.
Pag kapasok ko sa kusina andun na silang lahat at kumakain.
"Good Morning!" masaya kong bati sakanila habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Good Morning Darling, hindi ka pa tatayo kung di pa sinabi ng mommy mo na kukuhanan ka niya ng gadgets ah! hahaha!"
"Daddy naman! nang asar pa!" nakasimangot kong sabi. Kumuha na ko ng pagkain at tahimik na kumain.
"What took you so long to stay on your room without combing your hair?" sabi ni ate na naka taas pa ang kilay.
"It's none of your bussiness." maanghang kong sabi. Bakit ba kasi lahat na lang napapansin niya? naiinggit ba siya? tss.
"You should learn how to fix yourself. Kaya walang nanliligaw sayo eh, di ka kasi nag aayos."
"Well, I don't need them. Di naman dun nasusukat ang kagandahan ng isang tao eh." I said without looking her. Igaya pa niya ko sakanya na mukha na siyang manikang galing Japan dahil sa mga make up na nilalagay niya.
"That's enough! Alex is right! hindi niya kailangan ng madaming manliligaw para lang masabing maganda siya. ok?" sabi ni Mommy habang nakatitig kay Ate. Ganyan kami ni Ate hindi kami lagi nagkakasundo dahil sa pagiging pakielamera niya. Natapos na ko kumain kaya agad na kong tumayo.
"I have to go. Baka malate pa ko" pumunta ko kay Daddy and give a goodbye kiss, dumiretso ko sa kotse namin para maihatid na ko ni Manong Dante.
Pagkadating ko sa School marami-rami na ding mga estudyante ang pagala-gala sa field. Dumiretso ako sa locker para kunin yung mga libro ko. Pagka-kuha ko lalabas na sana ko ng locker room ng makasalubong ko si? Si Ingrid!
"Hi. You are Alexandria right?"
"Uhm. Yes, Why?"
"Ah. I just want to inform you that volleyball is open for try out. You should come, kailangan kasi namin ng matatangkad katulad mo eh."
"Umm.. I'll think about it. Medyo busy pa kasi ako eh."
"I see . I hope you'll join sayang kasi eh. Sige, bye." dumiretso na siya sa locker niya. Lumabas na ko sa locker room at pumunta sa classroom, nandun na sila Martha at Rovee na busy sa pagbabasa ng pocketbook.
"Good Morning Girls." sabi ko while smiling. Nag smile din sila at bumalik sa binabasa nila, pumunta na ko sa upuan ko at inayos yung gamit ko.
"By the way, kamusta yung date niyo ni Francis?" sabi niya habang tinatago yung pocketbook niya at humarap sakin.
"Are you crazy? we're not dating. sinamahan ko lang siya lastnight."
"Kunwari ka pa eh!" sabi ni Rovee na tinago na din yung book niya at nakisali kay Martha sa pang aasar sakin.
"Promise. Hindi nga!"
"Weh?" parehas nilang sabi. Oh god! pinag tutulungan po nila ko, ang bad nila! ayaw nila maniwala!
"Ayaw niyo maniwala? Edi wag!"
"Galit ka na niyan?" hindi ko sila sinagot. Nagbasa na lang ako ng mga tweets sa twitter. A few minutes, dumating na din ang iba pang TP (Tropang Potchie) kaya biglang umingay. Lumapit sakin si Shaznae.
"Hi Babe! Kamusta date niyo?"
"Hindi nga kami nag date! ang kulet niyo!"
"Woah! Easy lang Alex, halatang defensive ka! hahahaha!" sabi ni Jake na nakapag patawa sa buong TP, andami nila isa lang ako talagang di na ko mananalo sakanila.
Nag bell na kaya dapat bumaba na kami pero saktong dumating na si Francis, lalabas na sana ko ng sabihin niyang hintayin ko daw siya kaya pina-una ko na sila Rina.
"Ano? Kamusta ka na?" tanong ko habang naglalakad na kami pababa.
"Di pa din kami nakakapag usap eh. Nag handa lang ako kagabi para pagtinanong ko siya ngayon handa na ko tanggapin."
"Tama yan. Basta kung ano isagot niya dapat tanggapin mo ah. Andito lang ako ha?"
"Salamat ah!" inakbayan niya ko hanggang makarating sa gym. Di na dapat ako kinikilig kasi alam kong wala lang sakanya yun pero I can't help it talagang di ko kaya pigilan.
Natapos na yung ceremony kaya bumalik na kami sa classroom, lahat kami nag iingay exept kay Francis siguro iniisip pa rin niya yung kagabi.Nagulat ako ng dalin niya yung bag niya at lumabas ng classroom di napansin siguro nila Allison na umalis siya. Susundan ko dapat siya pero naisip kong baka kakausapin na niya si Ingrid. kailangan nila ng privacy kaya di na ko tumuloy.
Francis POV
Nasa classroom ako nung naisipan kong kausapin na si Ingrid dahil mamaya pa naman ang time nun malamang naka tambay lang yun sa may garden. Lumabas ako ng classroom ng walang nakakapansin sakin, Okay na din yun dahil magtatanong lang yung mga yun pag nakita pa ko.
Nasa may garden na ko ng makita ko si Ingrid na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya. Napansin niya sigurong naka tingin ako sakanya kaya lumapit siya agad.
"Francis? Is there something wrong?" hinawakan niya yung pisngi ko pero agad ko yung tinanggal. Alam kong dapat di ako umarte ng ganito dahil wala naman kaming relasyon pero masisi ba niya ko kung nasasaktan ako sa nakita ko kagabi?
"Sino yung kasama mo kagabi?" diretso kong tanong sakanya halatang nagulat sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomansaAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??