Chapter 17

20 1 0
                                    

Francis POV

    Pagkasakay ni Alex sa kotse nila pumasok ulit ako sa SC para makuha yung gamit ko. Nagpaalam ako sa TP na may kailangan pa kong gawin. Pumayag naman sila at pinaalala pa sakin yung birthday ni Allison.

Sumakay na ko sa motor ko at nagsimulang patakbuhin. Naalala ko nanaman yung ginawa kong paghawak sa kamay niya at paghalik sa pisngi niya bago siya umalis. Sana wag siyang mailang sakin. Di ko makalimutan yun. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano ba naman to?! Gusto ko na ba siya?! Ang gulo!

Nakarating ako ng bahay ng walang pinapansin dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa may garahe ng maisipan kong dalin yung kotse ko para mas matagal ko makasama si Alex at mahahatid ko pa siya. Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito papunta kila Alex.

After 10 minutes nakarating na ko sa bahay nila Alex. Bumaba ako para mag doorbell pero napansin kong bukas ang gate kaya pumasok na ko. Kumatok ako sa may pinto at wala pang isang minuto pinagbuksan niya na ko ng pinto. Muntikan na ko matulala dahil sa ganda niya pero mas natulala pa siya sakin kaya biniro ko na lang siya.

"Ganon ba ko ka gwapo para matulala ka?" kinurot ko yung ilong niya na ikina inis naman niya. Ang cute talaga magalit ng babaeng to.

"Kapal ng mukha mo! Tara na nga!" naglakad siya palabas ng gate ng mapansin niyang may naka park na kotse sa tapat ng bahay nila.

"Sayo ba to?"

"Yup! Maganda ba?"

"May lisensya ka ba? pano pag mahuli tayo?"

"Easy lang. Meron akong lisensya student nga lang pero kaya yan! ayaw ko naman na mag taxi tayo nuh." Andaming dada eh! hahahah! umikot ako sa may kinatatayuan niya para mapagbuksan siya ng pinto. Nang makasakay siya sumakay na din ako at nag simula mag drive.

Nakarating agad kami sa may ATC dahil walang traffic. Ako ang unang bumaba ng kotse para mapagbuksan siya ng pinto. Pagkababa niya hinawakan niya yung noo ko na para bang tinitingnan kung may lagnat ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinitignan ko lang kung may lagnat ka dahil sobrang gentleman mo ngayon!"

"Hahahah! Sira ka talaga!" kinurot ko ulit yung ilong niya tsaka kami naglakad papasok sa mall. Hindi naman karamihan ang tao ngayon. Dumiretso kami sa Movie house at namili ng movie na pwede panoorin.

Now Showing!!

Pano na kaya

Kung Fu Panda

Dora The Movie

Nagkatinginan kami dahil di namin alam kung ano ang papanuorin namin kaya tinanong ko na lang siya.

"So, Anong gusto mo dyan?"

"Ahm. Kahit ano?"

"Sige na. Pumili ka na, kahit ano yan ok lang sakin."

"Ok. I'll choose this 'Pano na kaya'."

"Are you sure?"

"Ok lang ba sayo?"

"Oo naman. Tara bili na tayo ng ticket." Pumunta kami sa bilihan ng ticket. Nilabas niya yung wallet niya at nag abot sakin ng pera.

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon