Chapter 8

24 0 0
                                    

Alex POV

   Pumasok ako ng maaga dahil nagbabaka-sakali akong pumasok na si Francis. Miss na miss ko na siya at sobra na kong nag-aalala sakanya dahil di man lang siya nagte-text o kaya tumatawag. Ano na kaya nangyari dun? hayyyy!

Sabay sabay kami kumain ng TP. Masaya naman kaya lang talagang kulang. Nagbago na yung pakikitungo sakin ni Aj, feeling ko nga may nakaing ewan toh kaya ganito ka-bait sakin eh. Binilan niya ko ng pagkain kaya umupo na lang ako sa may table namin nandun sila Rina at nagku-kwentuhan.

"Ano nanaman chika dyan?!" tanong ko sakanila habang kumukuha ng chips na kinakain nila.

"Yung sainyo ni Aj." sabi ni Jester na parang kinikilig pa.

"Ano ba kayo? magkaibigan lang kami." depensa ko sabay irap.

"Para sayo. Eh siya kaya?" sabi ni Jake na pahina ng pahina yung boses niya kaya di ko siya masyado naintindihan.

"May sinasabi ka?"

"wala!" tignan mo tong lalaking to wala daw pero may sinabi. Mababaliw na talaga ko sa mga kaibigang kong to.

Lumapit na si Aj sakin at binigay yung pagkain ko at tumabi sakin.

"Oo nga pala Alex! May assignment pala tayo sa Electives, pwede mo ba kong tulungan?" Si Aj? gumagawa ng assignment?! akala ko tamad magaral to! hindi pala!

"Osge. yun lang naman pala eh."

"Tsaka i-explain mo na din sakin yung ni-lecture ni Ma'am kanina di ko kasi naintindihan eh." yung totoo? gusto ba niya ko gawing tuitor? di pa niya sinabing ako na lang naging teacher niya!

"Yung totoo gusto mo ko maging tuitor?" sabi ko na nagpatawa kila Shaznae.

"Pwede din. Ayaw mo ba?"

"Pwede naman kaso may bayad!"

"Ano naman yun?!"

"Gusto ko every turo ako sayo bibigyan mo ko ng Ferrero!"

"Deal!" mabilis na sabi niya. Okay gusto ko to maraming chocolates! heaven!

"Susunduin kita mamaya ah!" sabi niya na nakapag patigil sakin kumain. Bakit sa bahay nila?! pwede naman samin na lang!

"Bakit sa bahay niyo pa? pwede naman samin!"

"Wag ka sumigaw! masakit sa tenga!" mataray na sabi niya sakin kaya napatingin ako sa mga tao sa canteen na nakatingin sakin. Ganun ba kalakas ang boses ko?

"Eh bakit kasi sa bahay niyo?"

"Basta dun." Fine! hay na ko! tinapos ko yung pagkain ko at nilagay yung tray ko sa lalagyan. Ayaw pa nga ni Aj dahil siya na daw ang maglalagay pero sabi ko hindi na. Sabay sabay kaming pumasok sa classroom to attend our next class.

Natapos yung napaka boring na klase matanda na kasi yung nagtuturo kaya feeling ko binabasahan lang niya ko ng story kaya gusto ko na lang pumikit aj matulog.

Tapos na yung lahat ng class namin kaya bumababa na agad kami para mag-iwan ng gamit sa locker. Mag iisang linggo nang di pumapasok si Francis, pag tumatawag naman ako sakanya laging nakapatay yung cellphone niya. Na mimiss ko na siya, yung kakulitan niya at kadaldalan niya sana sa Monday pumasok yung mokong na yun!

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon