Francis POV
Naisipan ko ng pumasok dahil mahigit isang linggo na ko di pumapasok at pag nalaman yun ni Mommy patay na naman ako. Tinext ko si Aj para magdala ng bola para makapag laro kami. Sinubukan kong tawagan si Alex pero wala siya sa bahay nila nung tumawag ako.
Nag stay ako dito sa resthouse namin sa Laguna para makapag isip at makalimot pero sobrang hirap dahil hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Nakaka gago tong sitwasyon ko. Umuwi na ko kagabi sa Manila para makapag handa na para sa pag pasok ko bukas.
Natutulog ako ng may kumatok sa may pintuan ng kwarto ko.
"Sino yan??!"
"Sir, Anong oras na po baka ma-late po kayo!"
"Oo! babangon na!" bumangon na ko at pumunta sa banyo ng makita ko ang sarili ko sa salamin ang itsura ko. May highlights na pula ang buhok ko at may hikaw sa isang tenga bumagay naman pala sakin eh. Napa ngiti na lang ako sa sarili ko at pumasok sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo at mag bihis dumiretso ako sa bagong bili kong motor at pina andar ko to papuntang school.
Pinarada ko yung motor ko sa may parking ng mga motor. Nakita ko si Alex na ka-baba lang ng kotse niya kaya tumakbo ako at tinakpan ang mata niya.
"Sino to?" tanong niya habang kinakapa yung kamay ko.
"Hulaan mo."
"Aj ha! Tama na!" ka boses ko ba si Aj? at saka kelan pa sila nagkasundo?
"Hindi ako si Aj!"
"Eh sino ka?" tinanggal ko na yung kamay ko at inakbayan ko siya.
"Nakakatampo ka naman nawala lang ako saglit kinalimutan mo na ko!" halatang nagulat siya na makita ko. Kinurot ko yung pisngi niya.
"Gago ka ba? nawala ng sandali?! eh ang tagal tagal mo na wala! Tapos yang itsura mo?! mukha kang adik! di bagay sayo!" Nakakarindi talaga boses nito ni Alex akala mo ang layo layo ng kausap tsaka hindi daw bagay sakin yung buhok ko? hello andami dami ngang nagagandahan.
"Anong di bagay? eh ang gwapo gwapo ko nga!" sabay pogi sign.
"Kapal ng mukha mo!" nagpatuloy kami sa paglalakad ng mapansin niya na andaming tumitinging babae sakin.
'OMG! Si Francis ba yun? shet! ang gwapo.'
'Shet! Oo nga! Bagay sakanya yung hair niya!"
Napatingin kami sa mga babaeng nag bubulungan ng biglang magsalita si Alex.
"Mga babae talaga ngayon! walang taste!" napatawa na lang ako sa sinabi niya. Namiss ko talaga tong babae na to!
Kumuha lang kami sandali sa locker at dumiretso na sa classroom. Nasa isang sulok ang TP at nagkukwentuhan.
"Mga pre! Namiss niyo ba ko?" sabi ko habang palapit sakanila. Tingnan ko si Alex na umiiling iling na lang napa ngiti na lang ako.
"Langya Francis! Buhay ka pa pala!" sigaw ni Shaznae sakin sabay batok.
"Ano ba! Nagugulo yung buhok ko!" pang aasar ko kay Shaznae.
"Pakyou! Magulo ka dyan! eh sobra ngang tigas!" napatawa kami dahil sa sinabi ni Shazna napatigil lang kami ng dumating na yung teacher naming si Ms.Cruz.
Pagka pasok na pagkapasok nito tumingin agad siya sakin.
"Oh Mr.Alvarez! Your back! Kamusta naman ang maagang bakasyon mo?"
"Ok naman ma'am. Minsan sasama kita para ma feel mo din!" Tumawa ang buong klase na dahilan ng pagka badtrip ni Ms.Cruz.
"Anong nakakatawa?! Magsitigil kayo!" tumahik kami kaya nag simula na siyang magturo kahit wala namang nakikinig sakanya. Tingin ako ng tingin sa wrist watch ko para makita kung anong oras na para maka alis na tong punggok kong teacher.
At sa wakas! Nagbell na. Lumabas na si Ma'am kaya naman bumalik ang ingay ng klase. Wala daw yung next teacher namin dahil absent. Ewan ko ba kung bakit ngayong friday pa ko pumasok! sana pala sinakto ko ng 2 weeks ang pag absent ko.
Tinitingnan ko yung mga classmate kong nagkukwentuhan, naglalandian, nagliligawan, nagbabasa, nagfle-flames at natutulog at kasama sa natutulog si Alex. Natuwa ako sakanya dahil napaka payapa niya matulog, kinuha ko yung phone ko at kinuhaan siya ng picture.
"Hoy Francis! Iba na yan ah! May gusto ka ba kay Alex?" sabi ni Martha na nakikitingin sa phone ko.
"Pinicturan lang gusto na agad?!"
"Sus! Kunwari ka pa eh!"
"Tigilan mo nga ako Marts! Batukan kita eh!"
"Nyenyenxejtdwgjmjmd!" bumubulong bulong siya umupo ulit sa upuan niya. Napaka isip bata talaga.
Tinitigan ko ulit si Alex habang natutulog. Ang ganda ng mata dahil sa maha-haba niyang eyelashes at magandang kilay. Parang pag tulog siya para siyang napaka hinhin na babae pero pag gising daig pa ang sirena ng ambulansya kung mag ingay! Sana lagi na lang tulog to.
Bigla siyang gumalaw at bigla ding bumukas ang mata niya kaya agad kong kinuha yung libro ko para kunwari nagbabasa ako.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomansaAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??