Alex POV
Pinagbuksan agad ako ng pinto ni Yaya. Feeling ko anytime babagsak ako dahil sa sobrang hilo. Ewan ko ba kung bakit ako nag kaganito eh ang ayos ayos ko naman kanina.
Pagka pasok ko walang tao sa sala kaya umakyat na agad ako para makapag pahinga sa kwarto ko.
Pagka pasok ko sa kwarto agad hinanap ng mata ko ang cellphone ko dahil baka naman nagtext si Francis dahil hindi siya sumama kanina. Ilang araw na siyang di nagpaparamdm, di naman siya ganito dati. Dati magtetext agad siya at tatawag pa, pero ngayon kahit blangko wala man lang!
Lalo akong nang hina ng makita kong walang text si Francis sakin. Ano ba nangyari dun? tawagan ko kaya. nag aalala na talaga ko eh. Tinawagan ko siya pero cannot be reached kaya tinurn off ko na lang ang cellphone ko tsaka nag pahinga.
Nagising ako ng lamig na lamig kahit naka turn off naman ang aircon ng kwarto ko. Tatayo na sana ko pero bigla akong nahilo, bigla na lang akong nasuka. Buti na lang at sa sahig at hindi sa kama ko. Pinilit kong abutin ang cellphone ko para makatawag sa landline sa baba pero talagang di ko kaya, nabagsak ko ang mga frames na naka patong sa side table na nakagawa ng malakas na ingay. Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito si Yaya.
"Jusko Alex! Anong nangyari? Teka nga tatawag ako ng doktor! ay hindi kukuha ako ng gamot at bimpo. Ay mali kukuha ako na pang linis sa suka mo." tarantang sabi ni Yaya habang hinihipo ang nuo ko. Di na ako nag salita dahil wala akong lakas. "Hija, sandali lang ah at kukuha ako ng gamot dahil ang taas ng lagnat mo." tumango na lang ako tsaka lumabas si Yaya, Pumasok yung anak ni Yaya sa kwarto ko para linisin yung suka ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
May narinig akong humintong makina ng sasakyan at sure akong si Dad na yan. Pumasok ulit si Yaya sa kwarto ko at pina inom ako ng gamot at pinunasan ako ng maligamgam na tubig.
Pumasok naman si Dad at Mommy sa kwarto ko na bakas ang pag aalala sa mukha nila. Agad silang lumapit sakin kaya umalis na si Yaya dahil iku-kuha daw niya ako ng tubig.
"Alex, What happen?" tanong ni Mommy habang pinagpatuloy ang pag pupunas sakin.
"I don't know. Kanina masama lang ang pakiramdam ko." hinang hina kong sagot. Pinilit kong tumayo dahil nakaramdam ako ng pagsakit ng tyan at feeling ko mai-susuka ko na ang buong tyan ko.
"Where are you going? Nang hihina ka pa." sabi ni Dad habang pinipigilan ako.
"Dad, kaya ko po." Naglakad na ko ulit, pero di pa ko nakaka punta ng banyo ng maramdaman kong umikot ang mundo ko at para tutumba na ko and last thing I knew everything went black.
Nagising ako ng makita kong puro puti ang paligid ko. Nakita kong may swerong naka kabit sakin, Alam ko na kung asan ako. Ang pinaka ayaw kong lugar kahit mula nung pagkabata ko lagi akong sinusugod dito dahil sa asthma ko.
"Buti naman at gising ka na. May masakit ba sayo anak?"sabi ni Mommy habang pinag hahanda ako ng makakain.
"Wala naman po. Medyo nahihilo lang."
"Sabi ng Doctor kulang ka daw sa pahinga at kain. Ano bang nangyayari anak? may problema ba?" Kulang talaga ko sa pahinga dahil kailan kong mag review at mag training dahil malapit na ang exam at ang laban namin, Kulang sa kain? Sino ba naman gaganahan kung yung taong mahal mo di na nagpaparamdam sayo!
"Anak?" pagtawag sakin ni Mommy na nagpatigil sa pag iisip ko. Shet! anong idadahilan ko? Busy? Ano yun nakalimutan ko na ang pagkain? Di naman ako ganun dati kung pwede nga lang puro kain ang gawin ko gagawin ko dati eh. Diet? Shet bago yun ah! Yun na nga lang!
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??