Chapter 10

22 0 0
                                    

Alex POV

   Pumasok na ko sa bahay ng ihatid ako ni Aj. Buma-bait na talaga siya! Nakita ko sila Mommy na nanunuod sa may salas kasama si Daddy, agad akong lumapit sakanila at kumiss.

"Oh Hija! Baket ngayon ka lang?" tanong ni Daddy sakin.

"madami po kasi kaming ginawa sa school eh. sorry po."

"It's ok. Kumain ka na ba?" tanong ni Mommy sakin.

"Busog pa po ako eh."

"Ah. Go change your clothes na."

"Uhm Dad? May susundo po sakin mamaya. Mag papa tuitor po kasi eh."

"Oh? That's good. Magpapahanda na ba ko ng foods?"

"No Mommy. Sa bahay po nila kami."

"Ok. Go change your clothes na!" nag smile ako then naglakad na papuntang kwarto ko.

Pagka pasok ko sa kwarto nag bihis ako and chineck ko na rin yung Fb ko. Wala namang bago puro notifications and Friend Request. Chineck ko din kung online si Francis pero nagkamali ako, dahil di siya online. Nag out na lang ako at naghintay sa text ni Aj. A few minutes umilaw ang phone ko so it means may nagtext.

From: SHM'Aj;)

   Alex, Dito na ko sa may tapat ng gate niyo ;))

Pagka-basa ko ng text niya, lumabas na ko ng room ko at pinabukas ko kay Yaya yung gate namin.

"Mommy, Andyan na po si Aj." pagkasabi ko nun pumasok na si Aj sa bahay. Naka ngiti siyang lumapit sakin.

"Goodevening po." magalang na sabi ni Aj.

"Goodevening din Hijo." sabi ni Mommy na may matching smile pa.

"Mommy, Si Aj Mahilum po. Classmate ko."

"Nice to meet you Hijo." sabi ni Mommy at nag abot ng kamay. Wala si Dad dahil may biglaang problema daw sa Office. Ang bilis niya naman naka alis!

"Nice to meet you din po." sabi ni Aj.

"You can call me Tita. My dear!" ngumiti naman tong si Aj ng abot tenga! psh!

"O'sha, Baka Gabihin kayo masyado kaka aral. You may go."

"Salamat Mommy." kumiss ako sakanya niya at niyayang umalis na si Aj.

"Take care ok?"

"I will." sabi ko. Palabas na kami ng magsalita si Aj.

"Tita, salamat po ulet." sabi ni Aj. Pagkatapos nun naglakad na kami ng makapunta agad sa bahay nila.

Nasa tapat kami ng bahay nila Aj ng pag buksan kami ng isang maid. Hindi ko akalain na ganito kayaman sila Aj.

Nakarating kami sa loob nang nakita ko yung girl na sobrang ganda at tangkad. Lumapit siya samin at bumeso sakin.

"Hi I'm Monica, Aj's sister!" natulala ako sa ganda niya. Hindi naman sila masyadong hawig ni Aj eh kasi si Aj chinito while tong si ate Monica bilugan ang mata.

"Ahm. Alex po. Nice to meet you." sabi ko habang hinabaan ko ang kamay ko para makipag kamay sakanya.

"I like your name. Bagay sayo! by the way little bro, is she your girlfriend?" nabigla naman ako sa tanong niya kay Aj.

"Ate! We're just friends!" hiyang sabi ni Aj sa ate niya. Natatawa na lang ako sakanila.

"Oh I see. Sayang naman. I like her!"

"Shut up ate! sige na! may gagawin pa kami." hinila agad ako ni Aj na halatang asar sa ate niya. Nag smile na lang ako kay ate Monica.

Nakarating kami sa may salas nila at dun na-upo.

"Wag mo pansinin si Ate Mon, talagang baliw yun."

"Hahahah! Okay lang yun! ang cute nga niya eh!" napatahimik kami bigla ng dumating yung di naman ganung katandang babae na papunta samin.

"Mom, This is Alex. Alex, Mommy ko." pakilala ni Aj sakin sa Mom niya. Nakatingin sakin to kaya bigla akong na concious sa itsura ko.

"Good Evening po." tipid na bati ko. Nahihiya na talaga ko.

"Good Evening din Hija! Feel yourself at home ha? Ipapahanda ko lang yung foods." sabi ng mom ni Aj at dumiretso na siya sa kusina.

Dumiretso na kami ni Aj sa may garden nila. May malaking fountain sa may gilid ng may malaking swimming pool. Umupo kami sa may isang table dun at nagsimulang mag tuitor.

"San ba tayo mag sisimula?" tanong ko habang binubuksan ko yung book ko.

"Malamang sa umpisa tayo! alangan mag simula tayo sa dulo diba?" sabi niya habang tumatawa ng nakakaloko. Isa pa! iiwanan ko to!

"Tatawa na ba ko sa joke mo?" sarcastic kong tanong sakanya.

"Hahahahaha! Joke lang!"

"Fine! Well let's move on, mag aral na tayo at mag sagot."

"Mamaya na yan! Magkwentuhan muna tayo." binitawan ko yung hawak kong libro at tumingin sakanya.

"Ano naman gusto mong pagkwentuhan? akala ko ba magpapa tuitor ka?"

"Oo nga! pero mamaya na yan!"

"Hmmm! At bakit? baka mamaya gabihin tayo."

"Ano ka ba? gabi na kaya! hahahah! talo ka pa ba? matagal mong makakasama ang isang gwapong katulad ko?" wow! just wow! Gwapo? well talagang gwapo siya pero sobrang hangin naman!

"Ano ulet? Parang bigla kasing lumakas yung hangin eh! ayan nga oh tinatangay ako!"

"Hahahahahah! Antaba taba mo tapos.....hahaha!.... Hahanginin ka?! hahahaha! mangarap ka!" Ang kapal ng mukha nito! ako mataba? utot niya! siya nga mukhang halimaw na walang mata eh!

Hello Guys! Pasensya na po sa mabagal na update ah! medyo busy dahil sa clearance signing eh! babawi na lang ako ;))) Please vote and comment <3

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon